Chapter Thirty four

8.2K 354 55
                                    

Banana


"Kumusta ang tulog mo?"

Pagkalabas na pagkalabas ni Victoria sa CR ay iyan ang binungad ko. Nakabihis na rin siya at handa ng bumaba. Nauna akong nagising kanina at nakaligo. Tapos ng nagising siya ay tahimik lang itong tumayo at dumeretso ng CR.

"It's..." Tumalikod ito sa akin. "It's good. Thank you."

"Sigurado ka?" Napansin ko ang pagtango nito kahit nakatalikod siya sa akin. Ang tahimik talaga nito kaya't hindi ko rin malaman kung may problem ba o wala. "Wala ba akong good morning kiss diyan?"

Hinihintay ko itong magsalita at sumagot sa akin pero ang tahimik talaga niya. Ilang minuto pa ang dumaan hanggang sa marinig ko na ito ngunit malayo ang sagot niya.

"I have a peaceful sleep last night so thank you." Nasaan ang kiss ko? Hindi ba niya ako bibigyan? Napangiti na lang ako sa huli dahil iyon naman talaga ang dapat na mangyari. Ang maging mabuti talaga ang tulog niya. "Bumaba na tayo."

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nauna ako sa pintuan at pinagbuksan siya. Nakatitig na ito sa akin ngayon. Ngunit 'di ko naman mabasa ang iniisip nito. Hindi siya nakangiti e kaya malay ko ba kung natutuwa ba talaga siya o baka mamaya galit pala sa akin.

Gusto kaya niya ng good morning kiss?

"Mabuti at maayos ang naging tulog mo. You can call me anytime you want. Ako ang magiging bantay mo." Pero syempre, hindi mawawala ang pag irap nito sa akin.

Nailing pa ito bago naunang lumabas ng k'warto. Sinundan ko na lang ito ng tahimik kasi hindi naman niya ako hinintay. Tahimik ako pero maayos ang pakiramdam ko sa mga oras na ito. Magaan na ito ngayon hindi gaya kagabi.

Ibang-iba ang kasama kong Victoria ngayon. Nawala na kaya ang sanib niya?

Kaso malabo mangyari 'yon e.

Pagkababa namin ay talagang natigil pa kami ni Victoria sa paglalakad. Sabay-sabay ba namang lumingon ang mga taong nasa sala sa amin. Pero mabilis ding nag iwas.

Sa tingin ko ay may hinihintay sila.

Lumapit si Victoria sa tabi ni Mrs. Jade at talagang hindi na ako hinintay pa. Inabutan din siya ng sa tingin ko ay kape na nasa mesa.

Kibit balikat na lang din akong tumabi kay Amanda. Nandito na rin ang mga kaibigan ko maliban kay Alex. Pagkaupo ay dapat na magtatanong ako pero talagang ang tahimik ng mga nilalang na nandito.

Lumapit ako ng kaunti kay Amanda at sa kaniya nagtanong at bumulong.

"Anong problema nila?"

"Hinihintay nilang bumaba si Alex." Hindi pa gising ang isang 'yon? Parang ang imposible naman ata na tinanghali siya ng gising ngayon. "Ang tahimik kanina pa."

Sumisimsim ng kape si Amanda sa tabi ko. Nanonood sa mga kasama na sobrang tahimik.

Ang iba nga'y nahahalata kong naghihintay lang na may bumaba talaga. Panay lingon ba naman sa may hagdan at bubuntong hininga. Ilan pa sa grupo nila Carli ay halata ring kinakabahan.

Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin sila?

"Gulatin kaya natin sila?" Bulong ko pabalik kay Amanda. Akala ko ay papayag siya pero umiling naman ito. "No fun."

"Magkape ka na lang din diyan." Nagkibit balikat na lang ako rito.

Kung sabagay e nakakatuwang panoorin ang mga itsura ng nga kasama namin dito. Namumutla at sa totoo lang ay para silang mga ewan. Hindi ba naman nagsasalita at mukhang mga sabog.

Nilingon ko pa ang dalawang pinsan ni Alex. Masyadong namamaga ang mga mata nila. Ano kayang nagawa ng iyak nilang 'yon?

Masama na kung masama pero wala na talagang magagawa ang iyak nila. Huli na rin para sa kanila na gawin 'yan.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon