CHAPTER 05

1.8K 114 3
                                    

Dedicated to:
angelridid


OPHELIA CALLA


"Let's eat, Hon," biglang sambit ng nerd na ikinagulat ko at maski ang aling estudyante ay ganon din.

"May boyfriend na si Ophelia?!"

"S'ya ang jowa?!"

"Paanong nangyari iyon?!"

Samut-saring bulungan ng mga estudyante sa paligid. Napakagat na lamang ako sa labi at inangat ang tingin ko sa lalaking nakasalamin na tinawag akong 'Hon'.

Magiging issue talaga ito sa buong university dahil kahit ayaw ko ng kasikatan ay sikat pa rin ako dito. Dagdag pa na pinsan ko ang may ari ng university na ito at mga Kuya ko ay isa rin sa mga sikat na business man ngayon.

Kahit gusto ko s'yang singhalan ay 'di ko magawa. Bukod sa hindi ko ugali ang ganon ay dahil may iba akong pakiramdam na nararamdaman sa lalaking ito na isa sa mga nerd ng eskwelahan namin basi sa narinig ko.

Napatingin ako sa lalaking mayabang nang tumawa ito ng sarkastik at nanliliksik na dumapo ang mata niya sa nerd.

"Hon? Pftt! Ikaw boyfriend ni Ophelia? F*cking wake up on dreaming nerd 'cause I know that Ophelia nothing got a boyfriend since before until now," 'di makapaniwalang sambit n'ya na may halong inis at gigil sa boses.

Napatingin ulit ako sa nerd nang mas hinigpitan n'ya ang hawak sa 'king kamay. Alam kong sinabi niya lang iyon para tumigil na ang lalaking mayabang na ito. Pero 'di ko alam kung hanggang saan pa ang papanggap na ito.

"I'm already awake 'cause I am now holding the hands of my dreams," seryosong tugon n'ya na mas lalong kinagigil ng lalaki.

Akmang lalapitan n'ya kami nang magsalita ako. "Please, wag n'yo na itong palalain pa. All students here are now watching us," nagmamakaawa kong sambit na ikinatigil ng lalaki.

Malumanay ang mata nitong nakatingin sa 'kin. "If only you allowed me to court you, then I'll stop my bad habits. I can say that I am willing to change my personality just for you."

Napa-ohh ang mga kaibigan n'ya sa likuran n'ya.

Umiling ako at hinila paatras ang nerd kasama ako. "S-Sorry, my boyfriend and I are going to eat now," sabi ko na ikinanganga n'ya at ilang estudyante. Siguro iniisip nila na sapat na ang ebedensyang ito para malaman nila na boyfriend ko ang hawak-hawak ko.

Di ko na s'ya hinintay na makapagsalita at hinila ng tuluyan ang nerd na ito papaalis sa canteen. Nakita ko pa na nakaabang ang mga kaibigan ko sa labas at nakanganga na may pagtataka ang mga tingin nila sa 'kin.

Nakalapit ako sa kanila. "I'll explain later," sabi ko na ikinatango nila at ginamitan pa ako ng mata sa mata na kailangan ko raw mag-explain sa kanila mamaya.

Di ko na namalayan na hila-hila ko pa pala ang nerd na ito. Nahihiyang binitawan ko s'ya sa 'di kalayuan ng Canteen dito sa hallway.

Nakatitig s'ya sa 'kin at alam kong na-shock s'ya sa ginawa ko. Dapat ako ang magulat dahil bigla-bigla ba namang sinabi na 'Hon'.

Napahinga ako ng maluwag. "I'm sorry for the mess he did while ago. I'll help you to clean up," sabi ko.

Umiwas s'ya ng tingin at nakita ko ang bahagyang paglunok n'ya. Ngayon ko lang napansin na ang taas pala n'ya at malaki naman ang katawan. Mga hanggang leeg ko lang s'ya at feeling ko tuloy sobrang liit ko na.

Nakasalamin s'ya at kagaya nang nakita ko s'ya last time sa national book store, nakaharang ang buhok n'ya sa harapan ng mata niya. And I find it cool!

"A-Ako na bahala sa sarili ko. Salamat sa tulong mo," saad niya. Dali-dali s'yang lumakad at nilagpasan ako na ikinabaling ko sa kan'ya.

Gusto ko pa sana makausap s'ya at makilala pero bakit naman ako magpapakilala? Di ko na alam ang nararamdaman ko sa kan'ya at sana nga ay mawala ito dahil nagbibigay pagtataka at sakit sa ulo ko pa sa problema ko sa kan'ya.

Siguro nag-iisa lang talaga s'ya dahil nakikita ko naman na sanay s'yang mag-isa. Wala na s'yang kaibigan? Then I am willing to be his friend naman dahil palakaibigan naman ako kahit ano ka pa man.

Hindi ko na s'ya nasundan at bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. At tama nga hinala ko at nakaabang sila kasama na doon si Eden na 'di na maintindihan ang mukha. I know na pati s'ya ay naguguluhan.

Kulang na lang ay kumaripas sila ng lakad para makarating lang sa 'kin. Nanlalaki ang mata ng dalawa kong kaibigan at si Eden naman ay madramang nakahawak sa noo nito.

"You didn't tell us about your boyfriend, Ophelia! I thought ba friends tayo?!" sabat ni Nicka at nagpapadyak pa sa lupa.

"Kailan pa 'to, Ophelia? Matagal na ba kayo? Tell me!" 'di mapakaling tanong ni Nelsie.

Halos humalakhak ako sa mga mukha nila. Parang sabik na sabik na malaman ang sagot ko kasi.

"He is a nerd! My gosh, Ophelia! Ang daming gwapo sa paligid!" Madrama n'yang ikinumpas ang kamay sa paligid at halos mangiyak-ngiyak s'yang nakatingin sa 'kin. "Huh? Do you heard me, Ophelia? He is a nerd!" diing sambit n'ya sa word na nerd.

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa ere para ipakitang wag muna sila magdrama at huminahon muna. Ginawa naman nila ang ibig kong sabihin at nakapameywang na sa harapan ko.

Ipinakita ko ang ngiti sa kanila. "It was an act, guys. Pfft! Stop for being dramatic!" natatawa kong sabi sa kanila.

Pinaulanan nila ako ng mga tanong kung paano kami nagkakilala at papaanong naging act iyon gayong parang totoo raw ang ginawa naming acting. Pfft! Di man lang ba sila nagtataka kung bakit nangyari iyon gayong sila-sila lang naman ang kasa-kasama ko palagi dito.

"Buti naman at hindi mo s'ya boyfriend. If you do, magiging issue ito sa university," biglang sabat ni Eden.

Nandito kami ngayon sa classroom at kasalukuyang naghihintay sa teacher namin. Matapos ang mahabang explanation sa kanila tungkol sa lalaking nakasalamin na iyon ay bumalik na kaagad kami sa kanya-kanya naming classroom. Buti pala hindi na nagcutting si Eden.

Napataas ang dalawa kong kilay as if may paki ako sa issue na iyon. Even if I have a boyfriend like a nerd, hinding-hindi ko s'ya ikakahiya at ipapalandakan ko pa s'ya mismo sa buong university. Hindi dapat ako mahiya dahil boyfriend mo nga s'ya di'ba? You should be proud, bakit mo pa siya naging boyfriend kung ikakahiya mo naman s'ya sa maraming tao?

"Naging issue na nga, oh. Kahit 'di ko naman s'ya totoong boyfriend, may issue pa rin," tugon ko.

Parang naging problema pa sa kan'ya ang sinabi ko. "Bakit ngayon ko lang naisip iyan?! Gosh! Sinasabi ko na sa iyo ng maaga na dapat katulad ni Khoen ko ang magiging boyfriend mo. Any basketball player na matitipuan mo."

Gusto ko sanang sabihin na ayaw ko ang katulad ng crush n'yang sikat at mas gugustuhin ko ang simpleng lalaki lang nang pumasok ang Maestro namin kaya napatayo kami sa pagkakaupo lahat.

Sinenyasan niya kaming umupo kaya bumalik kami sa pagkakaupo na namin.

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now