CHAPTER 09

1.6K 96 9
                                    

Dedicated to:
xShandilyax


OPHELIA CALLA

Hindi pa man kami nakakalayo ay napatigil ako sa pamilyar na lalaking naglalakad mag-isa sa gilid ng kalsada.

Nakaitim na t-shirt s'ya at pinarisan ng itim na short hanggang tuhod n'ya. Kagaya nga sa palagi kong nakikita sa kan'ya ay nakasalim ito at bahagyang tinatakpan pa rin ang mukha at mata sa gilid n'ya.

Nakayuko itong naglalakad mag-isa sa kalsada habang hawak-hawak ang palagi n'yang bitbit na libro at nakasabit na bag nang madaanan namin s'ya sa gilid.

Medyo nanlaki ang mata ko nang mapatingin s'ya sa bandang bintana ko. Sigurado naman akong di n'ya ako makikita sa kotse pero parang pakiramdam ko ay nakikita nya ako.

Napatigil kasi s'ya sa paglalakad at sinundan ng tingin ang papaalis naming kotse. Idiniin ko pa ang mukha ko sa salamin na bintana para mahabol s'ya ng silip pero hindi ko na maabutan dahil medyo malayo-layo na kami sa kinaroroonan n'ya.

Napatingin ako kay Kuya Armer nang kinalabit n'ya ang balikat ko. "Who are you looking at?" tanong n'ya at akmang sisilipin ang tinitignan ko nang pinilit ko s'yang pabalikin sa kinauupuan nito.

Hilaw na ngumiti ako sa kan'ya na parang may tinatago. "W-Wala 'yon, Kuya..."

Napasingkit ang mata n'ya at napahinga lamang ako ng maluwag nang sinunod n'ya ako. Pero sa mukha pa lamang n'ya ay parang naghihinala na sa 'kin.

Masyado kasing halata ako kanina sa pagsilip sa bintana na parang tinataguan ko ang hinahangaan ko sa lagay kong iyon. Sa sobrang kaba ko ay hindi ko s'ya pinahintulutan na silipin ang tinitignan ko.

Napasandig ako sa kinauupuan ko at umidlip muna sa byahe dahil ilang oras pa ako maghihintay bago makarating doon.

~•~•~•

"Calla, gising na at nandito na tayo."

Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa 'king balikat. Dahan-dahan kong inimulat ang antok kong mata at napaayos ng upo.

"May pagkain na ba, Kuya?" inaantok kong tanong at kinusot ang mata ko bago inayos ang aking mukha na baka may muta pa.

"Nakahanda na roon sa loob ng hacienda kaya pagkarating kaagad natin sa kusina ay kakain na kaagad tayo," sagot ni Kuya Alter at sinenyasan na akong lumabas ng kotse na kaagad ko namang sinunod.

Sinarado ko ang kotse at sumunod kay Kuya Alter papasok sa hacienda. Sinabi n'ya na nando'n si Kuya Armer sa loob kanina pa kaya hindi na ako nagtaka kung nasan s'ya.

Simple lamang ang hacienda at halatang 'pang probinsya na klaseng hacienda. Hanggang tatlong palapag ito at mahaba ang space sa gilid kaya sigurado akong malaking hacienda ito.

Di ko na napansin ang nagagandahang kagamitan sa loob ng hacienda na kaagad umagaw sa 'king pansin ang lalaking papalapit sa pwesto ko.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makilala s'ya. Anong ginagawa n'ya dito? Bigla tuloy akong kinabahan nang makitang nakakatitig din s'ya sa 'kin at katulad ko ay gulat na gulat din ito nang makita ako.

"Ophelia! Halikana at kumain na tayo," tawag ni Kuya Alter sa 'kin nang bumalik s'ya para tawagin ako.

Nakita naman n'yang gulat na gulat sa lalaking nasa harapan ko. Napangiti si Kuya at inakbayan si Chrase. "Magkakilala na ba kayo, Chrase? Panigurado akong nakita mo na ang kapatid ko sa university niyo. Si Ophelia pala, kapatid ko."

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu