CHAPTER 29 (2)

1.5K 86 1
                                    

OPHELIA CALLA

"Do'n ka muna matulog sa boyfriend mo, Ophelia. May tiwala ako sa 'yong nobyo kaya pinapayagan kita."

"Saan naman kayo pupunta Kuya? Iiwan niyo ako rito?" mabilis kong tanong sa kanila.

Rinig ko sa kabilang linya ang bahagyang paghinga nito ng maluwag. "Ngayon lang naman ito, Calla. Besides, safe ka naman sa nobyo mo."

Napasimangot ako. Kahit gusto kong manatili sila rito sa bahay ay ayaw ko naman na pigilan sila. Trabaho kasi at naiintindihan ko.

'Di talaga ako sanay na wala sila dito sa bahay. At saka alam nila na hindi ako sanay na mag-isa lamang dito.

Napabuga ako ng hininga. "Okay, Kuya..."

"Take care, Calla. Dalawang araw lang ito at pagkatapos nito ay magbo-bonding tayo sa probinsya."

Nabuhayan tuloy ako ng loob. Miss ko na tuloy ang probinsya at hacienda na tinutuluyan namin doon. Ilang weeks na simula nang bumalik ako roon.

Ipinatay na ni Kuya Armer ang tawag pagkatapos naming mag-usap tungkol sa outing. Sama ko na raw ang mga kaibigan ko o kung sino ang gusto kong isama. Syempre isasama ko si Zyler.

Gaya nga sa sinabi ni Kuya Armer, pumunta ako sa condo building na pagmamay-ari ng magulang ni Zyler. Itinuro lamang n'ya ang condo n'ya pero hindi pa n'ya ako nakapasok sa loob dahil sa pagmamadali namin.

Nakarating ako sa 3rd floor ng condo building nila. Di na ako nakapaglibot ng tingin dito dahil mas sabik akong makita si Zyler at kung ano ang nasa loob ng condo nito.

Bitbit ang sling bag ko ay tumungo ako sa room 150. Pinakiramdaman ko muna kung may ingay ba na nagmumula dito.

Napasapok na lamang ako sa noo. Baka soundproof ito o makapal ang pinto. Di naman siguro basta-basta ito maririnig ng tao sa labas ang nasa loob nito.

Inilayo ko ang mukha ko sa pinto at pinindot ang door bell. Naghintay ako ng ilang segundo bago ito bumukas.

Tumambad sa 'kin ang magulong buhok at antok na mukha ni Zyler. Kinusot n'ya ang kan'yang mata bago inilagay ang kan'yang salamin sa mata. Ang kaninang antok na mata ay napalitan ng gulat sa nakita.

Ngumiti ako sa kan'ya. "Zyler, pwede ba akong makitulog dito? Wala kasi ang mga Kuya ko sa bahay kaya pinapunta muna nila ako rito para makitulog," saad ko at saka sinilip ang loob ng condo n'ya.

Tarantang humarang s'ya sa pinto. "H-Hindi pwede, eh. M-May tatapusin pa ako. Tapos busy rin ako," paliwanag n'ya. Inayos n'ya ang kan'yang nagusot na damit at pajama.

Di ko alam kung anong ginagawa n'ya sa loob pero siguro nagre-review s'ya. Napabaksak tuloy ang balikat ko sa narinig. Hindi siguro s'ya sanay na kapag nagre-review, eh may kasama.

Napakamot ako sa braso. "Ahh, gano'n ba? Okay lang, siguro kay Kyle muna ako makitulog. Alam ko nasa 4th floor s'ya ng buildi-"

"Hindi!" bigla n'yang sigaw na ikinahinto ko. Bakit naman 'to bigla-biglang sumisigaw?

"Bakit? Kilala mo ba si Kyle? Naging kapit-bahay ko iyon dati."

Balisa ang mata nito. "A-Ano... Dito ka na, baka ipahanap ka s-sa 'kin ng mga Kuya mo."

Umiling ako sa kan'ya. Kilala naman ni Kuya si Kyle kaya alam kong papayag din iyon.

"I thought may tatapusin ka pa? You know, I understand naman kung 'di ako makakatulog dito. Baka makaistorbo ako sa study mo. Pwede naman kahit kila Kyl-"

Binuksan n'ya ng malawak bigla ang pinto. "No! Dito ka lang at 'di ka istorbo. 'Wag 'kang lalapit kay Kyle," hindi naman s'ya galit pero madiin ang pagkakasambit nito sa pangalan ni Kyle.

Kahit nabigla ako sa pagkainis sa boses n'ya ay napangiti lamang ako. Sino dito seloso?

Napangiti ako ng malawak at hinayaan s'ya sa pinto at pumasok sa loob. "Okay! So, saan ako matutulog?" tanong ko at inilibot ang paningin sa bawat sulok.

Simple lamang ang decoration dito. Mukhang alagang-alaga n'ya ang mga gamit. Daig pa n'ya ako, gezz.

Humarap ako sa kan'ya nang makalapit s'ya sa 'kin. Kita ko na ginulo n'ya ang kan'yang buhok. "S-Sa guest room ka muna matulog."

Halos guest room lang palagi ang tinutulugan ko. Wala pa akong nakatabing matulog kaya naisip ko tuloy na makitulog sa kan'ya.

"P-Pwede sa kwarto mo na lang? Hindi kasi ako sanay na walang kayakap." Slight na nagsasabi ako ng totoo. Hindi talaga ako sanay na matulog na walang kayakap na unan. Gusto ko kasing ma-try na matulog kayakap s'ya.

Nanlaki ang mata n'ya at kaagad na umiling. "H-Hindi pwede! I can't cuddle with you now," kinakabahan n'yang sambit.

Napasimangot ako. "But I can't sleep without cuddling..." Ayaw ba n'yang katabi ako? Gusto ko tuloy maiyak pero 'wag muna ngayon.

Umiling ulit s'ya. "K-Kaya mo naman siguro iyan. You can sleep without cuddling, Hon." Dumiretso s'ya ng lakad papunta sa kusina n'ya na ikinasunod ko.

Sinilip ko ang namumula n'yang mukha pero s'ya na mismo ang umiiwas habang umiinom ng tubig kaharap ng refrigerator.

Napabuntong hininga ako. "Then, I'll be not sleeping here. Siguro do'n na lang ako kay Kyle matulog. Maybe he'll agree to cuddle wit-"

Mabilis n'yang ibinalik ang baso sa ref bago ako tinignan ng mariin. "Dito ka lang! Aish!" Ginulo n'ya ulit ang buhok nito. "Sleep and cuddle with me tonight. Damn, don't mention that guy, Hon."

Napataas ang dalawa kong kilay. "Selos ka?" nangangasar kong tanong.

Umiwas s'ya ng tingin at mas lalong namula ang taenga n'ya. "N-No... H-Halikana nga, manood na lang tayo ng TV."

'Di ko na s'ya kinulit pa sa pagkaselos nito at sumunod sa kan'ya sa kwarto.

Binuksan n'ya ang TV at pinatay ang ilaw para makapanood kami na parang nasa cine. Alam n'yang gusto kong nanunood ng TV na nakapatay ang ilaw, eh.

Pagkaupo n'ya sa head board ng kama ay inaya n'ya akong umupo sa tabi n'ya. Inilagay ko muna ang sling bag ko sa single sofa at tumungo rito.

Mapatalon-talon pa ako nang makarating sa kan'ya. Umupo ako sa tabi nito at niyakap s'ya kaagad. Hindi naman s'ya nagreklamo at hinila pa ako lalo papalapit sa kan'ya.

Napahagikgik tuloy ako. Di pa n'ya sabihin na gusto n'ya ang yakap ko, eh.

Ilang minuto lamang ako nakatutok sa TV nang magsawa ako. Mas gugustuhin ko na lang yakapin ng buong magdamag si Zyler.

Napaangat ako ng tingin. Tutok na tutok talaga s'ya sa pinapanood nito. Di ko alam kung nafe-feel n'ya ba ang presence ko rito, hmp.

Lumapit pa ako sa kan'ya at yumakap sa leeg nito. Bali nakaharap ako sa kan'ya pero nakaupo lamang sa gilid ng kinauupuan nito.

Ang lamig talaga sa kwarto niya. Sarap tuloy yumakap kay Zyler.

Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya na ikinatigil nito. Kalaunan naman ay niyakap n'ya ako sa beywang at pinagpatuloy lamang sa panunood.

Dahil sa nangalay ako sa pwesto ay bigla lamang akong lumipat ng pwesto. Nataranta naman s'ya nang umupo ako sa kandungan n'ya.

Niyakap ko ulit s'ya sa leeg na mas naging komportable sa 'kin. "Payakap, Hon..." malambing kong sambit para hindi n'ya ako alisin sa kandungan.

Hindi s'ya nakapagsalita matapos kong sabihin iyon. Napangiti tuloy ako dahil mukhang naapektuhan s'ya sa tinawag ko.

Sana nga ako lang ang makakagawa sa kan'ya nito. Wala na yatang lalaki na mas hihigit pa sa kan'ya para sa 'kin.



The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now