KABANATA 13.

121 8 0
                                    

Huminga ako ng malalim bago sumakay sa isang swing. Napatitig ako sa gawi namin kanina,  wala na sila roon.  Lalong sumakit ang dibdib ko. 'Hindi niya man lang ako naisipang lingunin.'   Bigla ay gusto  kong maiyak,  nangingilid ang aking mga luha.

Muli kong nakita ang mga mata ni Kenjie,  kung paano siya tumingin sa babaeng iyon.  Kung paano naging masaya ang kanyang mga mata matapos makita ito. 

Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng aking luha,  hinayaan ko na lamang ang aking luha na maglandas paibaba sa aking pisngi. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila yinayakap ako. 

Muli kong inalala ang mukha ng babaeng iyon,  at doon ko napagtanto maganda ito,  may magandang kilay,  mapupungay din ang mga mata,  matangos ang ilong,  may mapupulang pisngi,  at mapulang labi.  Hindi ko pa man alam ang ugali nito pero tiyak ako na mabuti din itong tao.  Hindi naman siya magugustuhan ni Kenjie kung hindi maganda ang ugali nito. 

Napabuntong hininga na lamang ako,  iwinaglit ko na lang iyon sa aking isipan. Pero kahit anong alis ko,  patuloy parin itong naaalala ng isip ko. 

Para akong nasa isang laban,  kaming dalawa g babaeng iyon ang contestant at si Kenjie ang siyang premyo.  Nguni't bigla na lamang akong sumuko,  dahil wala akong laban dito. 

Pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay,  nguni't bali wala ito dahil patuloy parin ito sa pagtulo. 

Muli kong naalala ang mga ngiti ni Kenjie habang nakatitig doon sa babae.  Ang bigat,  ang bigat sa pakiramdam na hindi ikaw ang dahilan ng mga ngiti niya.

Tumingala ako sa kalangitan,  maaliwalas ito,  hindi mainit ang sinag ng araw.  Masarap sa pakiramdam.  Ang sarap sa pakiramdam ng ihip ng hangin. Sa bawat pag-ugay ko ng duyan na ito,  gumagaan ang pakiramdam ko.  Nguni't bigla akong napahinto ng mapansing anino sa harapan ko. 

"Maaari kitang itulak kung iyong gugustuhin ginoo."  nagtatakang nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.  Agad na nanlaki ang mga mata ko sa aking nakikita.  Ito ang lalaking nakita ko sa batis. "Huwag kang mag-alala,  wala akong balak na masamang gagawin saiyo.  Gusto lamang kitang tulungan." dagdag pa nito,  agad kong iniwas ang aking tingin, mabilis ko ring pinahid ang luha sa aking mata maging sa aking pisngi. 

"Gusto mo bang mag duyan? "  tanong ko habang pinapagpagan ang aking pwetan. 

"Hindi na,  maupo ka na lamang riyan at iduduyan kita."  tanggi naman nito kaya wala na akong nagawa pa kundi ang maupo.  Lumapit naman siya sa kanan ko, hinawakan ang tali at marahan akong idinuyan. 

"Hindi ko ba naabala ang iyong pagmumuni muni ginoo? "  tanong nito habang marahan parin akong inuugay.

"Hindi naman."  tipid na sagot ko rito.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako biglang naparito? " muling tanong nito at iling lang ang isinagot ko.  "Nakita kasi kitang tumakbo papunta rito,  pinagmasdan kita sa malayo  at doon ko napagtanto na may dinadamdam ka sa iyong puso." napalingon  ako sa kaniya dahil sa salitang kaniyang binitawan. 

"Ayoko mang mangialam, nguni't nakita na kita kaya wala na akong nagawa pa kundi ang puntahan ka.  Sa mga panahong gaya ng nararamdaman mo,  naniniwala akong kailangan ng makakausap ang sinumang tao ang nakararamdam ng sakit."  dagdag pa nito,  nakinig lang ako. 

"Sino nga ba ang dahilan kung bakit ganiyan ang iyong nararamdaman ginoo? " pang-uusisa nito,  muli akong napatitig sa kaniya.  Muli kong pinagmasdan ang kaniyang mukha.  Mas magandang lalaki ito kaysa kay Kenjie,  maganda rin ang hubog ng katawan.  Sa isang salita,  para talaga siyang isang anghel.  Bumuntong hininga muna ako, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan,  at isa pa hindi niya rin naman kilala si Kenjie kaya ayos lang siguro na sabihan ko siya. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now