CHAPTER 11

1.5K 82 0
                                    

Dedicated to:

OPHELIA CALLA

Nakasakay na ako ngayon sa kabayo ni Chrase at balak na naming bumalik sa hacienda dahil magtatakip-silim na rin at baka hanapin ako ng Kuya ko.

Walang nagsasalita sa 'min at tanging huni ng hangin lamang ang maririnig mo sa paligid at ang mga taong nagsisigawan sa 'di malamang dahilan. Gusto ko sanang magbukas ng topic pero hindi ko magawa. Bubuka lang ang bibig ko tapos kalaunan ay sasaraduhin ulit.

Ramdam kong nakangiti s'ya ngayon dahil may sinagot na ako sa katanungan n'ya. Hindi ko sinabing pumapayag na ako magpaligaw, ang tanging sinambit ko lamang sa kan'ya ay magkaibigan muna kami at hahanapin ko muna ang sarili ko kung tama na ba ang mga desisyon ko.

Pero ang totoong dahilan talaga kaya tumutol ako na magpaligaw sa kanya dahil hindi na rin ako sigurado sa kan'ya. Kagaya ng sinabi ko no'ng una ay ilang araw o buwan lamang ang pagitan ng paghanga ko sa isang lalaki at sa tingin ko ay mawawala na rin ang paghanga ko kay Chrase.

Ayaw kong umasa s'ya na mamahalin ko s'ya dahil tanging paghanga lamang ang nararamdaman ko sa kan'ya. Magkaiba ang paghanga sa mahal.

Natanaw ko kaagad ang hacienda nang papalapit kami rito. Nakaabang na rin ang mga Kuya ko sa pintuan banda at sigurado akong hinihintay nila ako.

Napatakbo si Kuya Alter sa direksiyon namin. Nang makalapit s'ya ay hininto ni Chrase ang kabayo.

Hinihingal si Kuya Alter nang tingalain n'ya kami at sa mukha pa lamang n'ya ay nag-aalala s'ya sa 'kin.

Napasapok na lamang ako sa noo dahil sa naalala kong hindi pala ako nakapagpaalam. Overreacting pa naman sikang dalawa kapag hindi nila alam kung nasa'n ako.

"Ikaw talagang babae ka! Ilang bahay na pinasukan ko rito na sa pagkakaakalang kinidnap ka na ng mga lalaki rito! Napaaway pa ako ng dahil sa'yo!" hinihingal na singhal sa 'kin ni Kuya na ikinangiti ko ng peke dahil sa hiya.

Nakakahiya kay Chrase kaya!

Di ko namalayang nakababa na pala si Chrase sa kabayo at inalalayan akong bumaba.

Napatingin si Kuya Alter kay Chrase at dinuro ito. "Ikaw! Porket kaibigan kita, eh papalampasin ko na ito! Hala! Sige sumama ka sa 'kin at ipaliwanag mo ang lahat!" singhal n'ya rin kay Chrase at sinenyasan itong sumunod sa kan'ya.

Napabaling muna ng tingin sa 'kin si Chrase at ngumiti s'ya ng hilaw at napakamot sa batok. "S-Sorry, hindi ko man lang ikaw pinaalam sa mga Kuya mo."

Umiling ako sa kan'ya. "O-Okay lang, no! Sige na at pumasok na tayo," aya ko na sa kan'ya na ikinatango n'ya.

Naikwento n'ya pala kanina na dito s'ya lumaki at bumibisita rin sa Uncle n'ya. Hindi pa raw sa kan'ya familiar ang lugar dito kaya s'ya tumungo sa probinsya para ma-explore raw n'ya.

Sa tuwing Domingo lamang s'ya umuuwi rito at nagkataon na nauna s'ya kahapon.

Tumungo kami ni Chrase sa kusina dahil doon dumireto si Kuya Alter kasama si Kuya Armer. Masama na ang timpla ng mukha ni Kuya Armer dahil s'ya talaga ang overreacting dito.

Umupo kami sa harapan ng dining table na may nakalatag nang nagdadamihang pagkain. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko dahil hindi ako nakapag-meryenda.

Kukuha na sana ako ng pagkain nang tampalin ni Kuya Armer ang kamay ko na nasa ere pa lang. Iniwas ko tuloy ang kamay ko at napanguso. Sesermunan muna n'ya ako bago kumain.

Seryoso ang mukha n'yang nakatingin sa 'ming dalawa ni Chrase na ngayon ay hindi na mapakali sa kinauupuan n'ya. Ramdam ko rin ang namumuong pagkabahala sa kan'ya at balisa dahil pinapadyak n'ya ang kan'yang paa sa sahig na tila nanenerbiyos.

"May gusto ka ba sa kapatid ko, Chrase?" biglang tanong ni Kuya Armer na ikinabigla ko.

Umiling ako kay Kuya at pinapakiusapan s'ya na itigil na n'ya ang ganitong topic gamit ang aking ekspresiyon sa mukha.

Di ako pinansin ni Kuya at tanging na kay Chrase ang atensiyon n'ya.

Napalingon ako kay Chrase nang tumikhim ito. "O-Opo..." sagot n'ya na ikinatampal ko na lamang sa noo. Not now!

"K-Kuya, sorry nakalimutan kong magpaalam sa'yo kanina dahil naaliw nga ako sa mga lugar dito-"

"Shhh!" pagtatahimik sa 'kin ni Kuya Alter na nasa gilid ko lang pala.

Seryoso rin ang mukha n'ya at 'di ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa pinapakita n'yang ekspresiyon. Para kasing di bagay sa kan'ya ang seryosong mukha dahil kilala ko s'yang palabiro at palatawa.

Itinikop ko na lamang ang labi ko at hinayaang pagsalitain si Chrase sa harapan ko.

"Kung manliligaw ka sa kapatid ko, dapat sa 'kin ka muna dadaan," paalala ni Kuya Armer na bahagyang ikinagulat ni Chrase.

"P-Po?"

"Walang magulang si Calla para paaralin kayo kundi ako lamang ang makakagawa non."

"Ako rin naman Kuya, ah!" agap ni Kuya Alter.

Inikutan lamang s'ya ni Kuya Armer at seryoso ulit na binalingan si Chrase. "Get it? Dadaan ka muna sa matataas na bundok at lalangoy ka pa sa malalim na dagat at maraming sunto't tadyak pa ang matatamo mo bago kita payagan," banta pa ni Kuya na ikinalunok ni Chrase.

Napahawak pa si Chrase sa braso n'ya at hinihimas-himas ito dahil sa takot. Gusto ko tuloy matawa sa mukha n'ya.

"So, let's eat now," agap pa ni Kuya Armer at sinimulan na nilang kumuha ng pagkain.

Hinawakan ko si Chrase sa braso na ikinatalon n'ya sa bigla. Napatingin tuloy s'ya sa kamay kong nakahawak sa braso n'ya at inangat ang tingin sa 'kin.

"Sorry," mahinang bulong ko sa kan'ya na ikinangiti n'ya ng tipid. Tumango lamang s'ya at inaya akong kumain kaya sumabay na rin kami kay Kuya Armer at Kuya Alter.

"Goodbye, Chrase!" Kumaway ako kay Chrase sa papalayong bulto n'ya.

Narinig naman n'ya ang sigaw ko dahilan upang lumingon s'ya sa 'kin. Kinawayan nya ako bago pinatakbo ulit ang sakay-sakay n'yang kabayo papalayo sa lugar namin.

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago napagpasyahang pumasok sa hacienda. Matutulog na rin ako ng maaga dahil kailangan kong gumising ng maaga para makaabot ako sa eskwelahan ng umaga.

Papasok sana ako sa kwarto na tinutuluyan ko nang makitang papalapit sa 'kin si Kuya Armer. Napahinto ako at hinintay s'yang makalapit.

"I think Chrase is serious on you. I know him well, Calla."

Alam ko rin iyon at kanina lamang n'ya napatunayan. Pero kasi may bumabagabag sa 'kin. At saka hindi na rin ako sigurado sa kan'ya.

"Hinahangaan ko lang s'ya Kuya pero wala akong planong manligaw s'ya sa 'kin," tugon ko.

"It's all up to you. It's your decision. Tulad nga sa sinabi ko, nandito lang ako at ang Kuya Alter ko para sa 'yo. Gusto lang namin ang lalaking nararapat sa 'yo at hindi ka sasaktan. You're too nice to be hurt by a boy."

Tumango-tango ako at niyakap s'ya. Niyakap rin n'ya ako at hinalikan sa ulo na ikinapikit ko.

Parang Daddy ko na si Kuya Armer at Kuya Alter. Di man kami gano'n ka close ni Kuya Armer ay palagi naman itong nasa tabi ko. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko noon na nagtampo ako sa kan'ya dahil 'di n'ya kayang umattend ng meeting sa school.

Di ko s'ya inintindi na nagtatarbaho s'ya para sa 'kin. Pero ang mas nakaka-guilty sa 'kin ay 'yong pinilit ni Kuya na makapagmeeting kahit kinakailangan s'ya sa ibang bansa para ayusin ang gulo roon.

"Thank you and sorry, Kuya..."

Kumalas s'ya sa yakap. "Sorry for what?"takang tanong n'ya.

"Dahil hindi kita inintindi noon. And thank you for being my second father," pasasalamat ko sa kan'ya na ikinangiti n'ya.

"You're always welcome, my dear sis."

Nakangiti at masaya akong natulog pagkatapos naming mag-usap ni Kuya. Masarap talaga sa pakiramdam na makapag-sorry at salamat sa isang bagay. Masarap sa pakiramdam na nag-uusap kayo ng Kuya mo ng mga bagay na bumabagabag sa isipan niyo.

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now