KABANATA 23.

125 9 0
                                    

Lumipas ang ilang araw,  walang puwang ang kalungkutan sa pagitan namin ni Kenjie.  Araw araw ay ipinaparamdam niya saakin na masaya sya at pinaparamdam na ako'y kaniyang tunay na minamahal.  Habang tumatagal lalong lumalalim ang aming pagmamahalan,  nguni't tago lamang ito at kami lang ang nakakaalam. 

Alam namin pareho na mali ito,  pero hindi na iyon ang aming inintindi dahil ang mahalaga saamin ay mahal namin ang isa't-isa at masaya kaming magkasama.

Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha.  Mula sa kaniyang mga mata,  pababa sa matangos niyang ilong at hanggang sa mapupula at malambot niyang labi. 

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sapagka't talagang napakaswerte ko.  Nasaakin ang lalaking hinahangaan ng lahat, nasa akin ang pinaka gwapong lalaki sa lahat ng nakita ko,  syempre maliban parin kay Nathaniel. 

Iminulat niya ang kaniyang mga mata,  pipikit pikit itong sinalubong ang aking tingin.  Biglang lumitaw ang kaniyang matamis na ngiti,  nahawa ako kaya naman napangiti din ako.

"Good morning babe!"  kinilig ako sa sinabi niyang iyon.  Kahit ilang beses na niyang sinasabi saakin iyan,  hindi ko parin maiwasang hindi kiligin.  Ang manly kasi ng boses niya kapag nagsasalita siya ng ingles.  Bigla ay naalala ko kung paano niya ako kulitin maturuan lamang siya ng salitang ingles.

FLASHBACK....

"Ano naman sa ingles ang 'Magandang Umaga'?   Tanong nito napangiti naman ako dahil sa kakulitan ng mukha nito. 

"Good morning, iyan ang ingles sa magandang umaga."  tugon ko naman at napangiti ito.

"Good morning mahal ko."  bigla ay sabi niya,  kahit gabi na sa mga oras na ito ay hindi ko parin maiwasang hindi kiligin.  Lalong nagiging sexy ang boses niya kapag nagsasalita siya sa wikang ingles.
"Eh ano naman sa ingles ang salitang 'Magandang gabi'?   Muli ay tanong nito.

"Good evening. "  tugon ko at tatango tango naman ito.

"Good evening mahal ko."   muli na naman akong kinilig ng sabihin niya iyon.  Agad kong pinisil ang kaniyang pisngi.  Napatawa ako ng malakas dahil kahit anong gawin kong papangitin ang kaniyang mukha ay nanatiling gwapo ito kahit sa anong anggulo.  Maya maya pa'y nakaramdam na ako ng antok.  Kinuha ko ang kaniyang braso at ginawa itong unan.

"Good night babe."  nakangiting sabi ko sa kaniya,  nangunot naman ang  kaniyang noo.

"Good night babe?  Ano ang ibig sabihin ng salitang iyon? "  takang tanong niya, umayos ako ng pagkakatagilid at saka tinignan siya. 

"Ang magandang gabi rin iyan,  nguni't sinasabi lamang ang GOOD NIGHT  kapag matutulog na.  At ang salitang BABE naman ay isang tawagan ng magnobyo o magnobya."  paliwanag ko.  Tatango tango naman ito at saka ngumiti.  Yinakap niya ako ng mahigpit dahilan para dumikit ako sa kaniyang dibdib. 

Nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso nito. Kaya naman ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti muli. 

"Good night babe."  bulong nito napangiti naman ako at saka yinakap siya ng mahigpit.  Sa pusisyon naming iyon ay sabay na din kaming nakatulog.

END OF FLASHBACK.

Good morning babe." muling sabi nito,  napangiti naman ako ng bigla niyang dampian ng halik ang aking labi. 

"Ang aga ng pagnanakaw natin vro ah."  natawa naman siya sa sinabi ko.  Umayos ako ng pagkakahiga at saka yinakap siya ng mahigpit.  Gumanti naman ito dahilan para makaramdam ako ng init. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon