Chapter 48

6.9K 466 480
                                    

AUTHOR: Read Chapter 40 para malaman n'yo kung anong meron sa 12:45.
________________________

Magkakasama pa rin kaming tatlo habang naglalakad-lakad sa malawak na ground ng campus, napakaraming booth doon. Mayroon ring mga mini department store na puro imported candies ang laman. Mayroong mga booth kung saan pwede kang maglaro at makihalubilo sa ibang year levels. Pagkatapos kong makagraduate sa senior highschool ay ngayon nalang ulit ako nakaranas nito.

"Mga teh, may love confession booth," turo ni Andy sa hindi kalayuan.

"Gagawin natin d'yan?" tanong ni Zia habang naroon rin ang tingin.

"Baka magdadasal, teh? Sa tingin mo?" arangkada ni Andy, "Malamang magco-confess."

"Alam ko!" irap ni Zia, "Eh bakit nga tayo papasok d'yan? Eh wala naman tayong ico-confess."

"Ikaw wala kase wala ka namang lovelife," inirapan ni Andy si Zia saka ito naglakad.

"Boom," natatawa kong sambit kay Zia saka sumunod kay Andy, "Barag."

"Parang ikaw meron ha!" banat rin ni Zia saka sumunod.

"Talgang meron 'no," pagmamalaki ni Andy, "Pinag agawan na kaya ako ng tatlong lalaki."

"Ay anashlo," pangaasar ni Zia kay Andy, "Edi ikaw na."

(Anashlo is a funny bisaya term for sanaol)

Nilingon naman ako ni Andy, "Eh ikaw? NBSB pa rin?"

"Hoy 'wag ka!" palahaw ni Zia, "Naging sila ni Renz."

"Ay legit?" nagugulat na tanong ni Andy saka ako nilingon, "From fangirl to girlfriend?"

Nakangiwi nalang akong napailing sa kanila saka kalaunan ay natawa. Hindi ko na kailngang sagotin ang lahat ng nabubuong tanong sa isip ni Andy, dahil katabi ko naman ang spokesperson ko.

"Hindi mo ba alam?" tanong ko kay Andy.

"Magugulat ba naman ako kung oo, teh?" aniya na nakahawak pa sa dibdib, "Ang aga ko rin kaseng nagtransfer noon kaya siguro walang nasagap na chismis ang reyna n'yo."

"Nako, kung alam mo lang," sabat ni Zia, "Sa una lang magaling 'yang si Renz."

Nilingon ko si Zia nang sabihin n'ya iyon. Totoo naman ang sinabi n'ya, pero may parte sa akin na ayaw nang pagusapan iyon dahil sa mga nalaman ko kanina. Ang katotohanang inosente si Renz ay tila nag alis ng halos kalahati ng galit ko sa kan'ya. Hindi na lamang ako umimik, nanatili silang nagdadaldalan habang patuloy kami sa paglalakad.

"Alam mo ba kung sinong nakipaghiwalay?" maaksyon pang tanong ni Zia.

"Si Renz?" hula ni Andy.

"Paano mo nalaman?" nawala ang pananabik ni Zia.

"Aba syempre, that's Aian Terenz. Saka ka na magkakaroon ng karapatang hiwalayan 'yon kapag nalamangan mo na sa ganda si Liza Soberano," ngumiwi ito.

"Gaga," singhal ni Zia, "Oo si Renz ang nakipaghiwalay, pero alam mo ba kung anong sinabi n'ya nung nakipaghiwalay s'ya?"

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon