Matapos ang sandaling 'yon ay bumalik na ako sa room namin, baon ko ang ngiti na kanina pa man ay nasa mga labi ko na. Nang makapasok ako ay kumakain na ang ilan, ang ilan naman ay may kan'ya-kan'yang pinagkaka-abalahan.
"Saan ka galing?" dinig kong tanong ni Zia sa akin nang makaupo ako sa higaan ko.
"Sa roof top." tugon ko saka s'ya nilingon.
Ngunit natigilan ako ng makita kong mugto ang mga mata n'ya. Nakangiti s'ya sa akin, ngunit ako ay seryosong nakatingin sa mga mata n'ya. Ang ganitong itsura ng mga mata ay alam kong dahil sa pag iyak.
"Namumugto ang mga mata mo." nagaalala kong sambit, "Anong nangyari?"
"Wala." tumawa s'ya saka iyon hinawakan, "
"Pangarap ko kaseng maging Koreana, pamumugto ng mata lang ang paraan para maging singkit ako." biro n'ya.Ngunit hindi ako natawa, binalot ako ng pag aalala. Hindi si Zia ang tipo ng tao na ipapakita ang kahit na anong bakas ng kalungkotan n'ya, hangga't maaari ay itatago n'ya 'yon. Hindi s'ya umimik nang makitang seryoso ang nga tingin ko.
"Anong nangyari, Zia?" nagaalala kong tanong.
"Wala nga." nakuha pa akong irapan, "Nanuod kase ako ng palabas kanina, nakakaiyak."
"Iisang k-drama lang naman ang pinapanuod mo, at wala pang bagong episode na inilalabas. 'Wag ka nang magsinungaling." seryoso kong saad, "Hindi ba sabi ko sayo na lagi kang magsasabi sa'kin ng problema?"
"Alam mo naman kung anong problema ko." ngumiwi s'ya, "Pamilya."
"Anong nangyari?" muli kong tanong.
"Nagpunta si Mommy dito kanina, pinapapili ako kung kanino ko gustong sumama." tugon n'ya ngunit hindi ako nilingon, "Ang gusto ko, masayang pamilya, ayon lang."
Alam kong sa oras na 'to ay pinipigilan n'yang umiyak, dahil kahit kailan ay hindi s'ya umiyak sa harapan ng ibang tao. Maliban nalang kung nanunuod s'ya ng paborito n'yang palabas at nakakalungkot ang scene. Mahilig nagtago si Zia, bagay na madalas ay kinaiinisan ko. Ang gusto n'ya ay tingnan s'ya bilang masayahing tao, at ilibing nalang ng basta ang mga lungkot na itinatago n'ya.
"Ilang beses ko silang pinilit magka ayos, napakaraming beses." dagdag n'ya, "Pero ang dahilan nila, hindi na daw nila kaya." mapait s'yang natawa, "Ako ba, sa tingin ba nila ay kaya ko?"
Hindi ako nagsalita, tumabi ako sa kan'ya. Hindi man lumuluha ay ramdam ko ang bigat at sakit. Noon pa man ay ito na ang naging rason kung bakit madalas ay walang gana sa buhay si Zia. Naging bulakbol at matigas ang puso, hindi ko s'ya masisisi. Kahit si Mama ay gumawa ng paraan upang mapag ayos ang mga magulang ni Zia dahil napapansin ni Mama kung gaano kabigat ang dinadala nito araw-araw. Ngunit matigas talaga ang mga ito sa isa't-isa. Ayos lamang sana kung maayos parin ang pakikitungo nila kay Zia, ngunit maging iyon ay naaapektuhan.
"Kung manananggal lang ako ay sasama ako sa kanilang pareho. Kay Mommy ang bewang hanggang paa, kay Daddy ang tiyan papuntang ulo." nakuha pa talaga n'yang magbiro.
Napapailing nalang akong natawa saka lumapit sa kan'ya at yumakap. Nasasaktan ako sa tuwing ganito ang sitwasyon ni Zia, napakahirap ng lahat para sa kan'ya. Itinatago man n'ya ang kahinaan na meron s'ya, ay ramdam ko iyon. Kung kailangan ko s'ya, ay mas kailangan n'ya ako ngayon.
"Nandito lang ako." sambit ko.
"Sige d'yan ka lang." tugon n'ya.
Sinamaan ko s'ya ng tingin at kalaunan ay natawa nalang rin. Pinanunasan n'ya ang kakurampot na luhang lumabas sa mga mata n'ya saka ko mayabang na hinarap.
BINABASA MO ANG
OH MY GHOST [ONGOING]
Teen FictionSi Samara ay isang masiyahin at positibong tao, lahat halos ng nakakasalamuha n'ya ay napapagaan niya ang loob. Hindi natatakot sa multo, bata pa man ay hindi na s'ya naniniwala sa iba't-ibang kuwento patungkol sa mga kaluluwa. At sa hindi inaasahan...