CHAPTER 22

1.4K 90 5
                                    

OPHELIA CALLA

"Bakit kumuha ka pa ng upuan?" tanong ko kay Zyler saka ako umupo sa upuan ko.

Inilapag n'ya ang buhat-buhat nitong upuan sa tabi ko bagsak na umupo rito. Napataas tuloy ang kilay ko dahil sa kakaiba nitong kilos.

"Ayaw kong upuin ang upuan ng lalaking iyon," may bahid na inis sa boses n'ya.

Napabuka ng baghagya ang bibig ko. Magkasalubong kasi ang kilay n'ya at inis na inis sa upuan na tinabi n'ya kanina.

"Weird, ah." Hinarap ko na computer at problemado ulit akong nakatingin dito. 'Di pa natapos ng lalaking iyon na ayusin ito.

Medyo nagulat ako nang nilapit pa n'ya masyado ang upuan n'ya sa tabi ko at hinawakan ang mouse.

Napatingin ako sa kamay n'yang nakapatong sa 'kin. Sobrang liit talaga ng kamay ko. Di katulad n'ya na malaki at maugat pa ang kamay na parang nangigigil.

Nakatuon ang atensiyon n'ya sa screen ng computer. "Dapat sinabi mo sa 'kin na kailangan mo pala ng tulong," inis ulit n'yang sermon sa 'kin. Naiinis ba s'ya sa 'kin?!

Busangot na inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa mouse. Agad naman s'yang napatingin sa kamay kong inalis bago n'ya inilipat ang mga mata n'ya sa 'kin na may bahid na takot.

"Naiinis ka yata sa 'kin, eh! Wala naman akong ginagawang masama," inis kong bulong na alam ko naman na maririnig n'ya.

"O-Ophelia..."

Akmang hahawakan n'ya ang kamay na nasa hita ko nang iniwas ko kaagad. Tila na offend naman s'ya sa ginawa kong pagtanggi.

Kahit naaawa ako sa itsura n'ya ay pinanindigan ko pa rin na naiinis ako sa kan'ya. Dapat sabihin n'ya sa 'kin kung ano ang kinaiinisan nito.

Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko sa 'di malamang dahilan. "Sabihin mo na naiinis ka sa 'kin! Ayaw ko sa taong hindi sinasabi ang nasa loobin nito," pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kan'ya.

Taranta naman n'ya akong inalo at pinatahan. "I-I'm sorry, Hon. Please it's not like that..." malambing n'yang alo sa 'kin.

Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang sinabi sa 'kin dahil sa pag-iyak ko. Ang tanging iniisip ko lamang ay kung ano ang kinaiinisan n'ya sa 'kin. Dahil ba malikot ako?

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa pisnge na kaagad n'yang pinahid gamit ang hinlalaki n'yang kamay. Hinila pa n'ya lalo ang upuan ko sa kan'ya hanggang sa di ko na namalayang nakaupo na pala ako sa kandungan nito.

"A-Ano ba kasi ang kinaiinisan mo? Sabihin mo sa 'kin, h-hindi 'yong nag-iisip pa ako..." iyak kong saad.

"Shh..." Hinimas-himas n'ya ang likuran ko at pinasandal ako sa dibdib n'ya saka ako napasinghot ng sipon. Nakakahiya talaga.

"N-Nagseselos ako..."

Bumalik yata ang lahat ng luha ko sa mata ko nang marinig iyon mula sa kan'ya. Agad akong napaangat ng tingin at pinanlakihan s'ya ng mata.

"Saan? Sa computer?!" tanong ko habang nakaturo sa screen ng computer.

Namumulang napayuko s'ya at bahagyang kinagat ang sariling labi. "H-Hindi 'yan..."

"Eh, ano?"

"'Yong lalaking iyon," sagot n'ya at itinuro pa ang lalaki na ngayon ay nakabalik na pala at kasalukuyang naglalaro ng computer 'di gaano kalapit sa 'min.

Napabuka ng konti ang bibig ko na malamang ang lalaki pala 'yong kinaiinisan n'ya. Bakit 'di ko kaagad nahalata?

Gusto ko tuloy ngumusi sa naisip ko. Napahagikgik ako sa isipang nagseselos pala s'ya. Sinabi ko na kanina pa na itake note na seloso ang Zyler ko.

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now