CHAPTER 25

1.4K 87 7
                                    

OPHELIA CALLA

Ilang linggo rin ang nakalipas simula no'ng niligawan ako ni Zyler. Aaminin kong tuluyan na nga akong napamahal sa kan'ya. Hindi dahil sa pinapakilig n'ya ako palagi kundi dahil sa tanggap ko kung ano s'ya.

Minsan 'di ko s'ya maintindihan pero dahil nasanay na ako, binaliwala ko lamang. Gano'n naman dapat di'ba? Hindi matatawag na mahal mo ang isang tao kung hindi mo naman tanggap kung anong meron s'ya.

No'ng nakaraan ay sasagutin ko na sana s'ya kaso nga lang nawala sa isip ko dahil naging abala kami sa mga gawain namin. Siguro kapag kaya ko nang sabihin sa kan'ya na walang iniisip 'pang iba.

Habang naglalakad papunta sa basketball court ay napahinto ako sa kinatatayuan ko nang makitang patakbong lumapit sa 'kin si Chrase.

Kumabog tuloy ang dibdib ko. Hindi dahil sa may nararamdaman pa ako sa kan'ya kundi dahil natandaan kong nililigawan din pala n'ya ako.

Bakit hindi ko man lang naisip ang tungkol dito? Magkakagulo panigurado kami nito.

Hinihingal na lumapit si Chrase sa 'kin. Sa tingin pa lamang n'ya ay alam kong may alam na s'ya tungkol sa 'min ni Zyler.

Sa nakaraang araw kasi usap-usapan na ang tungkol sa 'min ni Zyler. Wala namang kaso sa 'kin dahil sabi nga ni Zyler mahal n'ya ako at kaya n'ya akong pakisamahan dahil hindi naman s'ya nahihiyang makasama ako at gano'n din ako.

"W-What happened, Ophelia? I-I thought you like me?" sunod-sunod n'yang tanong sa 'kin.

Sa mukha pa lamang n'ya ay nasasaktan na s'ya at gulong-gulo na rin. Dagdag pa na masyado s'yang busy sa training n'ya at gawain pa nito sa school.

Lumambot naman ang ekspresiyon ko sa kan'ya. Aaminin kong naaawa ako sa kan'ya pero kasi hindi na s'ya.

"Akala ko ikaw ang gusto ko pero... I was wrong, I'm so sorry," sincere kong sambit sa kan'ya.

Ilang segundo pa s'yang nakatitig sa 'kin bago iniwas ang tingin. Nakapameywang na nakatingala s'ya sa itaas at kita kong bahagyang tumaas at baba ang kan'yang adams apple na tila may pinipigilan ito.

Napayuko lamang ako ng bahagya dahil sa pagkasisi. Nagsisi ako dahil pinayagan ko pa s'yang manligaw sa 'kin at pinaasa pa sa wala. Pero kasi... Hindi ko pa naman nasabi sa kan'ya na may gusto ako sa kan'ya.

Ibinalik ulit n'ya ang tingin sa 'kin. "A-Alam kong hindi mo pa ako tuluyan na nagugustuhan, kaya nga nanligaw ako sa 'yo dahil gusto kong ipakita sa 'yo na karapat-dapat ako," mangiyak-ngiyak n'yang sambit sa 'kin na ikinagulat ko. "W-Why him? He is just a loser nerd-"

"Tama na!" agap kong sigaw sa kan'ya na kaagad n'yang ikinatahimik. Medyo nagulat din ito dahil sa pagtaas ko ng boses.

Hindi ako palasigaw o ano dahil kilala ako sa pagiging mahinhin at sweet. Pero 'yong mamaliitin lamang ang katulad ni Zyler ay hindi ko matatanggap.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kan'ya. "I thought you're nice. Akala ko hindi ka katulad ng ibang lalaking mahilig manlait sa kapwa pero... I think hindi kita gano'n kalubos na kilala," huling saad ko sa kan'ya saka walang paalam na nilampasan n'ya.

Buti at hindi n'ya ako sinundan o pinigilan dahil magwawala ako. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sinabi pa lamang n'ya. I know na minsan may pagka-oa rin ako, madali lamang akong maiyak kahit sa simpleng bagay lamang.

Soft hearted person ako kaya nga madali lamang akong paiyakin o saktan kahit sa maliit lamang na sitwasyon.

Namumuo pa lamang ang luha ko sa mata ay kaagad ko itong pinahid gamit ang likurang bahagi ng aking kamay bago pumasok ng tuluyan sa basketball court. Pinatawag kasi ako ni Eden at sasabay raw s'ya sa 'kin sa canteen.

Inilibot ko ang paningin ko sa basketball court at 'di naman ako nahirapan na hanapin s'ya dahil malapit lang naman s'ya sa kinaroroonan ko.

Tumungo ako papalapit sa kan'ya na kaagad naman n'yang napansin. Habang papalapit sa 'kin ay humahalakhak pa ito na nasa tingin ko ay natatawa s'ya sa pinag-uusapan nila ni Khoen.

Isinukbit n'ya ang kan'yang braso sa akin at hinila ako papalapit sa pwesto n'ya kanina kung nasa'n ay nando'n din si Khoen na nakikipag-usap na ngayon sa mga kaibigan pa n'yang basketball player.

"Kami na ni Khoen, Ophelia. Ang swerte ko talaga!" kwento n'ya sa 'kin na ikinatango ko at nag-thumbs up.

"I know na magiging kayo," tugon ko na ikinatawa pa n'ya na parang ang saya-saya n'ya dahil naging sila ni Khoen kahit alam kong may kailangan lang naman s'ya kay Khoen kaya n'ya ito ginawang boyfriend.

"Kaibigan nga kita, Sis! Wala na akong mahihilingan pa kundi makasama ka," madrama n'yang sambit at hinawi pa ang kan'yang bangs. "Oa ko ba? Emotional lang talaga ako, sis."

Napailing lamang ako at napangiti sa kan'ya. Maghihiwalay rin naman sila ni Khoen. I thing na napansin ko kay Eden ay ipapakita n'ya na gusto n'ya ang isang tao pero kalaunan ay itatapon na lamang na parang wala lang sa kan'ya.

Medyo may pagkapareho kami ni Eden pero ang pinagkaiba lang namin ay 'yong ako palihim lamang akong nagkakagusto tapos mawawala rin kaagad ang paghanga at s'ya naman ay kung nagugutuhan n'ya ang isang tao, gagawin n'yang nobyo tapos iiwan sa ere.

"Boys! Meet my beloved best friend, Ophelia," pakilala ni Eden sa mga basketball player.

Siniko ko s'ya at pinanlakihan ng mata. Tawa lamang s'ya sa 'kin. Nakakahiya talaga.

Nag-hi naman sa 'kin ang basketball player na kaagad ko namang sinuklian ng ngiti. Ang iba pa ay nagpapakilala sa 'kin. Siguro nagbabalak na namang manligaw ito pero syempre si Eden ang taga rescue kaya 'di matutuloy ang binabalak nila.

"Sorry boys, taken si Ophelia," malungkot na sambit ni Eden na ikinareklamo nila. Natatawa na lang tuloy ako dahil sa mga samu't saring reaction nila.

"Pero may kaibigan pa naman akong dalawa, they are also pretty just like me!" Nagpa-cute pa s'ya sa harapan nila na ikinatawa nila.

"You are indeed pretty, Eden. Kaya nga niligawan ka kaagad ng captain namin."

Proud naman na tumango si Eden sa nagsalita. Nag-flying kiss pa s'ya dito na ikinahiyaw nila.

Gusto ko na tuloy umalis dito. I'm not comfortable here while surrounding a lot of boys.

Sinenyasan ko si Eden na pupunta na kami sa canteen na kaagad naman n'yang na gets.

"Kain na tayo guys sa canteen. Of course my boyfriend will treat you all!"

Kita kong napasapok si Khoen sa noo n'ya pero kalaunan naman ay napangiti. Di ako sure kung totoo ba ang nakikita ko sa mga mata n'ya. Para kasing may kakaiba sa kan'ya na 'di ko gano'n ka sure.

Nilingon ko si Eden na abala sa kakahalungkat ng bag n'ya at saka ko inilapat ulit ang tingin ko kay Khoen na nakatingin ng makahulugan ngayon kay Eden.

Napangiti tuloy ako sa naisip ko. Someone is falling in love here, huh? I giggled.

Walang nagawa si Khoen kundi sundin si Eden na ilibre ang lahat ng basketball player na ikinatawa naman nila. Nagpasalamat pa sila kay Eden dahil kirupot daw si Khoen at hindi namimigay ng pagkain, ngayon lamang si Khoen raw nanlibre sa kanila.


The Reticent Nerd (Nerd Boys Series #1)Where stories live. Discover now