Moment of Truth (Sequel)

176 6 4
                                    

PROLOGUE

Lumipas isang buwan nguni't hindi parin nawala sa isip ko ang nangyaring iyon. Sa loob ng isang buwan ding iyon, nagpabalik balik ako sa lugar kung saan nakita ko ang kamukha ni Kenjie, gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang makilala. Kinakain ako nang kuryosidad ko. Gusto kong itanong ang kaniyang pangalan, gusto kong malaman kung konektado ba siya kay Kenjie. Ang daming tanong sa isip ko nguni't miski isa ay walang makasagot non.

Ang dami kong gustong malaman, nguni't wala akong ideya kung saan ko ito nauumpisahan. Hindi ko siya kilala, isang beses lang din kaming nagkita. Napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa sobrang frustration na aking nararamdaman ngayon. Masyadong ginugulo ang isip ko, miski isa ay walang pumapasok.

*Knock knock*

Napabalikwas ako ng tayo ng may marinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumingin pa muna ako sa salamin at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Matapos non ay nagtungo na ako nang pinto at pinihit ito upang buksan. Agad na bumungad sa akin ang nakangiti at gwapong mukha ni Khalil. Sa mga ngiti niyang iyon ay nabura ang lahat ng iniisip ko lalo na nang yakapin niya ako ng mahigpit at halikan sa noo.

"Good morning, are you ready? " bati nito saakin matapos humiwalay sa pagkakahalik sa aking noo.

"Yeah! I'm ready na." nakangiting tugon ko, sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti. "Where's Herman? " baling na tanong ko, hinahanap si Herman.

"Herman is there, papunta na sila sa mansion ngayon. Kaya solo kita ngayon." tugon nito at muli akong niyakap at marahang siniil ang aking labi. Napangiti naman ako sa ginawa nito.

"Did you miss me? " nakangiting tanong ko sa kanya, nag smirk lang ito at muli akong hinalikan sa labi. Nananabik.

"I miss you so damn much babe! " tugon nito habang sinisiil ang aking labi, napapikit pa ako ng bumaba ang halik niya sa aking leeg. Bahagya niya pa itong sinipsip at marahang kinagat dahilan para mag-iwan ng kanyang marka. "Ang bango mo! Hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko na halikan ka." nanggigil nitong sambit at muling siniil ang aking labi. Dinilaan niya pa ang aking panga at marahang kinagat ang aking tenga.
"That's all for today, baka di ko makontrol ang sarili ko... " putol niya sa sasabihin nguni't naroon parin ang gigil sa tono nito

"Baka di ko makontrol ang sarili ko, imbis na ang bestfriend ko ang ikasal ngayon, ay baka ikaw ang pakasalan ko ngayon din. Baka mauna pa tayong ikasal sa kanila." sa sinabi niyang iyon hindi ko maiwasang hindi kiligin. Ramdam ko ang pamumula nang aking pisngi. Kaya naman umiwas ako ng tingin upang hindi niya iyon mapansin. Nguni't bale wala din pala iyon.

"Hey! You're blushing hahaha." puna nito sa akin kaya naman lalo akong nailang, pakiramdam ko rin na lalong nadagdagan ang pamumula ng aking mukha.

"You know? I love watching you, lalo na kapag ganyan ka, Kinikilig." sambit pa nito na lalo kong ikinapula. Labi labis na ang kilig na aking nararamdaman ngayon. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at ipinagdikit ang aming mga noo.

"I dont want to stay young forever b'coz if I do, I won't be having my best dream which is to grow old with you." malumanay na sambit nito, napapikit ako dahil ang sarap non sa pandinig. Naramdaman ko ding inilapat niya ang kanyang labi sa akin at marahan akong hinalikan. Ang kaninang mapusok niyang halik ay napalitan ng malumanay, marahan at puno ng pagmamahal.

Memories Of Pain (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora