KABANATA 24.

111 9 0
                                    

""Mayroon akong nararamdaman saiyo. Kakaibang pakiramdam na kahit ako ay hindi naniniwala. Gustuhin ko mang alisin ito, nguni't hindi ko magawa, dahil masaya ako. Masaya ako na nararamdaman ko ito saiyo. Gusto kita." napatulala ako sa sinabi niyang iyon. Diretso at hindi nauutal utal. Napatingin ako sa kaniyang mga mata, walang bahid ng kasinungalingan, bagkus mas nangingibabaw ang sakit at lungkot na kaniyang nararamdaman. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi parin ma-process ng utak ko ang ginawa niyang pag-amin.

Naghalo ang bilib at awa ko sa kaniya. Bumibilib ako dahil, kahit alam niyang wala na siyang pag-asa, ipinaramdam niya parin na hindi siya nagsisisi na maramdaman niya iyon. Naaawa ako sa kaniya dahil sa kaniyang lakagayan. Nainis ako sa sarili ko sa hindi malaman na dahilan.

"Nguni't a-alam mo namang m-may iba akong nagugustuhan." utal na sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito saakin ng pilit.

"I know and I'm aware of that. I just wanted to say this because, I want you to know that I have a feelings for you since we first met." muli akong napatulala sa deretsong pagsasalita niya ng salitang ingles. Talaga ngang isang nakakamanghang lalaki itong si Nathaniel. Walang Hindi kayang gawin. Lahat kaya niyang pag-aralan. Sana mapag-aralan niya rin kung paano makapag move on ng mabilis.

"But it hurts a lot because you're already fall in love with someone else." bumuntong hininga pa muna siya bago umiwas ng tingin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. " Sobrang sakit lang dahil maymahal ka ng iba bago pa kita makilala. " dagdag pa nito habang nakatingin ng deretso saking mga mata. Ngayon muli kong nabasa ang mga tingin niyang puno ng sakit at lungkot. Hindi ko alam kung paano tatanggalin ang sakit na nararamdanan niya nang hindi nag-iisip na lalong magpapahulog sa kaniya.

Nasasaktan akong nakikita kong ganito ang itsura ni Nathaniel. Iba sa Nathaniel na una kong nakilala.

"Maaari bang mayakap ka sa unang pagkakataon?" tanong niya, hindi agad ako nakapag salita. Tumango na lamang ako dahil baka pumiyok ako kapag isinatinig ko ito. Lumapit siya saakin at yinakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang init, pag-aalaga at pagmamahal sa kaniyang yakap. Biglang maynaramdaman akong patak ng butil ng luha. Nasasaktan ako, doble ang sakit nito saakin. Baka triple pa, ayokong masaksihan ang pag-iyak ng isang lalaki. Sobra akong nasasaktan, tumriple pa ito ng maalala ko na ako ang dahilan nito. Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Lalong tumulo ang kaniyang mga luha.

'Kung ikaw ang una kong nakilala at hindi si Kenjie, baka ikaw na ang minahal ko ngayon. Ang dami mong katangian na maaaring ikahulog ng isang tao. Pero sadyang kay Kenjie ako itinadhana sa panahong ito. Sorry Nathaniel, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo.' gusto ko man iyang sabihin sa kaniya, nguni't ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap saakin at pinahiran ang kaniyang mga luha.

"Maaari ko bang malaman kung sino ang maswerteng lalaking ito?" bigla ay tanong niya. Pilit ang ngiti. Hindi agad ako nakapag salita.

"S-Si Kenjie." utal na sagot ko. Napangiti naman siya at tatango tango.

"Hindi na ako magtatanong pa. Salamat saiyo, mag-iingat ka. Pakisabi na lamang sa kaniya, na oras na saktan ka niya. Ako mismo ang kukuha sayo at magpaparamdam saiyo na hindi ka karapatdapat na saktan. Dahil ang tulad mo... " bitin niya sa sinasabi niya. Lumapit siya saakin at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Dahil ang isang tulad mo ay dapat minamahal hindi sinasaktan." tuloy niya sa sinasabi, nagulat pa ako ng yumuko siya saakin at hinalikan ang aking noo. Napapikit ako, ilang segundo din ang itinagal non at siya na ang kusang humiwalay. "Hatid na kita." wala na akong nagawa pa ng kunin niya ang kamay ko at hilahin papuntang Kainan. Nagtaka pa ako sa ikinikilos niya, kung nasaan si Kenjie ay doon kami huminto. Nguni't ang mas ikinataka ko ang reaksyon ni Kenjie. "Congrats bro! " biglang sabi ni Nathaniel at tinapik pa ang braso ni Kenjie. Nangunot naman ang mukha ni Kenjie na tumitig sa likuran ni Nathaniel. Kaming dalawa na lamang ang naiwan dito. Lalapit sana ako kay Kenjie upang sabihin sa kaniya ang pinag-usapan namin, nguni't bigla itong umiwas. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon.

Muli akong lumapit sa kaniya nguni't patuloy lamang siyang lumalayo. Nagtataka ako sa iniasta niyang iyon. Wala rin naman siyang dapat na ikaselos dahil wala namang kakaibang nangyari saamin Ni Nathaniel.

Kaya naman mabilis kong hinigit ang kaniyang braso at iniharap ito saakin.

"Ano ba ang nangyayari saiyo? Hindi ko maintindihan kung bakit ka nalamang umiwas saakin." kunot noong tanong ko sa kaniya, tumitig lang ito saakin nguni't walang reaksyon ang mukha.

"Mayroon ba akong nagawa para iwasan mo ako ng ganito?" muling tanong ko sa kaniya nguni't tinitigan lang ako nito.

"Ano ba Kenjie! Sumagot ka naman!" napataas ang boses ko, hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakamasid saamin. Marahas niyang hinila ang braso ko palayo sa Kainan.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ako nagkakaganito." tiim-bagang aniya, nangunot ang noo ko, wala akong makitang mali para magkaganito siya ngayon. Humigpit ang pagkakawahak niya sa mga braso ko, nasasaktan ako sa hawak niyang iyon.

"K-Kenjie nasasaktan ako!" nasasaktang sabi ko nguni't mas humigpit lamang ang pagkakahawak nito. Sobra na ang sakit non kaya naman itinulak ko siya ng malakas at kusa niyang nabitawan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pinakatitigan ko ito at ganon na lamang ang kirot sa dibdib ko ng makitang bumaon ang kamay nito sa braso ko.

Mabilis na tumulo ang luha ko sa aking pisngi. Lumayo ako sa kaniya at pinahiran ang aking mga luha. Hindi ko na muling nalapitan pa si Kenjie dahil sa dumadami na ring mga costumer. Mula dito sa aking kinatatayuan nakita kong may kausap itong isang babae, hindi man lang ako nilingon nito. At ang mas ikinatataka ko ng hubarin niya ang suot niyang apron at ipinatong iyon sa lamesa.
Walang lingon-lingong umalis ito. Hindi man lang ako tinignan. Biglang kumirot ang dibdib ko ng makita ang mukha ng babaeng kasama niya. Sumakay sila sa isang kalesa kaya naman agad akong tumakbo nguni't mabilis din itong nakaalis palayo. Humahapong bumalik ako ng kaninan. Dumadami lalo ang costumer, bigla ay nawalan ako ng ganang nagtrabaho. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Natapos ang maghapong ito ng hindi parin bumabalik si Kenjie. Hanggang sa makauwi na kami at lumipas na ang gabi. Wala paring Kenjie na dumadating.

Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa kaniya. Papaumaga na nguni't wala parin akong Kenjie na nakikita. Nangilid ang luha ko ng maalalang si Gavriela ang kasama nito. Madaming pumapasok sa isipan ko at isa na doon ang ikinakatakot ko. Ayokong isipin na baka magkatabi sila ngayon sa pagtulog, hindi ko ata kakayanin iyon. Kaya pilit ko itong iwinawaglit sa isipan ko.

Lumipas muli ang oras, wala paring Kenjie na dumadating. Nguni't agad akong napatayo sa kaniyang silid ng may marinig akong mga yabag ng paa sa pintuan nito. Nabuhayan ako ng loob ng maramdamang si Kenjie iyon.

Mabilis na nagilid ang mga luha ko ng tuluyan na itong pumasok sa kaniyang silid. Nguni't ang mas ikinabigla ko ang kasama nito. Nagugulat kong tinignan si Kenjie, gulat ding tumitig ito saakin. Hindi agad ako nakapagsalita.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, naghintay ako sa wala. Hindi ko inaasahan na sa pagbabalik niya may iba na siyang kasama. Muli akong tumitig sakaniya. Ngumiti ito saakin at hinawakan ang kamay ng babae.

"Hindi ko pa pala lubos na naipapakilala saiyo, Gavriela siya nga pala si Neil." nakangiting baling nito sa babae, hindi parin nawawala ang pagkakahawak sa kamay nito. "Neil, siya si Gavriela..." baling naman nito saakin, tumingin pa muna siya sa babae bago muling bumaling ang tingin saakin. "Nobya ko." biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon, bumagal ang paggalaw ng paligid, nanlalabo ang aking mga mata. Ang sakit ay binalot ang aking katawan.

Sobrang sakit, hindi ko makayanan, hindi ko akalain na sa pagbabalik niya, mas doble pa sa dobleng sakit ang ipinaramdam niya. Muli akong nakaramdan ng sobrang sakit ng maalala ang ginawa saakin ni Khalil.

'Hindi parin ako sapat para punan ang kanilang pangangailangan.' sa isiping iyon ay lalong nangilid ang aking luha. Mabilis kong nilisan ang kwartong iyon ni Kenjie. Hindi ko alam na maaari na palang mag-uwi ng babae ang kalakakihan sa panahong ito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Napakasakit, hindi ko na alam kung makakayanan ko pang manatili sa panahong ito. Bigla ay gusto ko ng bumalik sa mundo ko. Gusto kong makalimot. Gusto kong nawala sa isip at puso ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa pagkakataong ito, mag-isa na naman ako.

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now