CHAPTER 27

1.3K 78 1
                                    

OPHELIA CALLA

Pagkatalikod ko ay gulat akong napaatras dahil bumungad kaagad sa 'kin si Zyler na hinihingal at pawis na pawis.

Mukhang tinakbo n'ya ang daan para makarating lang dito sa parking lot. Gezz! Kakasabi ko lang na iiwasan ko nga s'ya, eh!

Pagod s'yang humarap sa 'kin at tumayo ng matuwid mula sa pagkatukod n'ya sa tuhod. "N-Nandito ka lang pala. Bakit 'di mo ako sinipot sa library?"

Dinilaan ko ang sarili kong labi. Hindi ko yata kaya s'yang tignan at kausapin ngayon. Hindi ko alam kung mandidiri ba ako sa kahalikan n'yang babae.

Buong tapang ko s'yang hinarap. Gusto ko tuloy sampalin ang mukha n'ya at tapakin ang salamin nito. Baka nagpapanggap lang na may grado 'yong mata n'ya at nagpapaka-good boy sa harap ko.

Hindi ko s'ya pinansin at nilampasan ito. Di pa man ako nakakatatlong hakbang ay bigla lamang n'ya ako hinila papalapit sa kan'ya.

"Ophelia..."

"Bitawan mo ako! Cheater!" hiyaw ko sa kan'ya at pilit na pumipiglas sa pagkakahawak nito.

"D-Di kita maintindihan, Ophelia!" Malakas n'ya akong hinila at mahigpit na niyakap ako pero hindi naman n'ya ako nasaktan. "Ano ba ang pinagsasabi mo, ah?"

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito sa 'kin. Sinasaktan ko lamang sarili ko dahil ayaw n'ya talaga ako pakawalan. Nagmamaang-maangan pa talaga s'ya!

Pilit n'yang sinilip ang mukha ko pero ako ito ay umiiwas sa kan'ya. May kahalikan s'yang babae kanina kaya panigurado ay nakahalikan pa n'ya ito bago pumunta rito.

"A-Ano ba ang problema? Sabihin mo sa 'kin dahil hindi kita maintindihan. Wala naman akong ginagawa, ah," pagsusumamo n'yang sambit sa 'kin at tuluyan na nga n'ya napaharap ang mukha ko sa kan'ya.

Nanlambot naman ang kan'yang mga tingin nang makitang humahagulgol ako at sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.

"C-Cheater!" pumiyok ang boses ko. Kahit nahihirapan akong kumawala sa mahigpit n'yang yakap ay pinaghahampas ko s'ya sa matigas n'yang dibdib gamit ang nanghihina kong mga kamay.

"Shhh... Please, don't cry. Why are you hurting me, huh?" Hinuli n'ya ang nanghihina kong mga kamay. "Ano ba ang kinagagalit mo sa 'kin? Bakit sinasabihan mo akong cheater? Please, pag-usapan natin ito."

"K-Kausapin mo 'yong babae mo! Akala mo 'di ko kayo nakita, ah! H-Huling-huli ka na may kahalikang babae at mismo pa sa Cr ng mga lalaki!" sumbat ko sa kan'ya.

Mula sa naguguluhan n'yang tingin ay napalitan ito ng pagkagulat.

"A-Anong kahalikang babae? Wala akong babae, Ophelia," nanlalaki ang mata n'yang katuwiran.

Hinampas ko pa s'ya ng ilang beses sa dibdib. "Nagmamaang-maangan ka pa! Kitang kita ko ang mukha mo kahit hindi ka nakasalamin! Niloloko mo lang ako!"

Hinuli ulit n'ya ang kamay ko at hinila ako sa likurang bahagi ng kotse na ikinapiglas ko. Mas malakas s'ya kahit buong pwersa akong kumakawala sa pagkakahawak nito.

Bigla n'ya akong sinandal sa nakasaradong pintuan ng kotse. Napaangat ako ng tingin sa kan'ya na nanliliksik ang mga mata.

Nanlalambot ang tingin n'ya sa 'kin. "Pakinggan mo ako, Ophelia."

"Magsisinungaling ka pa! Sabihin mo ang totoo para tapos na tayo!"

"Hinding hindi ako magloloko sa 'yo, Ophelia. At mas lalong hindi ako ang nakita mo na may kahalikang babae," paliwanag n'ya dahilan para mapatigil ako sa kakapiglas.

Kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako makakatakas sa kan'ya. At saka gusto kong marinig ang explanation n'ya kahit totoo ang nakita ko.

Hinayaan ko s'yang hawakan ako sa pisngi gamit ang kaliwang kamay at nasa beywang ko naman ang kanang kamay nito.

"I-I love you, I really do, Ophelia. Sa tingin mo magsasayang ako ng ilang taon na magkagusto sa 'yo? Hirap na hirap akong maabot ka at ngayon na hawak kita ay sa tingin mo maghahanap pa ako ng iba? Kailan man ay hindi ko magagawang lokohin ka, kahit i-check mo pa ang CCTV sa labas ng Cr."

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang may ilang luha 'pang nagsisituluan sa mga mata kong nakatingin sa kan'ya. May parte sa 'kin na sapat na ang paliwanag n'ya at naniniwala ako pero kasi hindi ako maaaring magkamali dahil s'ya talaga ang nakita ko sa Cr.

"Maipapaliwanag mo ba ang nakita ko sa Cr?! Huh?!" singhal kong tanong sa kan'ya.

Napapikit s'ya ng mariin at tila problemado s'ya sa 'kin. Kung stress na s'ya sa 'kin, edi do'n na s'ya sa babae n'ya!

Alam kong nanliligaw pa lang s'ya at wala pa kaming relasyon sa isa't-isa. Pero di'ba at least sinabi n'ya na ayaw na n'ya.

"He's kissing a random girl, right? Babaero ang nakita mo sa Cr kaya hindi ako iyon," tugon n'ya at saka inimulat ang napapikit n'yang namumungay na mata.

"M-Masarap ba na mahalikan?! Huh? Magsama kayo-"

'Di n'ya ako pinatapos sa pagsasalita nang bigla lamang n'ya ako hinalikan sa labi na ikinasinghap ko sa gulat. Naistatwa lamang ako sa kinatatayuan ko at wala yata akong balak na itulak s'ya.

Ang galit at selos na nararamdaman ko ay napalitan ng biglang panghihina ng tuhod ko dahilan para kumapit ako sa balikat n'ya na kaagad n'yang napansin.

Isinandal pa n'ya ako lalo sa kotse at mas hinigpitan ang pagkakayapos ng kan'yang braso sa beywang ko. Nanghihinang mata akong napatingin sa mga mata n'yang nakapit at tila ninanamnam ang pagdampi ng aming labi.

Katulad n'ya ako ay napapikit ako nang sinimulan n'yang galawin ang kan'yang labi sa 'kin. Tila sinusuyo n'ya ako sa bawat sipsip n'ya sa 'king labi at sa paraan ng kan'yang paghalik ay pinapahayag n'ya ang kan'yang sinisigaw na damdamin.

Nakalimutan ko ang lahat kung bakit ako galit sa kan'ya. Nakalimutan kong magnoloko pala s'ya. Hindi ko na nagawang itulak s'ya at sigawan s'ya ng masasakit na salita dahil sa halik pa lamang n'ya ako'y nalulusaw.

Ilang minuto lamang ay s'ya na mismo ang kusang humiwalay sa nakalapat n'yang labi sa 'kin. Inimulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at agad na sumalubong sa 'kin ang malambing n'yang tingin at tila nangungusap pa ito.

Hinawakan n'ya ako ulit ako sa pisngi at pinatakan ako ng ilang halik sa mukha ko. "N-Nagseselos ka ba dahil akala mo may kahalikan akong ibang babae? Kung may hahalikan man akong babae, iyon ay walang iba kundi ikaw lamang," anito.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa naguguluhan pa rin ako matapos n'ya akong halikan. Nag-aalala naman s'yang nakatingin sa 'kin.

"N-Nabigla ba kita? Pasensya na hindi ko na mapigilan. Sobrang saya ko na malamang nagseselos ka."

Ilang kurap ang ginawa ko bago ibinuka ang bibig para makapagsalita. "H-Hindi ko pa rin maintindihan. Hindi mo pa rin sinasabi sa 'kin kung sino ba talaga ang nakita ko sa Cr. Baka nga ikaw talaga iyon at nililito mo lang ako."

Inalis ko ang kamay n'ya na nakahawak sa pisngi ko at ibinaling ang mukha ko sa kaliwang bahagi. Sobrang lapit kasi ng mukha n'ya at pakiramdam ko ay namumula na ang pisnge ko.

Hinalikan n'ya ba talaga ako? Ang bilis, wala pa nga kaming relasyon. Gusto ko tuloy sapukin ang noo ko sa sobrang katangahan.

Rinig kong napabuntong hininga s'ya at may gana pa s'yang ngumiti, ah! "Hindi ako 'yon. Maniwala ka man o hindi, kakambal ko ang nakita mo na may kahalikang babae."



The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now