CHAPTER 06

1.8K 122 1
                                    

Dedicated to:
Emerald_Griffin


OPHELIA CALLA

"Good morning class. Sorry 'di ako nakapunta dito last week dahil nagkaroon ako ng sakit. But I'm fine now so let's start to our first topic," pahayag n'ya at may tinitignan pa ito sa hawak-hawak n'yang folder. "Nakalimutan ko pala na dalhin ang lesson book ko. Sino ang magvo-volunteer na kumuha ng lesson book ko?"

Napalinga-linga ako sa gilid ko at nakitang walang tumaas ng kamay. Bored lang silang nakatingin kay Sir at naramdaman ko lamang ang lungkot para sa kanila.

Mga estudyante sa ganitong panahon ay hindi na tulad noon. I'm not saying na dapat tuladin nila ang noong panahon na sumusunod pa ang mga estudyante, pero dapat at least kahit isa man lang sa kanila ay nagvolunteer.

Wala akong nagawa at tumaas lamang ng kamay. Naaawa ako sa teacher ko dahil matanda na itong lalaki. Paika-ika rin kasi ito maglakad kanina papasok sa room namin at hindi biro na maglakad ka ng ilang meter at ilang hagdan na maaakyatan mo para makapunta lang dito.

Ngumiti ang teacher sa 'kin at tinanguan ako. "Thank you, Miss?" tanong n'ya pa.

Tumayo ako sa pagkakaupo. "Ophelia Calla Zaveri, Sir," magalang na sagot ko.

"Thank you Miss Zaveri. Kindly get my lesson book sa Senior high in Grade 12- Metallic," saad niya na ikinatango ko lamang.

Sasama sana si Eden sa 'kin pero sabi ko dito na hindi ako magtatagal. Alam kong magcu-cutting ulit ito kapag may nakitang gwapo sa labas.

Nakalabas na ako room at kasalukuyang naglalakad sa hallway papunta sa Senior High building. Magkaiba kasi ang building ng Junior sa Senior.

Nakarating ako sa second floor ng building ng Senior High. Sabi kasi ng mga estudyante na tinanungan ko ay nasa second floor ang Grade 12. Tinitignan ko ang mga bawat pangalan ng section at hinanap ang 12- Metallic (STEM)

Napahinga ako ng maluwag nang makita ko na. Humakbang ako papalapit dito at bahagyang sumilip sa room nila.

Wala pa silang teacher kaya medyo maingay sa kanilang room. Mukhang wala silang pinoproblema sa school dahil halos sila ay nakatambay lang sa kanila-kanilang upuan at nakikipag-usap sa katabi.

Tinignan ko ang malapit sa 'king pwesto na estudyante na nakaupo sa pinaka-last na row ng upuan.

"Ate?" tawag ko sa kan'ya na ikinalingon kaagad n'ya mula sa pagkatalikod sa 'kin.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at galak nang makilala s'ya. Maski s'ya ay nagulat at agad napatayo sa pagkakaupo at ngiting nilapitan ako.

"Miss Nice Girl! Anong ginagawa mo dito? May hinahanap ka ba?" sunod-sunod n'yang sambit at hinawakan pa ako sa kamay na parang close na kaagad ako.

Wala namang kaso sa 'kin kung ganito ang pakikitungo sa kan'ya. Siguro ganito lang talaga s'ya makitungo.

Napangiti ako ng hilaw dahil sa hiya. "Inutusan po ako ng Sir niyo na kunin ang lesson book n'ya, Ate," sagot ko.

Napa-ahh s'ya. "Do'n banda sa unahan kunin mo ang nakalagay sa drawer," sabi n'ya at tinuro ang sinasabi n'yang table ni Sir sa unahan.

Tumango ako sa kan'ya at nagpasalamat. Hindi na n'ya ako nasamahan dahil may tumawag na sa kan'ya, siguro kaibigan n'ya.

Nag-aalangan pa ako kung pupunta ako ron dahil sa hiya. May mga lalaki kasi roon malapit sa table ni Sir.

Napahinga na lamang ako ng maluwag at napagpasyahan na tumuloy sa room. Ang ilang estudyante ay napansin ako kaya ngumiti na lamang ako para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.

Dali-dali akong tumungo sa table ni Sir at binalingan muna ng tingin ang lalaking malapit dito.

"Kukunin ko lang po ang lesson book ni Sir, Kuya," sabi ko sa kan'ya na ikinatango n'ya habang tulala pa s'ya sa 'king mukha.

Di ko na inabala s'ya at binuksan lamang ang drawer at kaagad na kinuha ang lesson book nang makita ito sa loob. Kasabay ng pagkasarado ko ng drawer ay napaangat ako ng ulo nang maramdamang nakatingin ang ilan sa 'kin.

Ang iba ay nakangiti sa 'kin at ang iba naman ay nag-aalangan pa na lumapit. Tinaas ko ang libro at ngitian lamang sila. Napahinto ako sa kinatatayuan ko nang makita ang lalaking nakasalamin na nakatingin sa 'kin.

Grade 12 student pala s'ya?! 2 years siguro 'yong tanda n'ya sa 'kin dahil Grade 10 ako. Napailing tuloy ako sa isipan ko.

Kita ko sa mata n'ya na nabigla s'ya nang makita ako. Di ako sigurado kung totoo ba ang nakikita ko sa mata n'ya, parang nagningning ito na tila ngayon lamang ako nakita ulit.

Kahit nag-aalangan akong umiwas sa kan'ya at baliwalain s'ya ay ngumiti ako sa kan'ya. Di ko na hinintay ang magiging reaction n'ya nang magsimula ako sa paglalakad papalabas ng room nila.

May ilang estudyante pa ang nakikipag-usap sa 'kin at halos sila ay gustong makipagkilala. Napangiti na lamang ako dahil halos sila ay mabait sa 'kin, di ko na po-problemahin kung may masamang loob ang ilan sa kanila.

Nagpasalamat si Sir sa 'kin nang maibigay ko sa kanya ang lesson book. Ngiti-ngiti naman ako dahil masarap talaga sa pakiramdam na pinasasalamatan ka kahit sa konting-bagay.

Di nagtagal ay natapos ang discussion ni Sir sa loob lamang ng isang oras. Napaunat-unat naman ako dahil may ginawa kasi kaming activity at ngayon ko lamang natapos.

Parelax-relax lang si Eden dahil easy lang daw sa kan'ya ang activity na ginawa namin. Pero ang totoo talaga n'yan ay nagpagawa s'ya sa crush daw n'ya ulit. Kaklase lang din namin at 'di ko na alam ang gagawin ko kay Eden sa mga kalokohan n'ya.

Hindi s'ya umaasa sa 'kin kung may mga gawain kaming ginagawa sa school. Mapapagod kasi raw ako at sobrang caring n'ya sa 'kin. Kaya love na love ko ang mga kaibigan ko dahil sobrang maalagain sa 'kin.

Inaya na ako ni Eden na umuwi kaya pagod na sumabay ako sa kan'ya. Pagkauwi ko talaga sa bahay ay magpapahinga kaagad ako. Feeling ko yata ay binugbog ang katawan ko.

Pagkarating namin sa gate ay napahinto kami dahil humarang sa dinadaanan namin ang basketball captain na si Khoen.

Nagtatakang napabaling ang tingin ko kay Eden na nakangisi ngayon. Oh dear...

Napansin kaagad ako ni Khoen kaya medyo gulat s'ya nang makita ako. Ngitian n'ya ako na ikinangiti ko rin.

Pumagitna si Eden at halos mapunit na ang ngiti Eden sa kakangiti kay Khoen. "Hi crush! Ano pala kailangan mo sa 'kin?" tanong n'ya at napa-giggle pa.

Napatalikod ako at hinawakan ang bibig ko para di makitang natatawa ako sa inaasal no Eden and at the same time kinikilig din.

"Napag-usapan natin kanina ang date natin. Kailan ang free mo?" tanong ni Khoen kay Eden.

Narinig ko naman ang hiyawan ng ilang basketball player. Kasama pala ni Khoen ang mga ka-team nito.

Napatigil ako sa kakatawa nang makita ang nerd na naglalakad mag-isa. Feeling ko ang lungkot ng buhay n'ya. Wala ba talaga s'yang kaibigan? Di ko kasi nakikitang may kasama ito.

Bahagyang nakayuko ito habang hawak-hawak ang ilang libro sa kamay. Sigurado akong 'di naman s'ya nahihirapan dahil sa tingin ko ay malakas s'ya at sanay.

Malaki ang braso n'ya at do'n ko lang na-realize na ang matured na pala ang katawan n'ya. Grade 12 na kasi s'ya, eh.

Malapit na s'ya sa kinaroroonan ko nang umangat s'ya ng tingin sa dinadaanan n'ya at kasabay no'n ay pagtama ng mata namin.

Pilit kong hinahanap sa loob-looban ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kan'ya. Parang gusto ko s'yang makilala at makasama. O baka naaawa lang ako sa kan'ya.



The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now