CHAPTER 14

1.3K 84 5
                                    

OPHELIA CALLA

"You're kidding right?"

Umiling ako dahilan para bumagsak ang mga balikat nila. I know that they are disappointed sa sinabi ko at kailan man 'di ako mahihiyang nagkagusto ako kay Zyler.

Sa nakikita ko naman kasi kay Zyler, masipag naman ito sa pag-aaral at hindi bulakbol. Isa iyan sa nagustuhan ko sa kan'ya, ang pagiging study hard n'ya na kulang lamang ay hindi na s'ya makapag-ayos ng mukha at suot n'ya.

Minsan naabutan ko s'yang naglalakad mag-isa sa parking lot. That time walang ng estudyante dahil uwian na no'n. Kadalasan nakikita ko sa mukha n'ya na pagod at parang hindi makalakad ng maayos. Gusto ko sanang tulungan s'ya sa dala kaso nga lang ay baka umiwas s'ya sa 'kin na kadalasang gawain n'ya kapag nakikita ako.

Ang bumabagabag nga lang sa isipan ko kung bakit ngayon ay parang naging baliktad ang sitwasyon namin. Ako, umiwas na at s'ya naman ay sumusulpot na lang sa harapan ko.

"Bakit s'ya , Ophelia? Gosh! Akala ko kung sino 'yong nagustuhan mo, 'yon pala ay isang nerd," di makapaniwalang sambit ni Nelsie.

"Akala ko 'yong mga sikat na lalaki dito sa university natin. Kagaya lamang ng basketball player o football player," sunod-sunod naman na sambit ni Nicka sa 'kin at napahawak pa sa ulo na tila problemado sa 'kin. "Yong sinasabi mo pala na sikat is 'yong nerd na iyon!"

Biglang sumabat si Eden. "Yan din ang reaction ko, Sis."

Napabuga ako ng hininga. "Kailangan ba kung magkagusto ako, eh sa sikat? Pipilitin ko 'bang magkagusto sa iba? Hindi napipilit ang nararamdaman, guys."

Natahimik naman ang ilan sa kanila. Wala na akong nagawa kundi ituloy ang kinakain kong spaghetti.

"I-It's not just like that, Ophelia..."

"Then ano ang ibig sabihin niyo? Alam niyo na ayaw ko na minamaliit ang mga gano'ng tao di'ba?" sabat ko kay Nelsie.

Malumanay namang tumingin sa 'kin si Nelsie. "Hindi lang kami makapaniwala... Halos wala akong nakikitang maganda kay Zyler pero nagkagusto ka," mahinang sambit n'ya.

Tumango-tango naman si Nicka. "Magiging usap-usapan iyan, Ophelia. Mas lalong mabu-bully si Zyler kapag nalamang may gusto ka at kapag naging kayo na."

Nanlaki ang mata ko. "Kami kaagad?! Ang advance niyo namang mag-isip. Infatuation lamang itong nararamdaman ko at sigurado akong mawawala rin ito."

Infatuation nga ba? Di ko alam dahil pati ako ay hindi na sigurado sa nararamdaman ko. Kakaiba kasi.

Nagkatinginan sila sa 'kin at tinaasan ako ng kilay na para 'bang hindi sila naniniwala sa 'kin.

Pinanlakihan ko sila ng mata at tinuro-turo sila isa-isa. "Anong tingin 'yan? Totoo ang sinabi ko!"

Napatingin ako kay Eden nang tumawa ito. "Oh dear. Someone is deeply falling in love here."

Mahina kong hinampas si Eden. "Anong deeply?! It was just an infatuation, Eden!" Kakaumpisa ko nga lang magkagusto kay Zyler tapos deeply falling in love na ako kaagad sa kan'ya?

Nagtaas s'ya ng kamay na parang sumusuko. "Okay, okay! Crush na kong crush but I'm telling you, d'yan nag-uumpisa 'yan."

Di na ako nakapagsalita dahil 'di ko rin alam ang sasabihin ko. Di ko alam kung matatakot ba akong ma-inlove kay Zyler pero one thing I know, I'll just go with a flow. Kapag na-inlove ako, then I'll just get ready. Kapag naman hindi, then it's good.

Napaangat ang aming tingin sa bagong dating na teacher namin sa harapan. S'ya pala ang teacher namin sa MAPEH.

"Di'ba ikaw si Ophelia Calla Zaveri?" tanong ni Ma'am sa 'kin at inisa-isa pa kaming tinignan.

Tumango ako. "Ako nga po ma'am. Ano po ang maitutulong po namin?" tanong ko.

"Right! Di'ba absent ka kahapon at no'ng Lunes? Nagkaroon kami ng performance and long quiz nang ma-absent ka."

Natakot tuloy ako na baka mabagsak ako. "Di'ba excuse naman po ako ma'am? O baka pwede po ma'am magpa-special quiz ako at gawan ko mag-isa ang performance."

Kakaumpisa pa lang ang klase at may performance kaagad? Di na talaga ako a-absent nito.

Inayos ni Ma'am ang hawak nitong folder sa braso at umupo sa harapan namin. Umusog naman si Eden para makaupo ng maayos si ma'am. Tahimik naman nagmamasid sa 'min si Nicka at Nelsie.

"Kaya nga ako pumunta dito para bigyan ka ng isang linggo para gawin ang performance at long quiz mo. Kapag lumampas na ng isang linggo at wala ka pa ring nagawa, then maba-blangko ang grades mo."

Dali-dali akong tumango na nakangiti. "Yes ma'am, ngayong linggo ay magagawa ko na kaagad. Salamat po," pasasalamat ko sa kan'ya.

Tipid naman s'yang ngumiti. Ngayon ko lang napansin na medyo matanda na pala si Ma'am. "Walang anuman. Pumunta ka lang sa room ng Grade 12 Metallic dahil si Sir Sandiego ang magpapa-quiz sa'yo."

Grade 12 Metallic? Nando'n si Zyler! Iniisip ko pa lang na pupunta ulit ako doon ay kinakabahan na ako.

Tumayo si Ma'am at nagpaalam na sa 'kin. Nakangisi na ngayon si Eden dahil alam na n'ya ang iniisip ko.

"Don't be nervous. Mahahalata ka ng nerd na iyon na may gusto ka sa kan'ya," saad n'ya.

"Hindi naman siguro..." tugon ko kahit di ako sigurado sa sinabi ko.

Hindi naman siguro iisipin ni Zyler na may gusto ako sa kan'ya dahil iniiwasan ko naman s'ya at saka alam ng mga estudyante dito na hindi ako interesado sa mga lalaki.

"Miss Zaveri, ngayon ka na ba magqu-quiz?"

Napalingon ako sa banda likuran ko nang magsalita si Sir Sandiego. Ang adviser ng STEM students.

Ngumiti ako. "Pwede po ngayon kaagad, Sir? Baka may ginawa pa po kayo," concern kong sambit sa kan'ya.

Tumawa s'ya ng mahina. "I'm always free Miss Zaveri. Halika at papunta na rin ako sa room ko. Sumabay ka na sa 'kin."

Kagaya nga sa sinabi n'ya sumabay ako sa kan'yang paglalakad. Pala-kwento rin s'ya sa 'kin kung ano ang nangyayari sa room n'ya kasama ang mga STEM students. Natatawa tuloy ako kapag nagku-kuwento s'ya ng kalukuhan.

"Do you know Severo Zyler? S'ya ang pinakamatalinong estudyanteng nakilala ko. Tahimik lamang s'ya at kadalasan ay walang kasamang kaibigan kaya minsan naaawa ako sa kan'ya," bigla lamang kwento ni Sir Sandiego na ikinatulala ko.

Di lang pala ako nakapansin kay Zyler sa pagiging tahimik nito minsan. Narinig ko lamang s'yang nagsalita no'ng nasa canteen kami na may ginawang gulo ang lalaking mayabang na iyon.

Nakarating kami sa harapan ng classroom ni Sir Sandiego. Inaya na n'ya akong tumuloy kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kan'ya.

Rinig ko ang ingay na nagmula sa mga estudyante dito sa classroom. Tumahimik lamang sila nang makitang nandito si Sir Sandiego. Medyo nakakatakot si Sir kapag naging seryoso ito kaya siguro tumahimik kaagad sila nang makita ito na walang imik.

Di ko na inilibot ang tingin ko sa classroom dahil alam kong nakatingin silang lahat sa 'min o baka nga sa 'kin lang.

Umupo si Sir Sandiego sa upuan n'ya kaya umupo ako sa harapan n'ya na nakaharang ang lamesa sa pagitan namin.

Nandito kaya si Zyler? Malamang oo pero nahihiya akong lumingon sa kan'ya. Pero baka mahalata n'yang iniiwasan ko s'ya o ano.

Kahit ayaw kong tumingin sa kinaroroonan niya no'ng huli ko s'yang makita dito ay hindi ko magawa.

Nakita kong nakatingin rin pala s'ya sa 'kin. Gusto ko sanang ilihis ang tingin ko pero bigla ko lamang s'yang ngitian na ikinabigla n'ya. Nakita ko 'pang patingin-tingin pa s'ya sa gilid n'ya na baka may nakakita sa kan'ya.

Napakagat ako sa labi at iniwas na ang tingin dito. Baka hindi ako makafocus sa long quiz dahil nandito s'ya sa malapitan lamang sa 'kin.

"Ngumiti sa 'kin si Ophelia!"

"Gag*! Sa 'kin s'ya ngumiti 'no!"

Ilan pa ang bulungan ang naririnig ko bago ako kausapin ni Sir na magsisimula na ang long quiz.



The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now