KABANATA 21.

137 8 0
                                    

MATURED CONTENT!

" I MISS YOU!"  bigla akong nagulat sa deretsong pagkakasabi nya nito. 
Tila bihasa na siya sa pagkakabigkas  kahit ngayon lamang nya iyon sinabi.  Ang sexy niya sa pagkakasabi non.
Nanlalaki ang mga matang tumitig sa kaniyang mga mata.  Sinsero iyon walang bahid na kasinungalingan. 

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."  utos ko sa kaniya,  umiwas naman siya ng tingin.  Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo ang nakikita ko.  Namumula ang kaniyang mukha tila nahihiya. 

"Saan mo natutunan iyan? "  muling tanong ko.  Nananatiling ganoon parin ang kaniyang pusisyon. 

"Narinig ko lamang sainyo kanina habang nag-uusap kayo ni Hermano at Dotoria."  sagot nito,  di ko napansin na naroon nga pala siya kanina habang tinuturuan ko sina Hermano at Doctoria. 

"Alam mo ba ang ibig sabihin niyang salitang iyan?" muling tanong ko sa kaniya.  Bigla itong ngumisi,  nawala na ang pamumula sa kaniyang mukha. 

"Hindi ko naman sasabihin saiyo kung hindi ko alam ang salitang iyon."  nakangising sabi nito.  Bigla ay kinabahan ako sa pagkakangisi nito.  Dahan dahan siyang lumapit saakin kaya naman napaatras ako patalikod. Muli na naman itong ngumisi nang makitang wala na akong maatrasan pa.  Nasa gilid ako ngayon ng bintana.  Nanginginig na nakatingin sa kaniya.   "Alam mo ba ang hindi ko maintindihan?"  nakangising tanong nito saakin.  Napalunok naman ako ng bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha saakin.  "Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang ang aking nararamdaman saiyo.  Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo kung bakit ako nakakaramdam ng ganito."  bigla ay lumamlam ang kaniyang mga mata.  Iniwas niya naman ang kaniyang paningin dahil sa luhang nagbabadyang tumulo sa kaniyang pisngi. Muli niyang ibinalik saakin ang kaniyang tingin. "Alam kong mali itong nararamdaman ko.  Pero wala akong kayangg gawin upang alisin itong nararamdaman ko.  Alam kong mali nguni't ang sinasabi ng puso ko ay tama ito. Ngayon,  alam mo ba ang kasagutan dito sa aking nararamdaman? " bigla akong nagulat sa mga sinasabi nito.  Hindi ko alam kung totoo ito o hindi,  pero base sa mga nakikita ko at sa nararamdaman ko,  ayokong mag assume pero totoo ang lahat ng sinasabi nito base sa kaniyang mga mata.  Hindi ako naging handa sa pangyayaring ito. 

Hindi ako naging handa, hindi ko akalain na mangyayari ito.  Kung isa man itong panaginip,  sana ay hindi na ako magising pa.  Kinurot ko ang aking sarili,  masakit ito,  ang katotohanan ay nasa harapan ko na. Hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman.  Naghalo-halo ang saya,  kilig, kaba maging ang pagkalito.

"Ngayong nasabi ko na ang nararamdaman ko,  maaari ko bang malaman mula saiyo kung ano ang nararamdaman mo? " napakalambing ng tinig nito.  Hindi ko maiwasang hindi maiwalang dahil sa lapit ng kaniyang mukha.  Naguguluhan ang aking isip,  kung magsasabi ba ako sa kaniya ng katotohanan? O itatago ko na lamang. 

Sa huli ay naging buo ang aking pasya,  gusto kong sumubok,  gusto kong mag risk.  Narito na ang pagkakataon,  hindi ko na sasayangin pa.  Huminga ako ng malalim,  sinalubong ang kaniyang tingin.

"Mula noong una palamang kitang nakita,  naakit mo na ang aking paningin.  Hindi ko alam kung paano mo nagagawang pabilisin ang tibok ng puso ko sa tuwing lalapit ka sa akin.  Narito ako sa harapan mo,  sasabihin ko na ang totoo.  Mahal kita,  at mas lalong minamahal pa."  sumilay ang matamis niyang ngiti,  bigla ay tumulo ang kaniyang luha.  Mahigpit niya akong yinakap.  Napakasarap non sa pakiramdam. 

"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa sinabi mong iyon.  Patawad sa aking mga nagawang kasalanan.  Pangako,  hinding hindi na kita iiwan."  maluha luhang sabi niya,  bigla akong natulala sa kaniyang ginawa.  Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at siniil iyon ng halik.   Tumagal iyon ng ilang minuto at siya na ang kusang himiwalay sa pagkakadami ng kaniyang labi.

Memories Of Pain (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon