KABANATA 15.

121 7 0
                                    

"Kaya pala hindi kita nakikita makalipas ang ilang araw dahil pumapasok kana rito sa kainan." 

"Masyado akong nabuburyo sa bahay,  wala naman akong ginagawa kaya tumutulong na lamang ako dito." 

"Mabuti ay pinayagan ka ng Tiya maging ng Kenjie." 

"Wala na rin naman silang nagawa pa ako na rin kasi ang nagpumilit."

"Ahh siya,  mauuna na ako saiyo Nil!   Hanggang sa muli!  Sana ay makapasyal tayong muli,  gusto mo bang maligo ulit sa batis?"  tanong nito, nakangiti naman akong tumango.

"Oo naman,  gusto mo bang pakitaan pa kita ng ibang tricks eh."  nakangiting tugon ko.  Nangunot muli ang kaniyang noo.

"Triks? " tanong pa nito,  natawa ako sa kainusentihan ng kaniyang mukha.

"Oo tricks,  ibang exhibition ganon."  paliwanag ko nguni't di niya parin naunawaan.  'Ano ba kasi ang tagalog ng tricks? '

"Triks?  Eksibisyon?  Ano ang mga salitang iyon? "  takang tanong pa nito,  napabuntong hininga naman ako, nauubusan ng pasensya sa pagpapaliwanag.

"Basta yung paglipad-lipad at pag-ikot-ikot  ko sa ere bago bumaba sa tubig."  muling paliwanag ko,  namamangha na naman itong tumango. 

"Iyon pala ang tawag doon,  triks,  eksibisyon. bigla ay gusto kong matawa sa itsura nito.  Napakakulit. Inilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tainga at saka bumulong.

"Meron pang ibang tawag."  bulong ko rito at bigla ay naramdaman ko ang kuryusidad mula sa kaniya.

"Ano ito? "  curious nitong tanong.

"Style."  nilagyan ko ng arte at haba ang pagkasabi ko nito kaya naman natawa ako ng gayahin niya ang tono kung paano ko ito binigkas.

"Istaaayl" gusto kong matawa dahil sa ginawa nito.  "Oh siya,  aalis na muna ako.  Magkita na lamang tayo mamaya."  paalam pa nito at saka kumaway saakin.  Sinuklian ko naman ito ng ngiti at saka kumaway din. 

Matapos non ay nagtungo na ako sa gawi ni Tiya Rosario, nagulat pa ito ng makita ako,  tila hindi inaasahan ang pagdating ko.

"Maayos na ba ang iyong lagay?  Dapat ipinahinga mo na lang ang sarili mo.  Mas kailangan mo iyon,  at isa pa may bago naman na tayong kasama dito kaya hindi mo na kailangan pang magtrabaho pa."  nag-aalalang sabi ng Tiya. Nginitian ko naman ito at saka isinuot ang apron ko.

"Ayos na po ako tiya,  wala na po kayong dapat na ipag-alala dahil magaling na po ako.  Salamat sa aking munting manggagamot,  mabilis na gumaling ang pakiramdam ko."  pangungumbinsi ko,  napabuntong hininga naman ang Tiya, wala na namang nagawa sa naging desisyon ko. 

"Oh siya mukhang wala na ring naman akong magagawa pa.  Basta magpahinga ka kapag nakaramdam ka ng pagod.  Maayos ba iyon iho? "  wala nang magawa pang sabi ng tiya.  Marami pa itong hinabilin at ngiti na lamang ang aking tinugon.  Inilibot ko ang aking paningin, nakita ko roon sa dulo si Kenjie nakatitig saakin,  nang magtama ang aming paningin ay siya na ang kusang umiwas dito. 

Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko,  agad kong pinuntahan ang bagong dating na costumer.  Nguni't agad ding pumangit ang mukha ko ng makita ang babaeng ito sa harapan ko. Siya iyong babae kahapon,  nakalimutan ko na ang kaniyang pangalan. 

"Magandang umaga,  Ano ho ang inyo? "  nakangiting bati ko,  inirapan lang ako nito.  'Aba'y maldita. Taas ba naman ako ng mata.' 

"Nasaan si ginoong Kenjie?  Nais ko siyang makausap."  sabi na eh,  tama ang aking hinala,  hindi ito pupunta dito kung hindi dahil kay Kenjie. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum