KABANATA 9.

135 8 0
                                    

Hapon na ng makauwi ako sa bahay nila Kenjie.  Mabuti na lamang ay magkasing laki kami ni Hermano kaya naman ay nagkasya ang ilan sa mga damit niya.  Ang hindi niya na rin ginagamit ay ibinigay niya na rin saakin.  Natawa pa ako sa sinabi nito.  Para daw hindi na niya ako makitang hawak hawal ang suot na pang ibaba habang naglalakad. 

"Oh siya,  mauuna na ako!  Magpahinga kana alam kong pagod ka rin."  nakangiting sabi ko kay Hermano,  nakangiti naman itong tumango. 

"Yes Sir! "  natawa pa ako ng bigla ay banggitin niya iyan.  Kinulit niya kasi ako kung ano ang ibig sabihin non,  dahil narinig niya akong sinabi ko iyon sa kaniya.  Kaya naman ay tuwang tuwa siyang may nalaman na salitang ingles. Napakababaw ng kaligayahan.

Maghapon kaming naggala ni Hermano,  kung saan saan niya ako dinadala,  kaya naman sobrang nangalay ang aking mga binti.  Muli kaming nagpaalam sa isa't isa bago ako tuluyang pumasok sa bahay.  Agad ko namang nakita si Tiya Rosario sa sala kaya naman agad akong lumamit at nagmano. 

"Kamusta ho kayo rito Tiya? "  tanong ko at tumabi naman sa kaniya.  Malaki ang espasyo ng sofa na ito kaya naman kahit lima katao ang umupo ay magkakasya. 

"Maayos naman ang lagay ko,  maayos din ang takbo ng kainan, sadyang nakakapagod lang dahil sa dami ng taong kumakain. Kaya heto ako ngayon,  nagpapahinga."  mahihimigan ang pagod sa kaniyang boses.  Kaya naman ay tumayo ako at minasahe ang likuran ni Tiya Rosario. 

"Dapat po hindi niyo masyadong pinapagod ang inyong sarili sa pagtatrabaho."  sabi ko habang patuloy na minamasahe ang likod ni Tiya Rosario.

"Napakahusay mo rin palang manghihilot.  Napakasarap,  ang gaan ng iyong kamay. Hindi mabigat gaya ng iba."  papuri nito,  napangiti na lamang ako.  Matapos kong masahiin ang likod ni Tiya Rosario ay Pinadapa ko naman siya at ang balakang niya naman ang aking hinilot,  maging ang magkabilang binti, hita at braso niya ay aking hinilot.  Kaya namam pasasalamat ang laging sinasabi ni Tiya Rosario saakin. 

Nagkwentuhan pa kami at halos lahat ng nangyari ngayong maghapon ay naikwento ko. Maliban na lamang doon sa pag-uusap ng lalaki doon sa batis.  Nakakahiya naman kung pati yon ay ikukwento ko pa.

"Ikaw ba'y nakakakain na? "

"Tapos na po,  doon na rin po ako kumain kay Tiya Rosalia. Katulad niyo rin po,  mabait din po ang tiya.  Napakabait niya rin saakin."  pagkukwento ko.  "Napaka swerte ko nga po dahil kahit hindi niyo ako kilala ay kinupkop nyo ako ng walang pag-aalinlangan."  totoong napaka swerte ko dahil sa mabuting tao ako napadpad sa taong ito.  At talagang nagpapasalamat ako sa diyos, dahil maging dito ay hindi niya ako pinapabayaan. 

"Wala iyon,  oh siya,  magpahinga kana.  Alam kong pagod ka sa pamamasyal.  Maraming sa lamat sa iyong masahe.  Talagang guminhawa ang aking paghinga."  nakangiting sabi ng Tiya, napangiti naman ako.

"Kulang pa po iyan sa tulong na ibinigay niyo saakin.  Sige po,  magpapahinga na po ako.  Magpahinga na rin po kayo para makabawi agad kayo ng lakas." nakangiting paalam ko at ngiti lamang ang isinagot nito.  Hinintay ko pang makapasok muna so Tiya sa kanyang silid bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.  Nguni't bago pa man ako makapasok ay napatitig ako bigla sa pintuan ng kwarto ni Kenjie.  Nakasarado ito,  patay narin ang kanyang gasera.  Pumunta ako sa harap ng pintuan niya at idinikit ang aking tenga. Nagbabakasakaling gising pa siya.

"Kenjie!"  mahinang katok ko nguni't walang tugon.  "Kenjie!  Nakauwi na ako.  Tulog kana ba?"  muling katok ko,  nguni't wala parin akong natatanggap na tugon mula kay Kenjie.  Napabuntong hininga ako at pinakatitigan ang pintuan ni Kenjie. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now