KABANATA 5.

147 9 0
                                    

"Heto kainin mo rin ito, masarap din iyan." alok ni Hermano sa isang isda na di ko alam kung ano, ngayon lang din ako nakakita non at ang weird ng mukha nito. Kahit di ako nakain ng isda ay kinain ko ito. Nakakahiya kung tatanggihan ko ang mga alok niya. Baka sumama pa ang loob.

"Ano kaba Hermano! Mapupuno na ang pinggan ni Neil sa mga pinaglalagay mo. Baka hindi niya maubos ang lahat ng iyan." panunuway naman ni Kenjie sa kaniya. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa maging ang ina ni Kenjie ay natatawa sa ikinikilos ni Hermano.

"Aba'y kailangan niyang ubusin iyan kita mo naman ang kaniyang pangangatawan. Di sa nagmamayabang, magkasing laki lamang kami nguni't di hamak na mas malaki ang katawan ko kaysa riyan kay Neil." 'Eh kasi samin di uso ang kumain. Uso sa panahon namin, Diet.' "Tama naman po ako diba Tiya Rosario? " dagdag pa nito. Si Tiya Rosario naman ang ginambala.

"Aba't naghanap kapa ng iyong kakampi ano? Napakagaling mo talagang magdahilan ano Hermano? " natatawa na lamang ako sa pagbabangayan ng dalawang ito.

Habang kumakain ay maraming naikwento si Hermano ang tungkol sa kanila. Sila ay magpinsan ni Kenjie, si Tiya Rosario at ang kaniyang ina ay magkapatid, at mayroon din palang kakambal itong si Hermano, at ang pangalan naman daw nito ay si Hermona. Maging ang nga natitipuhan nito ay naikwento niya. Ang pangalan naman nito ay Dictoria, may minsan pa nga daw silang tumatakas sa ina nito makipag kita lamang sa kaniya. At naikwento din ni Hermano ang dahilan kung bakit Dictoria ang pangalan nito ay dahil daw sa pinaglihi ito ng kaniyang ina sa diksyunaryo. Kaya naman ay may angking katalinuhan daw ito.

Natapos ang tanghalian ng panay namin tawa dahil sa mga kalokohang pinagsasabi ni Hermano.

"Paano kaibigan, aalis na muna ako. May usapan kami ni Dictoria na magkikita kami ngayon. Tiya Rosario! Kenjie! Paano mauuna na po ako! Maraming salamat sa pagkain! Mag-usap ulit tayo sa susunod Nil! Ikinagagalak kong makilala kang muli! " paalam ni Hermano. Agad na akong nagtungo ng lamesa upang ligpitin ang mga pinagkainan. Nung una ay pinigilan pa ako ni Tiya Rosario maging si Kenjie ay pinigilan din ako. Nguni't dahil sa nagpumilit ako, wala na rin silang nagawa pa kundi ang sundin na lang ang kagustuhan ko.

Nang matapos kong salansanin ang lahat ng pinggan ay nag-umpisa na ako sa paghuhugas. Sana ay wala akong mabasag na kahit na ano dito. Sa bahay kasi hindi ako naghuhugas, dito ko lang mararanasan ang maghugas ng pinggan.

Dahan dahan ang aking pagkakahawak sa lahat ng pinggan at basong aking mahahawakan.

Matagumpay naman ang aking paghuhugas, walang nawala at walang nabasag. Ngayon ay bilib na ako sa sarili ko. Lahat ay kaya ko ng gawin haha.

Matapos kong pagsalansalin ang mga natapos na pinggan ay sinunod ko naman ang paglilinis ng hapag kainan. Lahat ng maaaring ayusin ay inayos ko. Lahat ng maaaring itapon, itinapon ko. Lahat ng maaaring ilipat, inilipat ko. Ngayon ang dating medyo masikip na hapagkainan. Ngayon ay maluwag na. Salamat sa aking mahiwagang kamay.

Masyado ata akong sinisipag ngayong araw kaya hindi ko na naman namamalayan ang oras. halos magdilim na pala ng matapos akong maglinis sa buong bahay na ito. Kaya naman nagulat pa ang mag-ina sa kanilang nakikita.

Malaki ang pinagbago ng kanilang bahay, ang datig, medyo masikip. Ngayon ay maluwag luwag na. Matatamis na papuri ang nakuha ko mula sa mag-ina, syempre mas lamang sa puso ko ang mga papuri ni Kenjie.

"Kahanga hanga! Tila lumiwanag ang aming tahanan. Napakagaling mong maglinis Neil. Di ko akalain na mayroon ka palang talento sa paglilinis." hindi matapos tapos ang papuri ni Kenjie saakin. Kaya eto ako ngayon. Lumalaki ang puso hihi. Kinikilig ako.

"Hindi naman talento ang paglilinis ano kaba, haha. Ang paglilinis ay normal lamang. Hindi rin sa lahat ng oras kailangang babae ang maglilinis. Nararapat na tulungan ng lalaki ang babae hindi lamang sa pagtatrabaho, maging sa paglilinis din ng bahay." proud na sabi ko. Sa tanang buhay ko, iyan palang siguro ang PINAKA magandang nasabi ko.

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now