CHAPTER 20

1.5K 88 0
                                    


OPHELIA CALLA

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay Zyler.

Kumapit pa ako ng mabuti sa kan'yang balikat habang umaandar ang motor. Papunta na kasi kami sa sinasabi n'yang lugar na ipapakita sa 'kin.

Lumiko s'ya ng daan bago ako sinagot. "You'll see later," tugon n'ya lamang.

Napanguso tuloy ako. Ayaw ko talaga sa surprise, eh. Pero dahil s'ya lang naman ang magsu-surprise sa 'kin, kinikilig lamang ako. Gusto ko maranasang ma-surprise man lang ng unang manliligaw ko.

Ilang minuto lamang ay nakarating kami sa malaking building. Namangha pa ako dahil sa taas nito. Ano ba ang mayro'n dito? Ngayon ko lamang nakita ito.

Unti-unting pinahinto ni Zyler ang motor n'ya sa pagtatakbo. Una s'yang bumaba at inalis ang helmet sa ulo n'ya.

Napatulala lamang ako nang mapagmasdan ang pag-upo ng kan'yang buhok na nagkagulo.

Ngayon ko lang s'ya nakitang 'di nakasalamin. Pansin ko kasi minsan kapag nagsusuot s'ya ng helmet ay tinatanggal n'ya ang kan'yang salamin.

Seryoso ang mukha at simple lamang na gandang lalaki ang mayro'n s'ya. Nakadagdag din sa appeal n'ya ang kan'ya blue eyes.

Napatingin s'ya sa 'kin na ikinalunok ko. Bakit masyado s'yang gwapo sa paningin ko? Epekto na siguro ito sa pagkagusto ko sa kan'ya.

Napakurap-kurap ang mga mata n'yang asul at kalaunan ay nanlaki rin. Kaagad n'yang kinuha ang salamin na nakasabit lamang sa damit n'ya at isinuot ito. Napatikhim s'ya bago nagsalita.

"T-Tara na," yaya n'ya bago ako inalalayang bumaba sa motor. Bakit kasi ang taas ng upuan? Hirap tuloy akong bumaba.

S'ya na mismo ang kumuha ng helmet sa ulo ko. At isinabit sa hawakan ng motor.

Inayos ko ang buhok ko dahil naging magulo ito. Binasa ko rin ang sariling labi ko, para kasing natuyo. Sinuklay ko ang mahabang buhok na hanggang beywang lamang nakin gamit ang mga daliri.

Napaangat ako ng tingin kay Zyler at nakitang nakatulala lamang. "Tara na?" tanong ko bago inalis ang kamay ko sa buhok.

Tumayo s'ya ng matuwid at napalunok. "T-Tara..."

Ngiting-ngiti akong kumapit sa braso n'ya na kaagad nag-react ang katawan n'ya. Natatawa na lang tuloy ako sa tuwing hinahawakan ko s'ya ay may epekto ako sa kan'ya.

Sabay kaming naglakad papunta sa building na sa tingin ko ay hanggang 10th floor. 'Wag n'yang sabihin na sa kan'ya ito, ah.

'Di talaga ako minsan sanay na walang kinakapitang braso kapag naglalakad. Sinanay na kasi ako ni Eden sa pagiging clingy n'ya.

"Ano pala ang nasa building na ito?" tanong ko at nag-angat ng tingin sa kan'ya.

Seryoso lamang s'yang nagmamasid sa paligid. Patungo pa lamang kami sa building kaya nakakasalubong pa namin ang mga nagsisilabasang tao rito.

'Di pa man s'ya nakasagot sa tanong ay kaagad akong tumakbo papasok ng tuluyan sa entrance ng building.

Namamanghang inilibot ko ang mga mata ko sa mga nagagandahan at kumikinang na gadget appliances. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kadaming gadget, lalong lalo na ang iba't ibang klaseng computers and laptops!

Napalingon ako kay Zyler na nakangiti ngayon sa 'kin. Nakalimutan ko tuloy na kasama ko s'ya.

Lumapit s'ya sa 'kin at katulad ko ay inilibot rin n'ya ang paningin sa nagdadamihan din na tao.

"Isa ito sa mga paborito kong pasyalan kapag wala akong ginagawa. Kung di mo alam ang tungkol sa 'kin, isa sa paborito ko o gusto kong gawin ay ang mag-collect ng mga gadgets."

Namangha tuloy ako. Kaya pala STEM ang pinili n'ya dahil more on technology ang mga lessons dito.

"Ang galing naman! Ako kasi mahilig akong mag-collect ng libro!"

"Isa rin ang mag-collect ng libro ang paborito ko," saad n'ya ulit.

Nilingon ko ang mga gadgets na nakahilera malapit lamang sa 'kin. Hinila ko si Zyler. "Tignan natin ito."

Napahawak ako sa glass wall at namamanghang sinusuri ang mga iba't ibang klaseng laptops. Bali sa dalawang metrong lapad ng glass wall ay halos mga laptop lamang ang naka-display dito. Sa katabi naman nitong panibagong glass wall ay may iba't ibang computers din.

"Binibili ba ito, Zyler?" tanong ko sa kan'ya saka inilayo ang mukha ko sa glass wall at nilingon lamang s'ya sa likuran ko.

Nasa itaas ng glass wall s'ya nakatingin at tila malalim ang iniisip nito. Curious tuloy ako kung ano ang iniisip n'ya.

Nilapitan ko s'ya at bahagyang kinalabit sa braso. Napatingin naman s'ya sa 'kin at agad na taranta.

Medyo yumuko s'ya. "G-Gusto mo 'bang mamasyal pa sa ibang floor?" utal na tanong n'ya sa 'kin.

Natatawang tinignan ko s'ya. "Ang tanong ko ay kung binibili ba itong mga gadgets."

Napatuwid s'ya ng tayo. "Sa ngayon ay hindi pa pwedeng ibenta. Masyadong high-tech ang mga gadgets dito kaya pinag-iisipan pa nilang ibenta," tugom n'ya.

Kaya pala kakaiba ang mga design ng gadgets.

"Hindi ko nakita kong anong pangalan ng building na ito. Ano ba ang pangalan?" taka kong tanong sa kan'ya.

Saglit pa s'yang napaisip at sinagot naman ako, "NBoyz Technology Organization."

Napabuga ng konti ang bibig ko sa pagkamangha sa pangalan ng malaking building na ito. Ngayon ko lamang narinig ang sinabi n'yang organization o company. Isa si Kuya Armer sa mayaman na business man at kailan man hindi n'ya nabanggit ang tungkol dito sa 'kin.

Itatanong ko na lang siguro ang tungkol dito. Ewan ko na lang kung alam ni Kuya ang lugar na ito. Gusto ko tuloy ayain ang mga Kuya ko dito mamasyal.

Napahagikgik ako nang makitang namumula ang taenga ni Zyler. Ang cute n'ya sa tuwing nahihiya s'ya minsan sa 'kin. Ano na lang kaya ang mangyayari sa 'min kapag naging kami? Di kaya magiging boring?

Abot taenga ang ngiti ko nang kumapit ako sa braso n'ya. Buti at medyo nasanay na s'ya sa 'kin. Palagi ko itong gagawin aa kan'ya kaya dapat masanay na s'ya sa 'kin.

"May computer game shop ba dito? Sa tingin ko ay mayro'n dahil sa laki ng building na ito. Matagal na kasi akong di nakakapag-computer kaya gusto ko sana maglaro," ngiti-ngiti kong kwento pa sa kan'ya at may pa-iwas-iwas pa ng kamay sa ere.

Napangiti s'ya dahilan para mapa-giggle ako. Parang kinikiliti tuloy ang tiyan ko sa kilig. Ang gwapo talaga n'ya kapag nakangiti pero gwapo rin naman s'ya kapag seryoso.

"Ibig sabihin ba n'yan ay ako ang unang lalaking makakasama mo sa computer games?"

Napaisip ako. "May nakasama na akong naglaro sa computer games shop."

Bigla tuloy nawala ang ngiti n'ya kaya naging hilaw ang nakakurba sa labi nito. "H-Hindi ako nauna?" disappointed n'yang tanong sa 'kin na ikinalaki ko ng mata dahil alam ko na kung ano ang iniisip n'ya.

Iniwas-iwas ko sa ere ang kamay ko para sabihin sa kan'ya na hindi sa gano'n. "H-Hindi sa gano'n! Ano...si Kuya Armer at Kuya Alter syempre ang nakasama ko sa paglalaro dati sa computer games," pagtatama ko sa kan'ya.

May pagkaseloso rin pala si Zyler. Ehem, I'll take note of that then.

Parang nakahinga s'ya ng maluwag sa paliwanag ko. Nawala tuloy ang pagkahilaw n'yang ngiti kanina at napalitan ng alanganin na ngiti na tila nahiya s'ya.

"P-Pasensya ka na. Hindi ko talaga mapigilang hindi mabigla sa sinabi mo," nahihiyang sambit n'ya sa 'kin.

Mahinang tumawa ako rito. "'Wag ka nang magselos, hmm. Ikaw pa lang ang lalaking nakakasama ko ng matagal sa pasyalan, eh." Kumapit pa ako lalo sa braso n'ya na kaagad na ikina-react ng katawan n'ya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay naisip ko si Chrase. S'ya kasi ang una kong naging crush at nakasama sa pasyalan. Pakiramdam ko tuloy nakasabi ako ng kasinungalingan kay Zyler na s'ya lang ang lalaki!

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now