Chapter 11

8.1K 559 201
                                    

Sa wakas ay natapos ko ang huling tanong bago pa matapos ang oras. Pinilit kong intindihin ang paliwanag ni Vrel kanina sa iba't-ibang gawain, mabuti nalang at magaling s'yang magpaliwanag bagaman hindi ko s'ya nakitang humawak ng lapis o papel para mag solve.

Kaya n'yang sagotan 'yon ng hindi nagso-solve sa papel.

Nag-unat ako ng katawan saka maluwag na nakahinga, sa wakas ay wala na akong po-problemahin pa. Manalo o matalo, ang importante ay ginawa ko ang best ko para makinig may Vrel at maintindihan ang sinasabi n'ya. Bagaman sa mga parte na hindi ko maintindihan ay si Vrel ang sumasagot.

Akalain mong matulongin pala si loko.

Napangiti ako sa naisip, nang makontento sa pag-unat ng katawan ay lumingon ako upang magpasalamat kay Vrel ngunit hindi ko s'ya nakita sa likuran ko. Niliboy ko ang tingin sa buong silid ngunit wala na s'ya doon, hindi ko man lang s'ya napansing lumabas. Sana lang ay hindi s'ya nakita ng kung sino mang nagbabantay sa labas.

"Hindi na naman nagpaalam." ngumiwi ako.

Maya-maya lang ay pumasok na ang Professor, agad akong ngumiti nang maglakad ito palapit sa akin saka ko inabot ang papel. Nakangiti rin n'ya iyong kinuha bagaman may kakaiba sa reaksyon n'ya, siguro ay masyado s'yang nabilib dahil maaga akong natapos.

"Pwede na po ba akong lumabas?" tanong ko.

"Yes, you may." aniya saka itinuro ang pinto.

Ngumiti ako saka agad na naglakad palabas. Nang makalabas ay nilingon ko ang buong paligid, walang bakas ni Vrel saan mang sulok. Hindi ko alam kung saan iyon nagpunta, siguro ay bumalik sa room n'ya at nagpahinga. Saka na siguro ako magpapa-salamat sa kan'ya sa oras na magkita ulit kami. Dahil kay Vrel ay guminhawa ang pakiramdam ko, may ambag rin pala sa buhay ko ang masungit na lalaking 'yon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa room namin, nang makarating ako doon ay naka-abang silang lahat. Natutuwa sila nang makita ako, si Zia naman ay agad na tumakbo palapit sa akin.

"Kamusta?" kinikilig n'yang tanong, "Natapos mo ba? Ano? Mahirap ba? Anong mga sinagot mo? Perfect ka ba?" sunod-sunod n'yang tanong.

Natatawa ko s'yang nilagpasan saka muna naupo sa higaan ko. Ang mga kaklase ko naman ay nasa akin na rin ang tingin. Alam kong lahat sila ay gustong malaman kung ano ang naging resulta ng exam na 'yon.

"Natapos ko ang exam bago ang deadline, pero wala pang resulta. Hindi ko alam kung kailan malalaman." tugon ko.

"OMG!!!!" tumili si Zia sa narinig.

Lahat rin ay natuwa, natutuwa ko silang pinagmasdan. Sa kabila non may kaba sa pakiramdam ko na baka may kapalit ang tuwa nila ngayon, baka mabigo ako. Ngunit naalala ko si Vrel, naalala ko kung gaano s'ya kagaling sa pagpa-paliwanag ng mga gagawin kanina. Para bang lahat ng nandoon ay alam n'ya. Dahil doon ay tila nabuhayan ang loob ko.

"Oh tapos? Mahirap ba ang mga tanong?" muling tanong ni Zia pagkatapos akong hampasin sa balikat.

"Nakakadugo ng utak." natatawa kong sagot, "Pero ayos naman, dahil naintindihan ko rin sa huli." dagdag ko.

"Sabi sayo kayang-kaya mo 'yan, eh." natutuwang saad ni Zia habang inuuga ako.

Nahihilo ako sa ginagawa ng babaeng 'to sa akin, ngumiti na lamang ako. Ang kapalit pala ng matinding kaba ay ang ganito kaginhawang pakiramdam. Hindi ko inaasahang matatapos ko ang lahat ng 'yon, hindi ko maalis sa isip ko kung gaano ako nagpapa-salamat kay Vrel. Wala sa sarili akong napangiti habang naaalala ang itsura n'ya kanina.

He saved me.

"Nakakabaliw pala talaga ang Integral Calculus." kalaunan ay sambit ni Zia, "Nginingiti mo?" tanong n'ya.

"Wala." nakanguso kong sagot, "Hindi lang ako makapaniwala na nagawa kong taposin 'yon." dagdag ko.

"Proud of you, betch." aniya sa akin saka ngumiti.

"Salamat." ngumiti rin ako.

"Celebrate naman d'yan." bigla n'yang hirit, "Empi."

Natawa nalang ako saka napa-iling. Kahit kailan ay hindi s'ya nauubosan ng kalokohan, unlimited lagi ang katarantadahan sa utak. Nahiga na lamang ako dahil pakiramdam ko ay nanghina ang utak ko sa dalawang oras na pag-upo ko sa silyang 'yon. Nakatitig ako sa kisame habang naglalayag ang isip ko.

Naalala ko ang unang beses na natuto akong magsagot ng calculus, si Renz ang nagturo sa akin non. Dati kase s'yang Architect student, nagshift lang s'ya sa Psychology dahil iyon ang gusto ng Daddy n'ya. Mabuti nalang rin at naturoan n'ya ako, dahilan para hindi na ako gaanong mahirapan sa pag-intindi nito ngayon.

Ngunit simula nang naghiwalay kami ay hindi na rin ako muling nag-aral ng calculus, nagpaturo lang ako noon dahil humahanga ako sa talino n'ya. Kilala s'ya bilang sikat na Architect student ng Similan noong unang year ng college, kaya ko s'ya nakilala noon.

"Sam, betch." naputol ang paglalayag ng isip ko nang tawagin ako ni Zia.

Agad ko s'yang nilingon.

"Nabalitaan mo na?" tanong n'ya.

"Ang alin?" nagtataka kong tanong.

"Malala daw pala ang pagkakalason natin, sadyang saglit lang ang sintomas."  saad n'ya, "Mukhang hindi lang tayo 1 week mags-stay dito."

Nagulat ako sa sinabi n'ya, pero wala akong maramdamang inis nang sabihin n'ya na mukhang matatagalan pa kami dito sa hospital. Bumuntong hininga nalang ako saka tumitig sa kisame. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, ngunit wala kaming magagawa kundi ang makinig.

"Pero sabagay, ayos na rin na magtagal tayo rito." kalaunan ay nagsalita si Zia.

"Dahil maraming gwapo?" nangaasar kong tanong.

"Kase, maririnig ko lang lagi sila Mom and Dad na nagsisigawan sa bahay. Nagsusumbatan ng kasalanan, nakakasawa." natatawa n'yang sagot.

Hindi ako naka kibo.

"Pero true, dahil rin sa nga gwapong Doctor dito." aniya na sa akin.

Ngumiti ako, "The happiest person, hides the deepest pain." sambit ko saka s'ya tiningnan.

"Ayaw kong mamatay ng puro lungkot at puot lang ang nararamdaman ko." aniya saka ngumiti.

Mababasa ang lungkot sa mga mata n'ya. Simula bata ay kilala ko na si Zia, malapit ang mga magulang namin. Kaya ganito nalang ang epekto sa kan'ya ng paghihiwalay ng mga magulang n'ya ay dahil masaya sila noon. Perpektong pamilya kung matatawag, masaya pang magkasama ang mga magulang nila. Nawala lang ang saya ng pamilya nila ng ibang magkaroon ng karelasyon ang Mommy n'ya. Napakalaking trauma non para kay Zia, hanggang ngayon ay alam kong dala n'ya parin 'yon.

"Bilib ako sayo." kalaunan ay sambit ko.

"Bakit naman?" nilingon n'ya ako.

"Kase kinakaya mo, matapang ka. Hindi ka mabilis sumuko." nakangiti kong sagot.

"Oo na aamin na ako." aniya na ipinagtaka ko, "Ako talaga si Darna."

Natatawa nalang akong napa-irap sa kan'ya, ngunit napangiti lang rin sa huli. Iyan ang paraan n'ya para matakasan ang lungkot, ang pagiging loka-loka sa bawat oras.


______________
next chapter...

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon