CHAPTER 15

1.4K 85 1
                                    

OPHELIA CALLA

Hanggang 50 items pala ang long quiz na ito. Aminado akong nahihirapan din dahil hindi pa ako masyado naka-review nito at dagdag mo pa na halos lahat sila ay nakatingin sa 'king ginagawa.

"Go back to your seat!" sigaw ni Sir Sandiego na ikinagulat ko ng bahagya. Akala ko ako ang sinisigawan.

Rinig ko naman ang lagabog ng mga upuan at usog nito na tila nagmamadali. Takot talaga kay Sir Sandiego.

Napailing ako at tinapos ang quiz ko. Napabuga ako ng hininga nang matapos ko na ito.

"Tapos na po Sir." Ibinigay ko sa kan'ya ang quiz paper ko na kaagad n'yang kinuha.

Napangiti naman s'ya at iginilid ito. "Ipapasa ko na lang kay ma'am mo itong sagot mo pagkatapos kong ma-check."

Ngumiti ako at tumango. "Sige po, Sir salamat," pasasalamat ko bago ako tumayo.

"Mamayang hapon pala Miss Zaveri may sasabihin kami ni Ma'am sa'yo tungkol sa sports na gaganapin. I hope na makarating ka dito," habol n'yang sambit sa 'kin dahilan upang ngumiti ako sa saya.

"Sure po Sir."

Yumuko ako bilang paggalang at inangat din kaagad. Tumango lamang s'ya sa 'kin na pinapahiwatig na pwede na akong makalabas.

Bago ako makalabas sa room ay lumingon pa ako sa loob na nagbabaka sakaling nakatingin ulit si Zyler sa 'kin pero nadismiyado lamang akong makitang abala s'ya sa sinusulat n'ya.

Tumungo ako sa classroom namin at nakitang wala kaming teacher. Buti na lang at wala pa dahil 'di ako napagpaalam na kukuha ako ng quiz ngayon.

Dumireto ako sa kinauupuan ko at umupo dito. Kaagad naman akong napansin ni Eden kaya napabaling ang atensiyon n'ya sa 'kin na kanina ay nakikipag-usap sa katabi nitong lalaki.

"Saan ka galing? Kung nandito lang talaga si Ma'am ay baka ire-record ka n'ya na isa sa nagcutting!" sermon sa 'kin ni Eden.

Pinakalma ko s'ya. Mukhang mas concern pa s'ya sa record ko kaysa sa kan'ya kasi.

"Relax! Nagtake lamang ako ng long quiz, okay?"

"Buti na lang wala si Ma'am dito. Oh gosh! Ako malalagot sa Kuya mo panigurado!"

Napatawa lamang ako sa pagiging problemado n'ya. Halos yugyugin na n'ya ako dahil sa tawa.

Napatigil lamang ako sa kakatawa nang may sumulpot sa harapan namin. Napaangat ang tingin ko.

"M-May naghahanap sa'yo Ophelia," sabi ng kaklase kong babae na may takot sa boses nito.

Nagtaka naman ako kung bakit mukha s'yang natatakot. "Sino naghahanap sa 'kin?" tanong ko bago ako tumayo para sana silipin kung sino.

Napataas lamang ang kilay ko sa lalaking naghihintay sa labas ng room ko. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

"S-Si Krister..." sagot n'ya na ikinaangal ni Eden.

"Wait! Krister ba kamo?" tanong n'ya sa babae na ikinatango naman ng babae. "Sabihin mo sa kan'ya wala s'yang mapapala kay Ophelia! Kay yabang ng lalaking iyan kaya pauwiin mo na iyon!"

Pinigilan ko ang braso ni Eden. "Kakausapin ko na para matapos na ito."

Pinanlakihan n'ya ako. "No way! Wala akong tiwala sa lalaking iyan, Ophelia at baka ano pa ang gawin sa'yo. Alam mo namang baliw na baliw sa'yo iyon noon pa man."

Hindi ko alam ang sinasabi ni Eden pero dahil sa sinabi n'ya, kinabahan tuloy ako. Kinalibutan tuloy ako nang maisip na may gusto ang mayabang na lalaki na iyon sa 'kin.

Inaamin kong gwapo naman s'ya pero hindi ko lang talaga s'ya type o gusto man. Bakit 'di na lang s'ya magkagusto sa ibang babae na baliw na baliw rin sa kan'ya?

Oh, right. Hindi pala pinipinili ang isang tao na gugustuhin mo.

Wala akong nagawa kundi sumang-ayon kay Eden. Baka ano nga ang gawin nito sa 'kin dahil natandaan ko pala na sinabi kong boyfriend ko si Zyler.

"Sabihin mo na lang sa kan'ya na next time na lang," sambit ko sa babae na ikinailing n'ya.

"B-Baka magalit sa 'kin, Ophelia..." kinakabahan n'yang tugon.

"Basta sabihin mo sa mayabang na iyon na 'wag na s'yang makipag-usap kay Ophelia! Akong bahala sa'yo!" sabat naman ni Eden at nagpose pa ito na parang manununtok.

Walang nagawa ang kaklase ko kundi pumayag na lamang kahit mukhang kinakabahan s'ya. Dali-dali s'yang tumungo sa pintuan para pagsabihan si Krister.

Inaya ko na lamang si Eden na maglaro ng cellphone na kaagad naman s'yang pumayag. Umupo kami sa kinauupuan namin at akmang kukunin ko na ang cellphone ko sa bag ko nang may sumigaw mula sa ilabas ng room namin.

"Damn it! Sabihin mong gusto ko s'yang makausap! Wag 'kang babalik dito kapag hindi mo s'ya pinapunta dito!"

Rinig ko ang bahagyang pagkagulat at tili ng ilang babae dito sa classroom namin dahil sa sigaw ni Krister. Kinabahan tuloy ako na baka sugudin kami dito. Mukha pa namang susuntok ang mukha niya.

Napatingin ako kay Eden.

"Wag 'kang aalis dito. Kita mo naman ang ugali n'ya, oh." Pinanguso n'ya ang kan'yang bibig at ginamit ito para ituro si Krister sa labas na mukhang sasabog na ang mukha sa sobrang galit n'ya.

Salamin ang bintana namin kaya kitang-kita ko s'ya dito mula sa ilabas ng room. May mga alagad pa ito at himala dalawa lang ang sinama n'ya.

Tumango lamang ako kay Eden. Kahit ako ay ayaw kong makausap si Krister. Mukhang wala sa katinuan pa naman iyon kahit mas matanda pa s'ya sa 'kin.

Katulad ni Zyler ay Grade 12 din ito pero nasa ABM nga lang s'ya.

Napabalik ang kaklase kong babae na mukhang iiyak na sa takot. "O-Ophelia..."

"Wag mo nang kausapin iyon at dito ka na lang sa tabi ko para di ka mapagbuntungan ng galit," sabi ko at tinapik ko ang upuan sa gilid ko lamang na bakante.

Nag-aalinlangan pa s'ya kung uupo ba s'ya sa tabi ko pero 'di pa man s'ya nakapag-upo sa tabi ko nang bigla lamang pumasok si Krister na nangingig sa galit.

"Sabi ko gusto kong makausap si Ophelia! Nasa'n s'ya?!" sigaw n'yang tanong. Inilibot n'ya ang paningin sa classroom at napahinto lamang nang makita ako banda sa kanang bahagi ng classroom.

Kinabahan tuloy ako nang makita n'ya ako rito. Hinawakan ako ng mahigpit ni Eden sa tabi at kasabay no'n ay ang pag-upo ng kaklase kong babae sa gilid ko.

Nakita kong bigla nawala ang galit sa mukha ni Krister pero seryoso pa rin ang mukha n'ya habang papalapit sa 'kin hanggang sa nasa harapan ko na ito.

Napaangat ang tingin ko kay Krister. Kahit may namumuong tensyon dito sa classroom ay hindi ko pinakitang kinakabahan ako kagaya nila.

Isang tulak lamang n'ya sa 'kin ay matutumba ako dahil sa lakas nito. Kahit babae ay wala itong sinasanto kaya minsan ako ay kinakabahan din.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" tanong ko na ikinalambot ng tingin nito sa 'kin o baka guni-guni ko lang.

Nakita ko pa ang pagpasok ng kan'yang dalawang kaibigan sa classroom namin. Di ko alam kung ano ang pinaplano n'ya sa 'kin.

"Gusto kitang makausap. Alam ko namang di mo boyfriend ang nerd na iyon," ngumiti s'ya sa 'kin na parang may nakakatawa sa 'kin. "Bakit kailangan mo 'pang pagtakpan? Gusto mo lang 'bang pagselosin ako dahil may babae akong kasama no'ng nagkasalubong tayo?"

Napanganga ang bibig ko sa sinabi n'ya. Ang yabang talaga n'ya! Anong sinasabi nitong babae n'ya at pinagseselosan s'ya? Nahihibang na yata ito.



The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now