CHAPTER 12

1.4K 85 2
                                    


OPHELIA CALLA

Maaga pa lamang ay nakauwi na kami sa Manila at buti na lang may ilang minuto pa ako para makapaghanda sa sarili ko.

Nakasuot na rin ako ng uniform at ayos na ang lahat ng gamit ko kaya binitbit ko na ang sling bag ko bago lumabas ng kwarto.

Pababa ba ako ng hagdan. "Kuya!" tawag ko nang makababa na ako.

"Nandito ako!"

Narinig ko ang boses n'ya sa pintuan banda kaya mabilis ang lakad na ginawa ko para makarating doon.

Nakasuot na silang dalawa ng business suit. Bagay talaga ang suot nilang suit dahil may mga itsura naman kasi.

"Hatid ka na namin," sabi ni Kuya Alter at binuksan ang backseat para sa 'kin.

Pumasok ako rito at umupo sa gilid banda malapit sa bintana. Umupo na rin si Kuya Alter sa tabi ko at si Kuya Armer naman ay nasa driver seat.

Lumingon sa 'min si Kuya Armer. "Umupo ka rito sa tabi ko, Calla. Do I look like a driver here?" may bahid na tampo sa boses ni Kuya na ikinatawa ko.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse sa gilid ko nang pigilan ako ni Kuya Alter.

"Ako na ang uupo d'yan," tugon ni Kuya Alter at lumabas ng kotse at lumipat sa tabi ni Kuya Armer.

Binuksan ni Kuya Armer ang makina ng kotse at unti-unting pinapapatakbo ito hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa university namin.

Sinilip ko muna ang mga estudyante sa labas at baka makita si Eden na nag-aabang sa 'kin. Alam n'yang papasok na ako kaya kung mauuna man s'yang makarating dito ay hihintayin talaga n'ya ako.

Nabuhayan naman ako ng loob nang makitang nakaabang nga s'ya sa gate ng university. Halatang inip na inip na ito. Ayaw n'ya talaga na naiinip pero dahil ako ang hinihintay n'ya, kaya naman n'yang tiisin.

Nagpaalam na ako sa mga Kuya ko na papasok na ako.

"Take care," paalam ni Kuya Armer nang makalabas ako sa kotse.

Kinawayan ko s'ya bilang pamamaalam. "Ingat ka rin, Kuya!" masaya kong sambit.

Tumango lamang s'ya at pinaharurot na ang kotse papaalis sa kinatatayuan ko. Sinundan ko pa ng tingin ito bago nagsimulang maglakad.

"Sis!" sigaw ni Eden nang makita ako na papalapit sa kan'ya. Ngitian ko s'ya at umamba ng yakap.

Agad naman n'ya akong inunahang yakapin at halikan pa ako sa pisngi na ikinatili ko. May kiliti pa naman ako sa pisnge.

Kumalas s'ya sa yakap. "I miss you already! Gosh! May balita akong sasabihin sa'yo at sigurado akong magugulat ka!" nanlalaki pa ang mata n'ya habang sinasambit iyon na parang pinapakabahan n'ya ako sa sasabihin n'ya.

"Miss din kita. Ano ba iyon?" tila wala akong interesado sa sasabihin n'ya pero ang totoo ay kinakabahan ako sa sasabihin n'ya.

Habang naglalakad kami ay nagsasalita s'ya. "Natatandaan mo pa ba si Zyler? The nerd one?" tanong n'ya na ikinatango ko.

"Oo naman, bakit anong meron sa kan'ya?" Feeling ko tuloy gusto ko nang malaman ang sasabihin n'ya. Basta talaga si Zyler, excited ako

Napahawak s'ya sa noo n'ya at tila hindi n'ya kayang sabihin. "You know what? Feeling ko may gusto sa 'yo ang nerd na iyon. Nong Monday ba naman ay palagi s'yang sumusulpot sa harapan ng classroom natin na parang may hinahanap na tao. Ang mas nakaka-weird nga lang ay nakaabang s'ya palagi sa labas ng pintuan ng classroom natin na parang may hinihintay."

"Paanong magkakagusto si Zyler sa 'kin?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kan'ya at umiwas. Baka ibang tao lang naman ang hinihintay no'n at hindi ako. Paanong ako? Eh, halos 'di na n'ya ako pinapansin at ayaw pa yatang makipagkaibigan sa 'kin.

"Kasi nga narinig ko sa kaklase natin na tinatanong n'ya kung nasa'n ka. Kaya do'n pa lang ay alam kong hinahanap ka n'ya and I don't why!" problemado n'yang sambit at hinawi ang nakabuhaghag n'yang buhok na kaagad kong napansin.

"Nagpa-rebound ka ba?" manghang tanong ko na ikinasingkit ng mata n'ya.

"Yes dahil may date kami ni Khoen ulit- wag mong i-change ang topic!" biglang singhal n'ya sa 'kin.

Kilalang-kilala talaga niya ako. Gusto ko sanang 'wag muna pag-usapan ang tungkol kay Zyler kahit gusto ko malaman ang iba pa tungkol sa kan'ya. Alam ko namang hindi ako ang hinahanap ni Zyler, eh. Baka ginagawa lang ito ni Eden para kumbinsihing may pake ako kay Zyler.

"Hindi naman, ah."

"Malalaman ko rin iyan, Ophelia. Pero totoo talaga na hinahanap ka n'ya kahit nanahimik s'ya sa tabi. At ang isa ko pa sanang sasabihin ay binully s'ya ni Krister na galing sa ABM strand kahapon dahil nakaharang si Zyler sa pintuan natin," sabi pa n'ya na ikinagulat ko.

Bakit kasi binu-bully si Zyler na wala namang kasalanan. Sino naman ang naglakas loob na awayin si Zyler?

"Who's Krister?" tanong ko.

Napa-roll eyes s'ya. "Si Krister 'di mo kilala? Haler! S'ya lang naman ang bad boy na nang-away noong nakaraan lamang kay Zyler sa canteen na may gusto sa'yo! Malamang aawayin n'ya ulit si Zyler dahil sa pagkakaakala n'ya ay boyfriend mo raw si Zyler!"

Wala naman akong pake sa pangalan sa lalaking mayabang na iyon. S'ya pala ulit ang nang-away kay Zyler. Gusto ko sanang i-correct na hindi kami magnobyo ni Zyler pero kung babawiin ko iyon ay gano'n pa rin ang mangyayari. Aawayin at aawayin n'ya pa rin si Zyler.

At saka, ayaw kong magpaligaw sa kahit na sinong lalaki ngayon. Kahit si Chrase man 'yan.

Bigla ko tuloy naisip na manliligaw sa 'kin si Zyler. How does it feels like to be with him?

Napailing lamang ako. I can't imagine kung ano ang sitwasyon namin ni Zyler kapag naging kami o manligaw s'ya sa 'kin. Halos pag-aaral at tarbaho lamang ang iniisip nito kaya malamang uunahin n'ya iyon. Di ko na alam ang gagawin sa kan'ya basta sa ngayon hanggang paghanga muna ako ang kaya kong maibigay.

Kanina pa nagsesermon sa 'kin si Eden na dapat gano'n at ganyan. Hindi raw dapat ako mahulog sa isang nerd, ganyan. Hindi ko na inisip iyon dahil hindi naman siguro n'ya malalaman na may gusto ako sa nerd na iyon.

Papalapit na kami sa classroom namin nang mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung didiretso ba ako o lumiko na lang at hintayin na umalis s'ya.


The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now