CHAPTER 07

1.8K 101 0
                                    

Dedicated to:
cyarries

OPHELIA CALLA

Hindi na n'ya ako natitigan ng matagal nang dumiretso s'yang naglakad papaalis dito sa labas ng gate. Napasunod tuloy 'yong tingin ko kung saan s'ya papatungo.

Tila nalungkot ako nang lumiko na s'ya ng daanan at hindi ko na s'ya nakita pa. Siguro iniiwasan n'ya ako dahil masisira ang image n'ya kapag nakasama ako. Siguro 'yon ang iniisip n'ya kaya tinanggihan kaagad n'ya ang tulong ko nang makita kami sa canteen.

Gusto ko tuloy mag-emote pero paraan saan? Masyado ba akong apektado sa presensiya n'ya? Di ko alam.

"Halikana, Ophelia. Hatid na kita sa bahay mo at magda-date na kami ni Khoen mamayang gabi!" biglang tili ni Eden sa 'kin at hinawakan ako sa siko.

Napansin ko na wala na pala sila Khoen at tanging kami na lamang ang natira dito. Kanina pa kasi ang uwian. Kahit pwede kong tapusin sa bahay ang gawain na pinapagawa kanina ay mas gugustuhin kong matapos kaagad sa tamang oras. Bawas points kasi kapag ipapabukas pa.

Tuluyan na akong hinila ni Eden papasok sa van n'ya. May van naman kami ni Kuya kaso mas gusto kong sumama kay Eden at para na rin 'di ako mabagot habang nasa byahe.

"Ang gwapo ni Khoen di'ba?!" kinikilig ulit n'yang tanong sa 'kin.

Ngumiti ako at umiling. "Gwapo sya pero mukhang 'di seryoso sa relasyon," nag-aalangan kong tugon na ikinasimangot n'ya.

"It's okay if hindi s'ya seryoso. Ano sa tingin mo sa 'kin? Seryoso rin ba ako sa pakikipagrelasyon? You know me naman, Sis," mayabang saad n'ya.

Nagmake-face ako sa kan'ya. "Kapag ikaw na-inlove, bahala ka, Sis," paalala ko sa kan'ya na ikinataray lamang n'ya.

I hope na makahanap na ito ng katapat. At sana naman magseryoso na s'ya dahil baka hindi na n'ya alam na 'yong tao pala na 'di n'ya siniseryoso ay masasaktan lang sa pinaggagawa n'ya.

Ilang minuto lamang ay nakauwi na ako sa bahay. Nagmamadali kaagad si Eden sa mangyayaring date nila ni Khoen. Parang may parte sa 'kin na sana nga ay mahulog sila sa isa't-isa para hindi na sila naglolokohan.

Nakaupo ako sa sofa at kasalukuyang nanonood ng TV nang tawagin ako ni Kuya Alter.

"Calla!" sigaw n'ya mula sa kusina kaya tumayo ako sa pagkakaupo at pinatay ang TV.

Tumungo ako sa kusina at sinilip ang ginagawa ni Kuya Alter.

Kumukuha ito ng kanin at ulam na sigurado akong niluto n'ya. Medyo nagulat pa s'ya nang makitang nasa banda likuran n'ya ako.

Napahawak ito sa dibdib. "Akala ko momo."

Natawa na lamang ako sa mapagbiro n'yang salita at ekspresiyon.

Ngumiti s'ya pagkatapos tumungo sa lamesa para ilapag ang kanin at ulam. Kahit may pagkaisip bata si Kuya Alter ay magaling naman ito sa pagluluto at gawaing bahay.

Inaya n'ya akong umupo kaya naman sumabay na ako sa kan'ya.

"Nasan si Kuya Armer?" tanong n'ya nang makaupo kami. Napakamot pa ito sa ulo at tumayo para hanapin si Kuya Armer.

Paniguradong nasa library iyon dahil s'ya ang CEO ng company namin na pinamana ng magulang namin. But sadly, hindi namin na-witness kung papaano ibinigay ng tuluyan ng magulang namin ang posisyon ni Kuya Armer dahil bago pa man maganap iyon ay naaksidente sila sa sinasakyang Eroplano.

Pupunta sana sila sa ka-business partner nila sa ibang bansa no'n pero 'di sila nakarating dahil bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila.

Bata pa lamang ako no'n kaya hindi ko masyado pa na iniisip ang nagyayari sa paligid ko. Tulala lang ako no'n at nakatingin sa mga Kuya ko na umiiyak sa harapan ng kabaong ng magulang namin.

Pagkatapos nang lumaki ako, do'n ko lang na-realize na namiss ko ang parents ko at do'n pa lamang ako umiyak ng tahimik. That was my first cry when I was elementary that day.

Napabalik ako sa realidad nang makitang papalapit na sila sa kinaroroonan ko. Napangiti na lamang ako sa kanila na ikinataka nila.

Tuluyan na silang nakaupo sa harapan ko.

"Why are you smiling? May gusto ka 'bang ipabili?" takang tanong ni Kuya Armer at kumuha ng plato, kutsara't tinidor. Si Kuya Alter naman ay nagtataka lamang ang mukha n'ya.

Umiling ako at inaya na sila na manalangin. Pray ko na sana wala nang makakapaghiwalay sa 'min. Sana ganito na lamang kami hanggang sa lumaki.

I am very thankful na nandito palagi sa tabi ko ang mga Kuya ko kahit alam kong busy rin sila minsan sa tarbaho. Nagpapasalamat ako dahil sila ang tumayong Ama at Ina sa 'kin.

~•~•~

Ilang araw na kaming abala sa eskwelahan at ngayong araw ay araw ng Sabado. Mabilis talaga ang oras at panahon sa ngayon.

Nakaraan lamang ay palihim kong sinusundan and nerd na ang pangalan pala n'ya ay Zyler Fenno. Natanong ko kasi sa kaklase n'ya ang pangalan n'ya kaya nalaman ko. Napakagandang pangalan kung iisipin ko lang.

At ilang araw ko rin napagtanto na may crush ako sa kan'ya. Di ko sinabi sa mga kaibigan ko dahil nag-eexpext sila na gwapo at sikat ang mga crush ko. I don't like that.

Di ko alam kung nararamdaman ba n'ya ang presensiya ko pero siguro naman ay hindi dahil parang normal lang naman s'ya gumalaw na parang hindi napansin ang pagsunod-sunod ko sa kan'ya. Sana hindi mahalata ng ilan.

Tila nalungkot ako sa araw ngayon. Hindi ko na s'ya makikita sa school dahil Sabado ngayon at lalong-lalo na at hindi ko makikita s'ya bukas. Parang na-miss ko s'ya at gusto ko na lang sundan s'ya kung saan-saan.

Pero napag-isipan ko na dapat hindi ko pala dapat gawin iyon. Napagtanto ko lang na ayaw n'ya sa 'kin dahil sa tuwing magsasalubong kami ay umiiwas ito.

Iiwas din kaya ako? O stick to one na lang ako sa pagiging crush kay Chrase?

"What are you thinking, huh?"

Napaangat ang tingin ko kay Kuya Armer at ngumuso rito.
Ngumiti s'ya at umupo sa tabing upuan ko dito sa labas ng bahay banda sa terrace.

"Don't overthink about our parents too much. Masaya na sila sa itaas kaya sana maging masaya ka na rin. We are here for you, your Kuya Alter and I."

Akala siguro ni Kuya iniisip ko ang parents ko. Noon kasi kapag nakatulala ako sa kawalan at may malalim na iniisip, panigurado na parents ang iniisip ko. Pero ngayon, hindi dahil 'yong nerd ang iniisip ko.

Napabuntong hininga ako. "Yeah, thank you dahil 'di n'yo ako pinabayaan," sabi ko na lang at ngitian si Kuya.

Ginulo n'ya ang buhok ko at tumayo. "Come with me," aya n'ya sa 'kin na ikinataka ko.

Kahit 'di ko alam kung saan kami pupunta ay sumunod lamang ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa kotse n'ya.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at sinenyasang pumasok sa loob.

"Saan tayo pupunta, Kuya?" tanong ko at tuluyan nang pumasok.

Sinarado n'ya ang pintuan ng kotse at lumiko sa kabila para makaupo s'ya sa driver seat. Sinimulan na n'yang paandarin ang kotse at sinagot ako.

"I have a surprise for you so don't ask, okay?" sabi n'ya na ikinatango ko.

I hate surprises pero 'di ko mapigilang di ma-excite! Ano kayang regalo ang sinasabi n'ya? Bibigyan ba n'ya ako ng house and lots? Nah, I think that's too much.




The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon