CHAPTER 26

1.3K 77 1
                                    

OPHELIA CALLA

Habang nasa kalagitnaan kaming kumakain ay nagpaalam muna ako kay Eden na tutungo lamang sa CR. Sasama pa sana s'ya pero pinigilan ko s'ya, ayaw ko mawala ang tingin ni Khoen sa kan'ya.

Labag sa loob na tumango s'ya at pinayagan ako. Napangiti lamang ako rito.

Nakarating ako sa CR na walang kahit na taong dumadaan. Umihi lamang ako sa cr saka ko hinugasan ang kamay ko sa washing area.

Inayos ko rin ang buhok ko at pagkakasukbit ng bag sa balikat at sa huling tingin ko sa salamin ay ngumiti ako rito. Lumabas tuloy ang dimple ko na kahit nagsasalita lamang ako ay kusa itong humuhurba.

Lumabas ako sa CR ng mga babae. Inayos ko muna ang palda ko na hanggang tuhod at pinailaliman pa ito kahit alam kong babalik naman ito sa pagkakaiksi.

Maglalakad na sana ako papunta sa Senior high building para makita si Zyler nang bigla ko lamang narinig ang mahinang halinghing mula sa Cr ng lalaki katabi lamang ng Cr ng mga babae.

Nagtatakang lumapit ako rito at bahagyang sinilip kung sino ang nasa loob. Baka kasi may nangyayaring masama dito.

Nang makitang walang tao sa washing area ay tuluyan akong pumasok sa loob. Napatingin pa ako sa labas ng Cr na baka may nakakita sa 'kin pero napahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala naman.

Rinig ko pa rin ang halinghing ng babae. Paano nakarating ang babae rito? Para sa lalaki ang Cr na ito, ahh.

Kahit kinakabahan ako at parang pakiramdam ko ay may mali dito, inihakbang ko pa rin ang paa ko papalapit sa bukas na Cr banda sa dulo.

At nang makarating ako ay halos higupin ko ang lahat ng hininga ko sa nakita.

Tila namanhid ang tuhod ko sa nakikita. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa mga mata habang nakatingin sa kanila na naghahalikan na parang sabik na sabik sa isa't-isa.

Napaatras ng dalawang hakbang ang paa ko at nanghihinang tumalikod sa kanila at umalis doon.

Napahawak ako sa pader at do'n ko inilabas ang hagulgol at iyak ko sa sakit. Bakit niloko ako ni Zyler? Bakit may kahalikan s'yang babae? Girlfriend n'ya ba iyon o ano? Naguguluhan na ako!

"Ophelia!"

Napaupo ako sa gilid ng pader at humagulgol sa palad ko na tanging pantakip ko sa mukha habang umiiyak.

Rinig ko ang mura ni Eden at pinantayan ako ng upo. "What's wrong? Bakit ka umiiyak, huh? May nagpaiyak ba sa 'yo?"

Hindi ko s'ya sinagot dahil abala ako sa kakaisip kung bakit kailangan pa akong lokohin ni Zyler. Dapat sinabi n'ya sa 'kin na may babae s'ya para ako na ang kusang lalayo. Hindi ko alam na gano'n pala pagkatao n'ya, sinungaling!

Bakit niligawan pa n'ya ako kung may babae naman pala s'ya na makakapagpasaya sa kan'ya? Gusto ko tuloy matawa ng sarkastik dahil baka niligawan lamang n'ya ako para gawin din iyon sa 'kin katulad ng ginagawa ng kan'yang babae kanina.

Kahit hindi s'ya nakasalamin kanina ay klaro naman ang mukha at pangangatawan n'ya na s'ya iyon. Inalis lamang n'ya ang kan'yang salamin pero alam ko kung ano ang itsura n'ya.

Kaya pala may kakaiba sa kan'ya. Kaya pala paiba-iba ang mood n'ya dahil ang totoong ugali pala n'ya ay manloko at maglaro ng damdamin ng babae.

Tanging mahinang hagulgol lamang ang sinukli ko kay Eden at niyakap ito. Niyakap naman ako at tahimik na pinapatahan ako. Inalalayan din n'ya akong tumayo na kaagad ko namang ginawa.

Buti at alam n'yang hindi ko pa kayang sabihin kaya tahimik lamang s'yang nagmamasid sa 'kin habang nakaupo kami rito sa classroom. Nakatulala lamang ako sa black board at pakiramdam ko ay nawala na lamang bigla ang lahat ng kasiyahan ko.

Kasiyahan ko si Zyler dahil napamahal na s'ya sa 'kin. Mahal ko na s'ya, eh pero ginawa niya iyon patalikod sa 'kin.

"'Wag ka naman ganyan, Ophelia, oh. Hindi ako sanay na ganyan ka." Nakatingin s'ya sa 'kin ng malungkot na mukha.

Mapait na ngumiti ako sa kan'ya. "I-Im sorry... Wala lang ako sa mood ngayon. Bukas na bukas ay mawawala rin ito, babalik ako sa normal." As if magiging normal kaagad.

Napaupo s'ya ng maayos at umusog papalapit sa 'kin. "Sabihin mo sa 'kin kapag kaya mo na, ah? I'm worried na sa' yo. I don't know kung ano ang kinaiiyakan mo."

'Di na ako nagsalita pa at napaayos kami ng upo dahil dumating na ang aming teacher. Kung pwede lang matulog ngayon ay gagawin ko, pero hindi dapat ako maging mahina dahil sa nakita ko. Damn him for hurting me like I'm going to shuttered into pieces.

"I won't leave you here, Ophelia..."

Tinulak ko ng mahina si Eden para makapasok na ito sa Van n'ya. "Kaya ko na sarili ko, Eden. Text kita mamaya kapag nakauwi na ako, alright?" aniko.

Nag-aalalang nakatingin s'ya sa 'kin bago isinarado ang pintuan ng kan'yang van. "Sure, ah? Ano ba kasi gagawin mo pa dito?"

"Sasabihin ko lang kay Sir Sandiego that I'm quitting the contest."

Padarag s'yang bumaba sa Van saka ako niyugyog na parang gusto n'yang bawiin ang sinabi ko.

Nanlalaki ang mata n'ya. "Bakit, Ophelia?! Sayang 'yong pinaguran mo tapos susuko ka na? What happened to you?!"

Pakurap-kurap ang mata ko bago yumuko rito. "Gusto ko muna magpahinga. Masyadong maraming gawain sa eskwelahan natin kaya hindi ko ma maisasabay pa lahat-lahat."

Kumalma naman s'ya nang marinig iyon sa 'kin. "I thought sumusuko ka na sa gusto mo. Gosh! You scared me, ah! It's okay to rest naman," napahinga pa ito ng maluwag matapos sabihin iyon. "I'll go ahead, sis. Text me later!"

Kumaway lamang ako sa kan'ya nang makapasok sa Van nito. Di na s'ya nagtagal pa at agad na pinaandar ang Van papaalis sa kinaroroonan ko.

Napakagat ako sa sariling labi. Totoo naman ang dahilan ko kay Eden pero hindi ko nga lang sinabi ng buo kung bakit kaagad ako sumuko.

Sa ngayon, iniisip ko lamang kung papaano ako makakaiwas kay Zyler. Natatakot akong marinig mula sa kan'ya na totoo iyong nakita ko. Hindi ko kaya...

Pagkatalikod ko ay gulat akong napaatras dahil bumungad kaagad sa 'kin si Zyler na hinihingal at pawis na pawis.

Mukhang tinakbo n'ya ang daan para makarating lang dito sa parking lot. Gezz! Kakasabi ko lang na iiwasan ko nga s'ya, eh!


The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now