KABANATA 28

150 9 1
                                    


Dahan dahang bumitaw si Nathaniel sa aking pagkakayakap.  Masamang tinignan ang lalaking may hawak ng baril.  Bigla ay tumakbo siya pasugod rito.  Sa sobrang bilis ng pagkilos niya ay hindi ko rin namalayan na hawak na niya ang baril ng lalaki.  Agad niya itong itinutok sa sintido nito at biglang ipinutok. 

Napasigaw pa ako sa gulat,  kitang kita ko ang pagtalsik ng dugo sa paligid.  Bigla akong nanginig sa takot.  Dahan dahang tumingin saakin si Nathaniel.  Bigla siyang napaluhod at dumura ng dugo.  Nataranta ako sa takot,  mabilis akong tumakbo sa kaniya.   Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para nakakilos ng ganon kabilis. 

Bumagsak siya saakin,  napayakap ako sa kaniya ng mahigpit.  Bumuhos ang aking luha,  nakikita ko ang kaniyang paghihirap. 

"N-Nathaniel please!!  Wag ka munang pipikit ok?  Tatawag ako ng manggagamot.  Just stay awake ok? "   pigil ang hikbing sambit ko.  Ngumiti naman ito saakin.  Itinaas ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang aking pisngi.  Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang init ng kaniyang haplos.

"N-Nasagot na ang tanong sa aking isipan.  Nangyari na ang aking napanaginipan.  H-Hindi ko akalain na saiyo ko ibubuwis ang aking buhay.  Nguni't kahit ganon.  M-Masaya... "  nahihirapang sambit niya. Iiling iling naman ako sa kaniya,  pinapatigil siyang magsalita.  Ngumiti pa muta siya bago muling magsalita.  "M-Masaya ako dahil saiyo ko ibinuwis ang aking buhay.  M-Mas hindi ko kakayanin na ikaw ang mawala.  D-Doble ang sakit."  dagdag pa nito,  kahit nahihirapan ay patuloy parin siyang nagsasalita. 

Hindi ko na nakayanan pa ang bugso ng aking damdamin.  Bumuhos ang aking luha,  humagulgol ako at niyakap siya ng mahigpit. 

"H-Huwag ka na munang magsalita ok?  Tatawag ako ng manggagamot.  Tatakas pa tayo hindi ba?  Kaya please Nathaniel!  Stay awake ok? "  humahangos na sabi ko.  Tumitig siya saakin,  pumapatak na rin ang kaniyang luha.  Muli niyang hinaplos ang aking pisngi.  Hinawakan ko naman ito ng mahigpit habang patuloy ba tumatangis. 

"M-Mukhang hindi ko na matutupad ang pangakong iyan.."  umubo siya matapos sabihin iyon.  Umiling iling naman ako,  pinipigilan siyang pumikit.  "H-Hanggang dito na lamang siguro ako.  Maaari bang mahalikan ang iyong labi? Sa una't huling pagkakataon?"  dagdag pa nito.  Hindi na ako nag-alinlangan pa,  mariin kong hinalikan ang kaniyang labi.  Nakangiti naman itong gumanti ng halik.  Ilang segundo rin ang itinagal non ng siya narin ang kusang bumitaw.  Muli niyang hinaplos ang aking pisngi. 

"I’ll say goodbye this one last time. But know that I’m not really saying goodbye because in my heart I will still always love you. And in another life,  And in another life,  I  want to be your man. I will be the man that will love you more than my life. You're the one that my heart wants. In another life where we will meet again, I'll make you the most happiest person living, Neil." emosyonal na sambit niya.  Derederetso,  hindi utal nguni't nahihirapan.  Muli kong yinakap ng mahigpit si Nathaniel. 

"You can go now,  pigilan mo ang kasal. Sa unang simbahan na iyong makikita,  naroon sila. "  bigla akong napatingin sa kaniya ng sabihin niya iyon.  Umiling naman ako sa kaniya. 

"No! Hindi kita iiwan dito. Mas mahalagang gumaling ka kesa sa kasal.  T-Tara na.  A-Alis na tayo.  Magpapagamot ka. "  humahangos na sabi ko,  muling bumagsak ang aking mga luha ng makitang ngumiti ito saakin.

"H-Hindi na ako magtatagal pa.  I-Iwanan mo na ako dito.  Pakiusap."  tanggi niya.  Muli akong umiling.  Kita kong nahihirapan na siya sa paghinga.  Muli niyang hinawakan ang aking pisngi at marahan itong hinaplos.  Kahit nahihirapan ay iniangat niya ang kaniyang ulo at ipinagdikit ang aming mga labi.  Napapikit naman ako at nimanman ang malambot niyang labi.  Ramdam ko ang pagpikit niya,  dahan dahang bumagsak ang kaniyang ulo pababa sa aking hita.  Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang hindi ito malaglag.  Doon na siya binawian ng buhay. 

Napahagulgol ako ng malakas. Tuloy tuloy ang pag-agos ng aking luha. Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha. 

'Patawad Nathaniel.  Patawad..' 

Gustohin ko mang huwag siyang iwanan, nguni't gusto kong gawin ang isinabi niyang pigilan ang kasal.

Labag sa loob kong lisanin ang bodega at iwanan  si Nathaniel, nguni't hindi na ako nag-alinlangan pa.  Nandito na ako sa labas,  inilibot ko ang aking paningin.  Mayroon akong nakitang bisekleta.  Dali dali kong kinuha iyon at sumakay. 

Agad akong umalis kahit labag sa aking kalooban.  Ilang minutong pagpadyak, ay may roon akong nakitang simbahan.  Ito na marahil ang sinasabi ni Nathaniel. 

Dahan dahan akong bumaba sa bisikleta at mabilis na nagtungo sa nakaawang na bintana.   Agad na bumagsak ang luha sa aking pisngi, binalot ng kirot ang aking dibdib ng makita kong nasa harap na ng altar si Kenjie.

'Ang sakit palang makitang nakatayo sa harap ang taong mahal mo habang ikinakasal sa iba.'

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng magsalubong ang aming tingin.  Lumiwanag ang mukha nito at saka umalis sa harap ng Altar.  Agad namang naguluhan ang mga taong naroon sa loob ng simbahan.  Nang makita kong papalabas na si Kenjie ay mabilis akong tumakbo papunta sa harap ng pinto ng simbahan.  At hindi na ako nagulat pa ng makita itong buksan ang pintuan.Nagsalubong ang aming tingin.  Tumakbo siya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. 

"Patawad! "  sambit niya at biglang humagulgol ng iyak.  Hinaplos niya ng hinaplos ang aking buhok habang patuloy na hinahalikan ang aking noo.  "Patawad kung natakot ako.  Hindi ko naipaglaban ang nararamdaman ko.  Nilamon ako ng galit at ng selos.  Patawad kung nasaktan kita."  humahangos niyang sambit at hinalikan ako sa labi.

Binali wala namin ang pagkagulat ng taong naroon sa loob ng simbahan.  Dahan dahang bumitiw siya sa pagkakahalik, hinawakan ang magkabila kong pisngi. 

"Nguni't ang pagdating mo ay huli na.  Naikasal na ako kay Gavriela."  agad akong napabitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya.  Nasaktan ako ng sobra.  'Nahuli ako ng dating.' bigla akong nanghinayang.  Sobra akong naiinis sa sarili ko.  Bigla ay naalala ko si Nathaniel.   Si Nathaniel na ibinuwis ang buhay paraa saakin.  Si Nathaniel na ibinuwis ang buhay para maging masaya ako. Nguni't nasayang ang pagbubuwis buhay ni Nathaniel.  Gusto kong suntukin ang sarili ko.  Gusto kong saktan ang sarili ko.  Napakamakasarili ko. 

Muli akong napatitig sa kanya, nguni't ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ang Don na humugot ng baril at itinutok kay Kenjie.  Mabilis akong kumilos at itinulak ko papalayo si Kenjie. 

Agad na kumalat ang sakit sa buo kong katawan.  Napatitig ako sa aking dibdib,  napangiti ako.  Nailigtas ko ang buhay ni Kenjie. 

Dahan dahan akong napaluhod,  nanlalabo ang aking mga mata.  Naramdaman kong yinakap ako ni Kenjie,  hinawakan ang aking kamay at hinaplos sa kaniyang pisngi.  Wala akong marinig,  nararamdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ni Kenjie. 

Agad kong naalala ang kuwintas na binili ko para sa kaniya.  Kahit nanghihina ay kinapa ko ito at napangiti ng naramdaman ko iyon.  Kinuha ko ito at iniabot sa  kaniya.  Agad niya naman itong kinuha,  napangiti ako.

Patuloy na nanlalabo ang aking paningin. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang paligid,  maging ang pagkayakap ni Kenjie. 

Wala na,  tapos na.  Habang patuloy ba lumalabo ang aking paningin,  biglang sumagi sa isip ko si Nathaniel.  Nakangiti na ito saakin,  napaka pogi niya sa pagkakangiti niyang iyon.  Iniabot niya ang kaniyang kamay,  at hindi ako nag-alinlangang tanggapin iyon. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now