CHAPTER 02

2.6K 153 2
                                    

Dedicated to:
flowermay10


OPHELIA CALLA

“Uwi na tayo?” tanong ni Eden sa 'kin habang naglalakad kami papalabas ng mall na bitbit ang  pinamili naming pagkain.

Tumango ako sa kan'ya bilang sagot at sumakay sa van na pagmamay-ari n'ya. S'ya ang nag-aya sa 'kin na pumunta ng Mall and I can't say no to her. Besides, gusto ko rin naman.

Nagsimula nang umandar ang van. Nilapag ko ang pinamili namin sa backseat.
 

Maarteng hinawi ni Eden ang kan'yang bangs. “This day is tiring talaga. Dapat pala sinama ko na ang tutor ko para pabitbitin ng mga pinamili natin,” bigla n'yang bulalas.

“She's your tutor, not a personal assistant.” Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya.

Nagkibat-balikat s'ya. “I know, Sis. Naiirita lang ako sa pagmumukha niya kaya gusto ko s'yang pahirapan.” May bahid na inis sa kan'yang boses.

Matagal ko na s'yang sinasabihan na at least man lang ay maging mabait s'ya sa kan'yang tutor. Naaawa na nga ako sa kan'yang tutor. Mahirap lang s'ya tapos pinapahirapan pa ni Eden. 'Di ko alam kung ano ang kinagagalit ni Eden sa tutor n'ya. I think she's nice naman.

“Walang ginagawang masama ang tao, Eden. At least be nice to her kahit konti man lang. I know na masakit sa kan'ya na ginaganyan mo s'ya. Try to put yourself in her situation. Ikaw ang tutor tapos s'ya ang amo, pahihirapan ka n'ya at magagalit na walang dahilan.”

Napabuntong hininga si Eden sa sinabi ko. “I did try my best to be nice to her naman pero parang hindi ko kasi s'ya gusto, hindi ko maatim na nakikita s'ya palagi,” mahina n'yang tugon.

Hinawakan ko s'ya sa balikat. “Try your best again to be nice. Wala 'kang po-problemahin kung wala 'kang iniisip na kaaway o kinaiinisan.”

She smiled at me. “Ang bait mo talaga, Sis.” Huminga s'ya ng malalim. “'Di ko na alam kung sino pa ang kakaibiganin ko bukod sa'yo. I hope na maging matibay ang ating pagkakaibigan,” sinsero n'yang sambit. Ngumiti rin ako sa kan'ya. Niyakap ko s'ya na kan'yang tinugon.

Alam kong sa pagkakaibigan ay minsan mayro'ng hindi pagkakaunawaan. Sa kabila ng mga pagsubok sa pagitan niyong dalawa, hindi matitibag kung nagtitiwala kayo sa isa't-isa at iniintindi niyo ang mga hindi napagkaunawaan.

Nagpapasalamat ako na kahit minsan hindi kami nagkakaintindihan ni Eden, handa pa rin kaming humingi ng tawad at linawin ang mga bagay na hindi namin naintindihan.

Bumaba ako sa van nang huminto ang van sa mismong gate ng aming mansion. Hinarap ko si Eden habang bitbit ko ang mga pagkain.

“Okay na ako rito, Eden. Di ka ba talaga papasok?” tanong ko sa kan'ya.

Umiling s'ya at kinawayan ako. “Tinatawag na ako ng Daddy ko kaya I can't go with you muna.” Sinenyasan n'ya ang kan'yang driver na paandarin ulit ang kotse. “Goodbye, Ophelia! Magkita na lang tayo sa university bukas!”

Kumaway rin ako sa kan'ya. Hinintay kong makaalis ang kan'yang van sa paningin ko bago ako nagpahatid sa guard namin papuntang mansion. Baka kasi mag-over reacting ang mga Kuya ko kapag nalaman nilang wala akong kasama.

“Thank you po, Manong!” nakangiting nagpasalamat ako sa kan'ya.

Yumukod lamang s'ya at ngitian ako ng tipid. “Walang anuman po, hija. O s'ya sige aalis na ako, ah?”

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now