Tanghali na nang magising ulit ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napagod siguro ako kanina dahil sa kalalakad at kasusunod kay Vrel. Ang lalaking 'yon, s'ya na naman ang pumasok sa isip ko. Agad na lamang akong bumangon, nang lingonin ko si Zia ay nakatingin na rin s'ya sa akin.
"Saan ka ba talaga galing kanina?" ayon na naman ang tanong n'ya.
Nasalo ko ang noo, saka s'ya tiningnan, "Hindi ka parin ba natatahimik dahil d'yan? Napaka chismosa mo."
"We're friends, and friends don't lie with each other." hugot n'ya pa, "So tell me, where have you been at 9 am to 10:27 am?"
Talagang hindi ako makapaniwala sa babaeng 'to. Grabe ang talas ng memorya n'ya na maging ang oras ng pag-alis at pagbabalik ko ay kabisado n'ya pa. Hindi ko s'ya sinagot, inayos ang sarili dahil sa iilang magulong hibla ng buhok ko.
"Okay, sige na. Nakasabay kong maglakad yung sinasabi ko sayong gwapo pero masungit na lalaki." diretso kong sagot.
Mukhang kontento na s'ya sa narinig dahil umamo ang mukha n'ya. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ay hindi dapat s'ya magpahuli, hindi narin naman bago sa akin 'yon dahil para ko na s'yang kapatid. Madalas nga lang talaga ay nasosobrahan s'ya sa pagiging maingay at magulo.
"Anong pangalan?" ayon na ang nagingiti n'yang tanong saka umupo sa higaan ko.
Mukhang wala naman sa itsura n'ya na may masama s'yang hangarin kay Vrel kaya hindi na ako nag-inarte sa pagsagot.
"Vrel." tugon ko.
"Apilyido?" tanong n'ya saka kinuha ang phone.
"Ayon lang ang alam kong pangalan n'ya." ngumiwi ako saka s'ya hinawi, "Bakit mo ba natanong?"
"Search natin sa facebook para sure tayong maganda ang background at hindi ka lolokohin." saad n'ya.
Halos malaglag ako sa kama dahil sa sagot n'yang 'yon. Hindi ako makapaniwalang kakaiba na agad ang nagagawa n'yang scenario sa isip n'ya. Nagkasabay palang kaming maglakad ay advance na agad ang iniisip n'ya.
"Hindi ko magiging jowa 'yon." inis kong sambit saka nagiwas ng tingin.
Napagtanto ko rin ang sinabi ko, sigurado ako doon. Pero may lungkot sa akin ang katotohanang 'yon. Hindi ko s'ya magiging jowa dahil sa masyadong malayo ang agwat naming dalawa, kundi dahil hindi sigurado ang buhay n'ya. Malimit lang ang tao na nakakaligtas sa brain cancer.
Naalala ko ang sinabi ni Vrel kanina patungkol sa malignant brain tumor n'ya. Agad kong nilingon si Zia.
"Ano-ano ba ang klase ng brain cancer?" tanong ko sa kan'ya.
Nakita ko s'yang matigilan saka ako marahang nilingon. Ang itsura n'ya ay hindi maipaliwanag.
"Sabi ko na, eh." bigla n'yang sambit.
"Alin?"
"May cancer ka sa utak."
Nawawalan ng pag-asa akong napapikit, hindi ko na alam kung paano kakausapin ng maayos si Zia sa tuwing gusto ko ng seryosong usapan. Idinaan ko nalang sa malalim na buntong hininga ang katangahan n'ya saka ko s'ya nilingon.
"Wala akong cancer." wika ko, "May nakilala kase akong pasyente na may brain cancer, malignant daw." saad ko.
"Nako, advance condolence sa kan'ya." aniya habang nagsusuklay.
Kinabahan ako, talaga nga sigurong delikado ang magkaroon ng ganong klase ng sakit. Hindi talaga biro ang brain cancer, dahil utak na mismo ang kalaban ng tao. Naalala ko ang sitwasyon ni Vrel, kung talagang may brain cancer s'ya ay delikado ang buhay n'ya. Maaaring kaya ganoon pa s'ya kalakas ay dahil kinakaya n'ya naman.
Napaglaro ko ang dila ko dahil sa sobrang pagiisip. Hindi pa man ako ganoon kalapit kay Vrel, ay may takot narin ako para sa kalagayan n'ya.
"Lalim ng iniisip mo." bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Zia.
"Ano kayang pakiramdam ng mga taong may brain cancer?" nakatulala kong tanong.
"Gusto mo i-try?" tanong n'ya.
"Sira ulo." sambit ko sa kan'ya saka umayos ng upo.
"Gusto mo yata malaman ang pakiramdam, eh. Tara iuuntog kita." nakangiti pa n'yang anyaya.
"Gaga." sambit ko sa kan'ya, "Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap mapunta sa sitwasyon nila, yung ikaw mismo hindi sigurado sa buhay na meron ka." saad ko.
"Sabi nga nila, ang buhay ng tao ay tulad rin ng assignments o projects. May nakatakdang deadline." nakangiti n'yang sabi, "Buti nalang talaga at hindi ako nakakita ng liwanag habang nagsusuka noong isang araw."
Natatawa ko s'yang nilingon, ngunit nagpapasalamat rin dahil ganito lang ang inabot ko. Hindi gaya ng isa sa mga kaklase namin na hanggang ngayon ay kiritikal parin daw ang kalagayan. Malalim akong bumuntong hininga dahil sa mga iniisip.
"Nag announce na sa fb page tungkol sa university battle." sambit ng isa naming classmate.
"Kasali kaya tayo?"
"Ano daw bang mga gagawin don?"
"Battle daw, eh."
"Baka doggie battle, teach me how to doggie."
Kabilaan ulit ang bulongan ng lahat, kami ni Zia ay tahimik lang na nakikinig. Hindi pa namin alam kung inaprobahan na ba letter for participation namin, siguro ay mamaya pa namin malalaman.
Maya-maya lang ay pumasok ang isang professor, lahat ay natahimik at napatingin rito.
"The Dean already received your letter of participation, he will come here so he can talk with you." anunsyo nito.
"Yes, Sir." tugon ng lahat.
"How are you feeling?" tanong nito.
"Fine, Sir." sagot ng ilan.
"Good to know, please wait for the Dean. Thankyou." saad nito saka lumabas.
Hindi ganoon kalayo ang University mula dito sa Hospital. Kalahating kilometro lang ang agwat nito kaya hindi na mahirap para sa mga teachers ang bumisita rito kung may oras. Nilingon ko si Zia nang kalabitin n'ya ako.
"May integral calculus daw sa battle." aniya, "Ipapaubaya ko na sa'yo 'yon."
"Ano!?" tanong ko, "Ayaw ko." tanggi ko.
"Dali na." pamimilit n'ya.
"Walang iba na magaling sa calculus dito maliban sayo, Sam." sambit ng isa naming kaklase.
"Oo nga!" sigaw ng mga kaklase naming lalaki.
Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako sa kanila saka palihim na napakamot sa batok. Hindi ko alam kung tatanggi ako o hindi, may nalalaman ako sa calculus ngunit alam kong hindi ako kagalingan doon. Nilingon ko si Zia nang mapansin ko s'yang nagsusulat ng pangalan.
"So, si Sam ang sa integral cal." aniya saka sinulat ang pangalan ko.
"Bakit ba kase ako?" angal ko.
"Alangan namang ako?" ngumiwi s'ya, "Hayaan mo, kapag natalo tayo idahilan mo na food poison ka at umakyat sa utak mo yung lason kaya naapektuhan pati mga sagot mo." saad n'ya.
Hindi ako makapaniwalang napanganga, gustohin ko mang tumanggi ay mukhang inaasahan nga talaga ako ng lahat. Wala na akong magagawa kundi ang um-oo at paniwalain silang buong puso kong tinatanggap na ako ang isasalang nila kahit pa ang totoo ay hindi ko talaga 'yon gusto.
Bwiset.
____________
next chapter...FAQ (Fa kyu): May POV ba si Vrel?
ANSWER (An Swer): Yes ofkors, kung gusto n'yo pati si Zia meron eh.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...