KABANATA 26

113 7 2
                                    

"A-Ano ang kailangan niyo s-saakin? " natatakot na tanong ko nguni't masamang tingin lamang ang ipinukol nito saakin.

"Kung pagnanakaw ang inyong dahilan,  please!  Nagmamakaawa ako!"  bigla ay nakaramdam ako ng takot para saaking sarili.  Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata. "P-Pakawalan niyo na lamang ako.  W-wala kayong makukuha saakin." dagdag ko.  Nguni't agad akong napaatras ng tutukan ako ng patalim ng isa. 

"Sinabing manahimik ka kung ayaw mong mamatay dito sa loob ng kalesang ito."  banta nito,  kahit natatakot ay muli akong sumunod sa pinag-uutos nito. 

Napakadilim ng paligid,  walang ilaw.  Sobrang lamig ng hangin,  napakalakas din ng ulan.  Natatakot ako sa mga oras na ito.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.  Wala akong matakasan. 

"Busalan mo ang bibig niyan. Takpan mo rin ang mata.  Kung maaari ay patulugin mo ng hindi na mag-ingay.  Tanga! " sigaw naman sa kaniya ng kasama niyang nagpapaandar ng kalesa.  Nanginginig ako sa takot.  Humihiling na sana ay may sumaklolo saakin. Gaya ng sinabi ng lalaking iyon, ginawa nga ng lalaking kasama ko ngayon.  Binusalan niya ang aking bibig at piniringan ang aking mga mata. 

Ngayon ay wala na akong makita. Hindi na rin ako makapalag pa dahil sa taling nakabusal sa aking mga kamay.  Pumatak ang luha ko.  Natatakot ako para sa sarili ko,  wala akong laban.  Hanggang takot lang ang kaya kong gawin.  'Hanggang dito na lang ba ang aking buhay? '  muling pumatak ang aking mga luha. 

Ilang sandali pa ay tumigil na sa pagtagbo ang kalesa,  walang hirap naman akong binuhat ng lalaking kasama ko dito sa loob ng kalesa.

"Dalhin niyo na iyan sa bodega.  Pag-igihan niyo ang pagtali baka iyan ay makatakas."  bigla ay may nagsalita,  ramdam kong nasa harapan namin ito.  pamilyar ang kaniyang boses.  Hindi ko alam kung saan ko ito narinig.  Inisip ko ng inisip,  at doon ay muling umakyat ang takot sa aking dibdib. 

'A-Ang boses na iyon! '  napahinto ako sa pag-iisip ng bigla ay mayroong humampas saaking batok matapos akong patayuin.  Agad akong natumba sa lupa,  ramdam ko ang basang putik na mabilis na kumalat sa aking katawan.  Kahit wala akong makita ay tila umiikot ang aking paningin.  Unti-unting pumipikit ang aking mga mata.  Hindi ko na naramdaman pa ang susunod na nangyari ng bigla na lamang akong mawalan ng malay.

Iminulat ko ang aking mga mata,  inilibot ko ang aking paningin, narito ako sa masukal na bodega.  Napakadumi,  madaming alikabok,  at mabaho ang amoy.

"Eto kumain kana!"  bigla ay sigaw ng lalaking dumukot saakin kagabi.  Napatitig ako sa binigay nitong pagkain.  Kahit gutom na gutom ako ay tiniis ko ang gutom.  Hindi ako nakain ng ahas. 

"Ano?  Gusto mo bang subuan pa kita?"  muling sigaw nito saakin.  Sinaaman ko lang siya ng tingin. 

'Tarantado kaba?  Pakakainin mo ako ng nakabusal ang bibig at mga kamay ko? ' gusto kong matawa sa katangahan nito.  Akala ko sa telenobela lamang nangyayari ito.  Pati rin pala dito. 

Dahil sa inis niya ay kinuha niya ang pagkaing inihanda niya at tinapon ito. 

"Ayaw mong kainin,  siya ang mga langgam na lang ang aking pakakainin."  dagdag pa nito.  Amoy ko ang mabahong hininga nito.  Gusto kong kumawala,  gusto kong makaalis sa lugar na ito. 

Dumaan ang maghapon, nasa ganito parin akong sitwasyon.  Gusto kong sumigaw ng sumigaw.  Gusto kong humingi mg tulong.  Pero wala akong magawa dahil nakatali ako. 

Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan.  Dalawang araw na akong walang kain.  Sobra ng kumakalam ang aking tiyan.  Muli ay napaiyak ako. Dito na lang siguro matatapos ang buhay ko.  Napakapalad kong tao. 

Ipinikit ko ang aking mga mata,  sobra na akong nanghihina.  Gusto kong kumain o kahit uminom man lang ng tubig.  Gusto kong balyahin ang lalaking ito at tadtarin ng hampas sa ulo. 

Lahat ng iyan ay nasa isip ko lamang.  Wala akong kakayahang gawin iyon. 

Tumitig saakin ang isang lalaking siyang nagpapatakbo ng kalesa.  Kinuha niya ang aking braso at saka inihambing sa kaniyang braso.  Nangunot ang kaniyang noo,  napatitig saakin. 

"Bakit tila kakaiba ang iyong kutis?  Isa ka bang babae?"  takang tanong nito.  Hindi ko inimik.   "Bakit tila hindi ka umiimik?  Napipe kana ba?"  muling tanong nito. Gusto ko siyang tadyaktadyakan dahil sa paulit ulit nitong tanong.  Hindi naman ganon kabango ang kaniyang hininga. 

Bigla akong nagulat ng bigla niyang punitin ang marumi kong damit. Nanlaki ang kaniyang mga mata. 

"Isa ka ngang tunay na lalaki.  Bakit ganiyan ang iyong kutis?  Mas maputi pa sa mga kababaihang narito."  muling sambit nito.  Kaya wala na akon nagawa pa kundi ang tadyakan ang alaga nito.  Agad na namilipit siya sa sakin.  Dama ko ang sakit non dahil sa lakas ng aking pagkakasipa. 

"T-Tarantado ka!!  Arghh!! "  angil niya habang nagpagulong gulong sa sahig.  Ng makarecover ito ay mabilis siyang tumayo at ginawaran ako ng malakas na suntok.  Hindi pa ito na kontento ay bigla niya rin akong sinipa sa dibdib.  Agad akong tumilapon habang uubo ubo.  Lumapit siyang muli saakin at hinawakan ako sa damit kong sinira niya.

"Ang lakas ng loob mong gawin iyon.  Pwes eto ang sayo. "  sigaw niya sa harap ng mukha ko.  Halos mapapikit na rin ako dahil sa pagkakabugbog nito.  Hindi pa ito nakontento,  sapak at tadyak pa ang ginawa nito saakin bago ako tuluyung iniwanan. 

Namimilipit akong napaluha sa sahig.  Wala na ang pagkakatali saaking nga kamay dahil sa lakas ng kaniyang pagkakasipa,  nasira ang upuang pinagtaliaan saakin. Uubo ubo kong tinanggal ang busal sa aking bibig. 

Sobra na akong nanghihina.  Kailangan kong makalabas sa bodegang ito.  Kailangan kong makaligtas sa mga demonyong narito. 

Dahan dahan akong gumapang papunta sa pintuan.  Nguni't ganon na lamang ang aking panlulumo ng biglang magbukas ito.  Lumabas ang isang ginoong halata palang sa mukha ay malupit na. 

"Buhay ka pa pala ginoo.  Akala ko'y isa ka ng bangkay."  bungad na sambit nito.  Nanghihinang tumingala ako sa kaniya. 

Siya ang tinawag na ama ni Dictoria sa bahay ng Tiya Rosario. 

Tuluyan na itong nakapasok sa silid na ito.  Nakita ang kamay kong gumagapang papunta sa pintuan. 

"Arghhjhh!!! "  napasigaw ako ng malakas ng tapakan nito ang aking kamay.  Agad ko itong hinigit at itinago.  Sobrabg sakit ng ginawa niyang iyon.

"Wala silang kasing sama. Mga hayop sila!!  Mga hayop!!!'

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now