CHAPTER 17

1.4K 107 2
                                    

OPHELIA CALLA


Tila nabingi yata ako sa sinabi n'ya. Gosh! Is this for real?! O baka naman nabingi ako.

"A-Anong sinabi mo?" paglilinaw kong tanong sa kan'ya.

Hindi s'ya mapakali sa kinatatayuan n'ya. Kita ko rin na pinipisil-pisil n'ya ang kan'yang daliri sa likuran n'yang nakalagay. Kalmado ang itsura n'ya pero balisa naman ang mata n'ya.

Sabi nila sa mata mo raw makikita ang totoong nararamdaman ng isang tao.

"S-Sabi ko...liligawan kita," utal na sambit n'ya ulit na di pa rin makatingin sa 'kin.

Gusto n'ya ba ako? Bakit biglaan naman? Di ko alam kung saan nagsimula ang lahat at kung papaano n'ya ako gustong ligawan.

Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang katulad n'yang nerd ay mag-aakyat ng ligaw. I thought they don't like to be in kind of relationship.

Nakita siguro ni Zyler na parang wala akong balak na magsalita kaya napatikhim s'ya. "K-Kung pwede sana..." pakiusap n'ya.

Nakatitig lamang ako sa kan'ya at bahagyang nanlaki ang mata pa sa gulat. Nakita n'yang gano'n ang tingin ko ay napayuko ito at nangingig na kinagat n'ya ang sariling labi.

"A-Ayaw mo ba?" tanong n'ya.

"H-Hindi!" agap ko at napailing pa ako. "I mean, p-pwede ka naman manligaw..."

Napaangat ang tingin n'ya sa 'kin at nanlaki pa ang mata n'ya na tila ang saya n'ya. "Talaga?"

Nahihiyang tumango ako. Gezz! Parang first puppy love ko pa lang ito. Pakiramdam ko tuloy napaangat ako sa hangin sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"G-Gusto mo ba ako? Paano nangyari iyon?" tanong ko.

Napangiti s'ya at inayos ulit ang salamin n'ya. "May g-gusto na talaga ako sa 'yo noon pa man. A-Ano...damn." Ginulo n'ya ang kan'yang buhok. "N-Nahihiya lang talaga ko at saka baka hindi ka pumayag. N-Naglakas loob lang talaga ako na manligaw sa 'yo."

Feeling ko ang swerte ko sa kan'ya kapag naging kami. Gezz! Kung pwede lang tumakbo at tumili sa labas ay nagawa ko na. Isipin lamang na magiging kami ay 'di ko na alam ang gagawin ko sa paggising ko sa umaga.

"Alam kong wala ka 'pang nobyo noon pa man, k-kaya nga panatag akong pwede pa ako sa susunod."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Paano n'ya nalaman? Akala ko wala s'yang alam tungkol sa 'kin dahil wala s'yang paki. Matagal na ba n'ya ako gusto?

"H-Hindi talaga ako marunong manligaw pero...susubukan kong makuha ang puso mo. W-Wala rin ako nagkaroon ng nobya." Napakamot s'ya sa pisnge n'ya at kadalasan na ginagawa n'ya ay umiiwas s'ya ng tingin kapag nakitang nakatingin ako sa kan'ya.

Pakiramdam ko ay sinabi lamang n'ya na wala s'yang naging nobya para hindi ako mangamba na lolokohin n'ya ako. Alam kong 'di mo iyon magagawa.

"Alam ko," tugon ko.

Napatikhim s'ya at nahihiyang inaya akong umupo sa upuan sa gilid lamang n'ya. "Upo ka muna."

Nakangiting umupo ako sa hinila n'yang upuan para sa 'kin. Dali-dali naman s'yang umupo sa gilid ko at inilagay ang malaking bag n'ya at ang akin sa lamesa.

"Di pa ngayon magsisimula ang pagtu-tutor ko." May kinuha s'yang tupperware sa bag n'ya at nangingig na inilapag sa harapan ko na ikinataka ko.

Binuksan n'ya ito para sa 'kin at kaagad kong napansin ang pagkain na isa sa paborito ko!

Namangha naman ako sa pagkain na inilapit sa 'kin. S'ya ba may gawa nito?

"P-Pasensya ka na at 'yan lang ang niluto ko. Ngayon ko lamang kasi niluto iyan at kulang pa ang ingredients sa cante-"

Napabaling ang tingin ko sa kan'ya at masayang hinawakan ang tupperware at itinaas ng konti sa ere. "Ang cute ng mga pagkain! D-Di ko alam na alam mo pala ang mga gusto kong pagkain."

Napahinga s'ya ng maluwag na tila nakaginhawa s'ya dahil nagustuhan ko naman pala. "Palagi kong nakikitang kumakain ka n'yan kaya naisipan kong bigyan ka. D-Di nga ako marunong manligaw..."

Mahina akong napatawa dahil sa huling sinabi n'ya. Sana nga ay hindi ako nanaginip na totoo nga n'ya ako nililigawan. Hindi ko inaasahang s'ya na mismo ang lalapit sa 'kin para manligaw.

Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala hindi ako pumayag na magpaligaw kay Chrase at Krister dahil si Zyler pala ang hinihintay ko. S'ya ang mas gusto ko.

Masayang inaya ko s'ya na sumalo sa 'kin. Ayaw pa n'ya sana pero pinilit ko na talaga s'ya. Nahihiyang nakisabay naman s'ya sa 'kin.

Kahit hindi ko makita sa mukha n'ya ang reaksiyon n'ya ngayon. Alam ko naman na masaya s'ya at magkatulad kaming nararamdaman. Sa tuwing tumitingin ako sa mga mata n'ya ay nakikita ko ang pagkakislap rito at sana nga totoo ang iniisip ko.

Hindi ko talaga alam kung ano ang mayro'n sa kan'ya at nagkagusto ako ng ganito kalalim. Mas sobra pa siguro sa gusto ang nararamdaman ko. Di tuloy ako makapaghintay na masasabi ko kaagad sa kan'ya ang matamis na oo na dati ko lamang pinapangarap.

Naging masigla ang araw ko habang kasama si Zyler sa buong araw. Buti na lang at may meeting ang mga teacher kaya hindi ako nakabalik na sa room ko.

Tinanong ko kanina si Zyler na baka hinahanap s'ya ng kaklase n'ya sa room pero sabi n'ya ayos lang daw.

Hanggang sa uwian na namin ay magkasama pa rin kami. Kadalasan ay tahimik lamang kaming dalawa pero alam kong katulad ko ay sapat na iyon para maramdaman ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Sapat na ang makasama s'ya sa buong araw.

Na text ko na rin si Eden na mauna na s'ya sa pag-uwi. Hindi ko tuloy mapigilan na kiligin dahil si Zyler mismo ang maghahatid sa 'kin.

Mas gugustuhin ko siguro na maglakad kami hanggang sa makarating kami sa bahay pero baka may gawin pa s'yang importante kaya sa susunod na lang.

Natatawa lamang ako sa tuwing inaasikaso n'ya ako ay nagmamadali s'ya na tila balisa kahit hindi naman halata sa mukha n'ya ang bahagyang pagkabahala.

Ako na mismo ang nag-oopen up ng topic dahil wala yata s'yang maikwento sa 'kin. Naiintindihan ko naman dahil nabuhay s'yang walang kaibigan na nakakausap man lang. Lalo pa kaya ang makausap ang taong gusto mo.

Nakarating kami sa parking lot na may ilang estudyante pa naman dito. Ang ilan ay napapatingin sa 'min at ang ilan ay walang paki.

Excited akong sumunod kay Zyler papunta sa sasakyan namin. Namangha ako nang makitang malaking motor pala ang gagamitin namin.

Inayos n'ya ang motor n'ya bago kinuha ang helmet n'ya sa gilid ng hawakan. Napalingon naman s'ya sa 'kin bago kinuha ang kulay pink na helmet na hindi ko man lang napansin.

Lumapit ako sa kan'ya at kasabay no'n ay ang paglagay n'ya sa ulo ko ng helmet. Napangiti na lamang ako.

Tipid na ngiti ang sinukli n'ya sa 'kin. "Binili ko 'yan kaya magiging sa'yo na iyan sa tuwing susunduan at ihahatid kita sa bahay mo."

Nanlaki ang mata ko. "S-Susunduin at ihahatid mo ako?"

Nahihiyang tumango s'ya. "Iyan naman dapat ang gawin ko di'ba? G-Gusto kong ihatid kita palagi. Gusto ko rin na makausap ang Kuya mo."

Di ko na inisip kung papaano n'ya nalamang may Kuya ako dahil sa mas tutok ako sa matatamis na salita n'ya.

Ako rin naman, Zyler. Gusto kong hatid-sundo mo ako at makasama ka sa ating paglakbay.

The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now