Chapter 79

6.8K 465 435
                                    

ANDY'S POV.

Shocking teh!

Nakatitig pa rin ako kay Samara dahil sa ikinikilos n'ya, lalo pa dahil sa sinabi n'yang 'yon kay Brynn. Lalamonin daw ang fafa Vrel at ngunguyain, kaloka!

Nilingon ko si Zia at pareho kaming nagkatinginan, pareho ring nagtataka. Wala akong makuhang sagot sa isip ko, kung bakit nga ba nagkaganito ang reyna namin. Bakas sa pagmumukha ni Brynn ang gulat, lalo na sa pagmumukha ni Loceanne at ng mga manekin sa likod n'ya.

Pero mas na-curious ako sa itsura ni Vrel, nang lingonin ko s'ya ay bahagya nang naka-kunot ang noo n'ya. Nakatingin s'ya kay Samara, pero ang tingin ni Samara ay nakay Brynn. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman sa eksenang ito, kung dapat ba akong malungkot dahil mukhang lubog na ang pag-asa ko para kay Sam at Vrel o maging masaya dahil sa character development ni Reyna Samara. 

"Don't mind her," nilingon pa ni Brynn si Vrel na tila nagpapaalala, "She's kinda crazy."

Nagulat ako sa sinabi n'yang 'yon saka ko nilingon si Samara dahil inaasahan ko s'yang palagan 'yon. Ngunit nananatili lang s'yang tahimik, ngayon ay kinakalikot na ang phone n'ya. Abalang-abala na akala mo'y walang kagaya namin ang nabubuhay sa mundo.

"Look, I don't want to argue with you all," tiningnan n'ya kami, "Please look for another table, you're wasting our time."

"Kasalanan n'yo naman kung bakit nasasayang ang oras n'yo," ani Zia sa kanila, "Kami pa ang palilipatin n'yo, isang lingonan lang 'yang mga lamesa sa likod n'yo oh."

"Ilang beses ba naming uulitin na lamesa nga namin 'yan," sabat ni Loceanne.

"Ayos lang namang angkinin basta may pangalan n'yo, kaloka," inirapan ko sila.

Hindi ko talaga maintindihan kung saan ipinaglihi ang mga 'to at lumaking ganito kakitid ang utak. Napakaraming solusyon na hinahanapan nila ng problema. Wala naman sigurong sumpa ang lamesang 'to na nagsasabing gaganahan lang silang kumain kung dito naka-upo. Mga loka-loka.

"Vrel," nilingon ni Brynn si Vrel, "Can you please tell them to find another table?"

Tiningnan ko si Vrel at hindi s'ya nagsalita, kakaiba pa rin ang makikitang ekspresyon sa istura n'ya. Ilang sandali pa s'yang namahimik, tiningnan n'ya si Brynn na ngayon ay parang tangan nagpapa-cute sa kan'ya. Walang naging reaksyon sa mukha ni Vrel habang nakatingin kay Brynn, kung ako ang nasa posisyon ni Vrel ay paiikotin ko ng tatlong beses ang ulo ni Brynn sa isang sampal.

Kalaunan ay naglipat ng tingin si Vrel kay Sam na ngayon ay nakatingin pa rin sa phone n'ya.

"I think you should find another—"

"Kumain na kayo," pinutol ni Sam ang sinasabi ni Vrel, "May kailangan pa akong habolin na activities, baka kulangin ako sa oras."

Gusto kong matuwa bagaman hindi ko alam kung para saan ang ganitong ugali ni Sam ngayon. Pero sa nakikita kong reaksyon ni Vrel ngayon, ay gusto kong kumbinsihin na tama ang mga kutob ko noon pa man. Nang lingonin ko si Zia ay bahagya nang nakanganga ang bibig n'ya habang palipat-lipat kay Sam at Vrel ang tingin.

Ang bruhang Zia, s'ya ang may gustong huwag nang madikit si Samara kay Vrel, pero ngayong nangyayari na iyon ay s'ya pa ang nagugulat.

"Hoy," sita ko kay Zia, "Kain na daw tayo sabi ng Reyna."

Agad naman akong nilingon ni Zia saka agad ring kinuha ang pagkain at itinapat sa kan'ya. Sa kasawiang palad, walang nagawa ang kampo ni Brynn kundi ang mag walk out sa kahihiyan. Kahit kase ang magic words ni Vrel ay wala nang talab kay Samara. Gusto ko tuloy tumayo at pumalakpak.

OH MY GHOST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon