KABANATA 25.

121 7 0
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin, tanghali na akong nagising. Tirik na tirik na ang araw, ang mainit na sinag nito ay tumatama saaking mukha. Kaya naman dahan dahan akong gumapang para lang hindi masinagan. Tinatamad akong kumilos, tinatamad akong bumangon. Tinatamad ako sa lahat.

Parang gusto ko na lang huwag huminga, gusto ko na lang maging liwanag o kahit mahing hangin. Gusto kong maglaho, ang dami kong kagustuhan, nguni't ang lahat ng kagustuhan kong iyon hindi kailanman mangyayari o makakamit.

'Fuck this life.'

Sa kwartong ito nararamdaman kong nag-iisa ako, walang kasama. Parang lahat na lamang ay sinasaktan ako.

'Maybe I didn't deserve to be happy.'

It sucks to be alone, even when there are people all around you.

Muling tumulo ang aking nga luha, ang sakit ay lalong nadadagdagan ng panibagong sakit. Muling nanumbalik saakin ang mga nangyari mula kahapon sa kainan hanggang sa nangyari kagabi ng madaling araw.

Yinakap ko ang sariling tuhod, wala ng mapaglagyan pa ang sakit sa aking puso, dahil maging ang aking isipan ay puno na rin. Hindi ko alam kung paano ko ito babawasan, kung ito ba ay mababawasan pa.

Muli kong inalala ang mga panahong masaya kaming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing maaalala ko kung gaano siya kasarap magmahal. Napapangiti ako ng maalala kung gaano niya ipinaparamdam saakin na ako'y mahal niyang talaga.

Nguni't agad din akong tumigil sa pagbabalik tanaw ng aming nakaraan, ayoko nang madagdagan pa ang sakit na aking nararamdaman.

Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Hindi ako makakalimot sa lugar na ito. Gusto ko munang lumayo at magtungo sa lugar na walang ala-ala naming dalawa.

Humarap ako sa salamin, pinagmasdan ang sarili. Mugto ang mga mata, namamaga at tila walang maayos na tulog. Kahit anong ayos ko sa aking sarili, hindi parin ito sapat. Pilitin ko mang ngumiti, nguni't nagmumuka lamang akong tanga.

Bigla ay tinamad akong bumaba. Nguni't buo na ang pasya ko. Kailangan ko munang lumayo sa lugar na ito kung gusto kong makalimot.

Napapikit pa ako ng aking mata ng tuluyan kong buksan ang pinto. Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad itong tumama kay Kenjie na kalalabas lamang ng kanyang silid. Nagulat din ito ng magtama ang aming paningin.

"Nei~~" bigla kong naisara ang pinto at mabilis itong ni lock. 'Ayoko ng umasa Kenjie. Walang wala na ako. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.' napapikit ako ng marinig kong tawagin nito ang pangalan ko. Kumirot ang aking dibdib. Muling nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman.

Hindi ko na alam kung ano na ang aging gagawin. Agad akong napatingin sa bintana. Nasa ikalawang palapag ako. Nguni't hindi naman ganoon kataas. Kaya naman, kahit natatakot ay isinampa ko ang aking paa. Huminga ng malalim at saka tumalon pababa. Agad na namilipit ako sa sakit ng mapamali ang aking pagtalon. Kaya naman ay iika ika akong naglakad. Nguni't di pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang boses ni Dictoria. Kaya naman idinikit ko ang aking tenga sa dingding, pinapakinggan ang kaniyang sinasabi.

"Ama bakit dito natulog ang Ate Gavriela?" tanong nito sa tinawag niyang ama. Narinig kong tumikhim pa muna ito bago sagutin ang anak.

"Dahil iyon ang tradisyon natin Dictoria. Kailangang matulog ng ate mo sa tahanan ng kaniyang mapapangasawa bago sumapit ang pamamanhikan, dahil doon ay wala ng urungan ang magaganap na kasalan nilang dalawa." malaki ang boses nito. Nakakapanindig balahibo. Nguni't ang mas nagpatindig saakin ay ang salitang 'MAPAPANGASAWA, PAMAMANHIKAN AT KASALAN.'

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now