CHAPTER 21

1.4K 85 10
                                    

OPHELIA CALLA

Pagkatapos na matahimik si Zyler sa sinabi ko ay binibiro ko na ito. Kahit hindi s'ya masyadong nagpapakita ng ekspresiyon ay kita ko naman ang pagpipigil n'ya ng ngiti. Mas lalo tuloy akong napahagikgik.

Kagaya nga sa ni-request ko kay Zyler na maglalaro kami sa computer game shop ay kaagad n'ya ako dinala sa 3rd floor. Doon kasi nakatayo ang computer shop ng building na ito.

Kaagad ko napansin ang nakalagay na pangalan sa itaas ng isang computer shop na para sa gaming. Masayang hinila ko s'ya papunta sa loob nito.

Nagpahila naman s'ya at walang reklamong sumunod sa 'kin. Maganda talaga ang araw ko ngayon dahil kasama ko s'ya. Gusto ko na tuloy s'yang makasama buong magdamag pero syempre bawal sa gabi.

Namangha naman ako sa mga furnitures at design ng computer games shop. Halos ay may mga picture na tungkol sa technology at ang astig lang talaga tignan!

Hindi ko namalayang nakahawak na pala si Zyler sa beywang ko at pasimpleng hinapit papalapit sa kan'ya. Napa-giggle na lamang ako sa pasimple nitong galaw. Bakit ayaw n'yang sabihin sa 'kin na gusto pala n'yang hawakan ako?

Dahil sa ayaw kong mawala ang kamay n'ya na nakahawak sa beywang ko ay sinawalang bahala ko muna kahit naiilang din ako. Napansin ko kasing napapatingin sa 'min ang ilang tao rito sa loob. Halos lalaki ang ilan pero may babae naman.

Malapad ang computer game shop dito sa loob. Marami ding computer na nakahilera sa gilid, mapakanan man o mapakaliwa.

Napaangat ang tingin ko sa kan'ya at nagtatakang pinagmasdan s'ya.

Tila masama ang timpla ng mukha n'ya habang nakatingin sa mga lalaking nakatingin sa 'min. Nang mapatingin ako sa mga lalaki ay kaagad silang napaiwas ng tingin at tinuon ulit ang atensiyon sa computer.

"Saan mo gusto pumwesto?"

Agad akong napatalon sa gulat nang makitang malapit ang mukha n'ya sa likuran ng taenga ko lamang na bumubulong.

Napalunok ako ng sariling laway. "Ahhh, doon banda." Tinuro ko ang kulay pink na computer design na plain.

Ramdam ko naman ang pagtango n'ya. "Sige, kakausapin ko muna ang nagbabantay dito."

"Ilan ang bayad dito?" tanong ko saka ko hinawakan ang kamay n'ya na hindi nakahawak sa beywang ko at hinila s'ya papunta roon.

"Sasabihin ko pa sa taga-"

"Wait lang!" Hinila ko ulit s'ya nang kumawala s'ya sa pagkakahawak ko.

Pansin ko kasi ang mga titig ng ilan dito sa 'min at di ko alam kung naga-gwapuhan ba sila kay Zyler o ano. Hmp!

Walang nagawa si Zyler kundi samahan muna ako.

"Walang bayad kung myembro ka dito," sagot n'ya nang pinaupo n'ya ako sa upuan. Ang lamig ng upuan dahil air-conditioned dito.

Manipis lang kasi ang suot kong dressna kulay pink na hanggang tuhod ko. Paborito ko talaga ang pink kaya mahilig akong mag-collect ng gamit na kulay pink bukod sa libro.

Namangha naman ako. Paano kaya magpa-member dito?

"Pwede 'bang magpa-member dito? Ang galing naman!"

At sa pangalawang pagkakataon ulit ay napatigil s'ya at tinignan ako ng seryoso. Hala! Baka hindi na pwede o di kaya puno na?

"Mahirap maging member dito, Ophelia," wala sa sariling sagot n'ya na ikinatango ko lamang. Masyado naman kasi n'yang dinamdam.

"It's okay naman. At least nakapunta na ako rito," ngiti kong tugon sa kan'ya para hindi na s'ya mabahala.

Tipid na ngiting tumango s'ya. "Pupuntahan ko muna ang taga bantay. Hintayin mo muna ako rito."

Tumango ako sa kan'ya at tinuon na ang atensiyon sa harapan kong computer.

Ramdam ko naman na umalis s'ya kaya hinayaan ko muna s'ya kausapin ang taga bantay rito.

Hinawakan mo ang mouse at ginalaw-galaw ito para umandar. Tama nga ako dahil hindi s'ya naka shut-down.

Napa-wow ang bibig ko dahil sa logo design na naka-wallpaper sa computer. Nasa gitna ang 'Nboyz Tech. Org.' na pangalan at may technologies na bagay na nakapalibot sa logo.

Hinanap ko ang mga familiar na games sa home screen. Agad ko naman pinindot ang Dota. Medyo marunong ako nito dahil nakita ko lamang na naglalaro sila Kuya Armer at Kuya Alter noong nasa college pa lamang sila.

Ilang beses na akong papindot-pindot sa Dotang ito pero hindi pa rin nagsisimulang mag-play. Nakalimutan ko kung papaano simulan ito.

"Mali ang pinindot mo."

Kaagad akong napalingon sa lalaking katabi ko na nasa tingin ko ay bagong dating lamang.

Nakasalamin s'ya at sa tingin ko ay isa rin itong nerd kagaya ni Zyler. Wait... Bakit halos mga tao rito ay may salamin? May free sunglasses ba bago makapasok dito?

Bigla ko tuloy natandaan na may mga myembro pala dito kagaya ni Zyler. Weird lang ahh...

Inosente ko naman s'yang tinignan. "Paano ba? Marunong ka po ba nito Kuya?" tanong ko at ituon ulit ang tingin ko sa screen. Bakit kasi hindi ko natandaan?!

Ramdam ko naman na hinila n'ya ang upuan sa gilid ko at mas lalong pinalapit sa 'kin. "Back mo muna. Wait, ganito iyon."

Binitawan ko ang mouse at hinayaan s'yang gumalaw nito. Hindi ko na naisip na stranger ito dahil kailangan ko talaga ng tulong n'ya.

"Ehem."

Agad akong napalingon ulit sa gilid ko at nakitang madiing tingin ang ibinigay ni Zyler sa lalaking katabi ko. Kaagad naman akong napatayo at nakangiting nilapitan s'ya.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako dito," mahinang reklamo ko sa kan'ya pero hindi naman ako naiinis.

Hindi n'ya pinansin ang tanong ko. "Bakit pinapakialaman n'ya ang gawa mo?" seryoso n'yang tanong habang nakatingin pa rin sa lalaki.

Napatingin ako sa lalaking tumulong sa 'kin na ngayon ay gulat na gulat ang nasa ekspresiyon n'ya at tarantang napayuko bago umalis. Nataranta tuloy ako dahil hindi pa n'ya natapos ang ginagawa n'ya.

Kahit nagtataka ako sa kinikilos ng lalaking iyon at gano'n lamang ang ekspresiyon n'ya nang makita si Zyler ay sinawalang bahala ko muna.

"Nagpaturo muna ako sa kan'ya dahil nahirapan akong makapagsimula sa Dota," sagot ko sa kan'ya at masaya ko s'yang hinila saka pinaupo sa kinauupuan kanina ng lalaki. Pansin kong 'di na naman maganda ang timpla n'ya.

Hindi pa man ako nakakaupo sa kinauupuan ko ay padabog s'yang tumayo at iginilid ang upuan.

Nataranta naman ako na baka galit s'ya sa 'kin. Ano naman kaya ang kinagagalit n'ya, ah?! Baka iwanan n'ya ako bigla dito, eh.

Tatayo na sana ako para sundan s'ya na sa pagkakaakalang iniwan n'ya ako rito. Napahinga naman ako ng maluwag nang kumuha lang pala s'ya ng panibagong upuan at binuhat ito gamit ang isang kamay n'ya.

Nakaya n'ya iyan? Bakal na upuan 'yan, ah...

Di ko na tuloy alam kung ano pa ang mayro'n kay Zyler na hindi ko alam. Masyadong misteryoso ang pagkatao n'ya. Sa ngayon pa lamang ang susubaybayan ko na ang kilos n'ya kahit minsan nahihirapan akong basahin ito.


The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon