KABANATA 27.

121 9 1
                                    

"Kamusta?  Nagustuhan mo ba ang iyong magiging himlayan?" nakangising tanong nito.  Kahit hirap ay tinignan ko ito ng sobrang sama.

"Ka'y tagal kitang hinahanap ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong dakpin ka." pinandilatan ako nito ng mata.  Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin habang idinidiin ang kaniyang mga daliri sa magkabila kong pisngi.  Masakit iyon dahil talagang bumabaon ang kaniyang daliri. 

Agad akong napahawak sa aking pisngi ng bitawan niya ito. 

"Alam mo bang muntikan ng maiwanan ang aking anak?  Ang paborito naming anak.  Pangarap niyang maikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit anong ginawa mo? " putol niya sa kaniyang sinasabi.  Muli niya akong pinandilatan ng mata.  Halos lumuwa na iyon sa sobrang pagkadilat.  "Dumating ka at sinira ang kanilang relasyon. Ano nga ba ang nagustuhan saiyo ng lalaking iyon gayong parehas kayong may espada.  Nakakadiri kayo."  dagdag pa nito.  Nag-iisip ako kung paano ako makakatakas sa sitwasyong ito.  Gusto ko ng makaalis dito.  Gusto kong magsumbong kay Kenjie sa mga kahayupang ginagawa nila saakin. 

"Binabalaan kita." bigla ay sambit niya.  Napatingin naman ako sa kaniyang mukha,  mababakasan doon ang galit at ano mang oras niyang gustohing paslangin ako,  hindi siya mag aalinlangang gawin iyon.    "Layuan mo ang lalaking iyon, at siguraduhing matutuloy ang kasal ng anak ko.  Huwag ka ring magpapakita, dahil sa oras na hindi natuloy ang kasal ng anak ko..."  putol niya sa kaniyang sinasabi. Agad na nanlaki ang aking mga mata, nakaramdam ako ng nginig at takot ng bigla niiyang ilabas ang baril na nakasukbit sa kaniyang suot na pantalon. "Nakikita mo itong baril na hawak ko?"  muling sambit niya,  pinakatitigan ang hawak na baril.  "Kapag hindi ka sumunod sa ating usapan."  hinimas niya pa muna ito at itinutok saakin.  Muli akong napikit sa takot.    "Puputok ito sa puso ng lalaking mahal mo. Naiintindihan mo? " banta nito at doon na nanlaki ang mga mata ko.  Nakaramdam ako ng takot hindi para sa sarili ko.  Kundi para kay Kenjie.

"Sagot!! " bigla ay sigaw nito nataranta naman akong napatungo dahil sa takot. 

"O-Opo...  Opo! "  aligagang sagot ko, natatakot. Ang takot ay binalot ang buong pagkatao ko.  Nanginginig ang mga kalamnan ko.  Hindi ko alam kung anong gagawin ko.  Gusto kong makatakas dito magpagpakalayo layo matuloy lang ang kasal ni Kenjie. 

Bigla ay gusto ko na lang maglaho at bumalik sa mundo ko kung saan ako nararapat.

Naramdaman ko ang pagbukas at sara ng pinto.  Wala na ang Don sa harapan ko.  Napangiti ako ng mapait,  ngayon na pala ang kasal ni Kenjie.  Gusto ko siyang makita sa huling pagkakataon.  Gusto kong muli makita ang busilak nyang ngiti,  kahit hindi ako ang siyang may gawa. 

Gusto kong makitang muli ang kanyang mukha sa huling pagkakataon.  Ang dami kong kagustuhan,  nguni't wala akong kakayahang gawin. 

Bigla ay napayakap na lang ako sa aking sarili,  napangiti ako ng mapait.  Tanggap na ang aking kahahantungan. 

'Kung dito man ako mamatay,  sana pagmulat ko ng aking mga mata,  kapiling ko na si Lola.'  tumulo ang aking luha matapos sabihin iyon.  Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na tumangis. 

Napatigil lamang ako sa pag-iyak ng maymaramdamang kamay ang bumalot saakin.  Yinakap ako nito ng mahigpit.  Ramdam ko ang pagmamahal at init ng kaniyang yakap. 

Bigla ay muli akong napaluha,  mabait parin saakin ang panginoon.  Ibinigay niya parin saakin ang lalaking ito,  hindi ko alam kung ano bang nagawa kong tama para makatanggap ng ganito kabusilak na regalo. 

"Patawad!  Nahuli ako.  Patawad kung nasaktan ka ng ama ko.  Patawad kung hindi agad kita nasaklolohan,  patawad kung naranasan mo ito sa kamay ng aking ama."  humahangos na sambit ni Nathaniel,  muling pumatak ang aking luha,  napakaswerte ko parin dahil may isang Nathaniel na magliligtas saakin.  Napaka swerte ko,  dahil mayroong Nathaniel na nagmamahal saakin. 

Muli akong nakaramdam ng kirot sa aking puso,  bigla ay hiniling ko na sana ay si Nathaniel na lang ang unang minahal ko. Na sana ay si Nathaniel na lang ang siyang una kong nakita.  Sana hindi ako makakaramdam ng ganitong sakit,  kung si Nathaniel ang pinili ko.  Siguro ay masaya ako ngayon. 

Dahan dahan niya akong iniharap sa kaniya,  hinawakan ang magkabila kong pisngi. Kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit, lungkot,  maging ang galit. 

Bigla akong nabuhayan, bigla akong nakaramdam na tila ligtas ako sa bisig ni Nathaniel.  Muli akong humiling,  na sana pagkatapos nito,  si Nathaniel na lang ang piliin ko. 

"Itatakas kita dito."  bigla ay sambit niya,  napatingin ako sa kaniya, napatulala dahil sa sinabi niyang iyon.

  Muli akong nasaktan ng makitang maglandas ang kaniyang mga luha,  doble ang sakit non dahil nakikita kong nasasaktan siya ng dahil saakin.

Dahan dahan niya akong tinayo,  nguni't agad niya rin akong naibaba ng biglang pumasok dito sa loob ang isang lalaki na siyang nagdala saakin dito kagabi.  Agad na nangunot ang noo nito,  bigla ay sumugod siya saamin. 

Agad namang nangga ni Nathaniel ang suntok nito,  mabilis ang pag-atake ni Nathaniel sa lalaking ito.  Suntok tadyak ang inabot nito kay Nathaniel,  muli na naman akong namangha sa galing niyang makipaglaban. 

"Huwag mo nang subukan pang lumaban,  hayaan mong tumakas kami sa lugar na ito." humahangos na sambit ni Nathaniel sa lalaking nakahandusay na sa lupa.  Nguni't sadyang malakas ang kaniyang loob,  tumayo siya at muling sumugod kay Nathaniel. 

Nasanggang muli ni Nathaniel ang pag-atake nito at sabay sabay na suntok naman ang tinamo nito sa kamay ni Nathaniel.

"Huwag mo akong pilitin na paslangin ka,  dahil hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon saiyo,  makatakas lang kami dito."  biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng sabihin iyon ni Nathaniel.  Ako ang natakot para sa lalaki,  dahil sa tono nang pananalita ni Nathaniel ay hindi rin ito magdadalawang isip na gawin iyon. 

Nguni't sadyang hindi nakikinig ang lalaking ito,  muli siyang tumayo at muling sumugod. Nguni't sa pagkakataong ito hindi na siya pinagbigyan pa ni Nathaniel.  Mabilis na umikot si Nathaniel sa likuran ng lalaki,  dimba niya ito dahilan para bumagsak ito sa sahig,  hinawakan ni Nathaniel ang ulo nito at pinilipit.

Rinig ko ang paglagutok ng buto nito,  dahan-dahang bumagsak ang ulo nito,  wala na siyang buhay.  Bigla akong nakaramdam ng takot.  Ngayon lamang ako nakasaksi ng ganito,  harap harapang pinatay ang isang tao.

Nguni't ang takot na iyon ay biglang nawala ng maramdaman ang mahigpit na yakap ni Nathaniel. 

"Hindi mo na kailangang makaramdam pa ng takot, dahil narito na ako.  Hinding hindi kita iiwan."  napapikit ako dahil ang sarap pakinggan ng salitang kaniyang binitawan. Napapikit ako ng maramdaman ang kaniyang labi sa aking noo. 

'Sana ikaw na lang ang minahal ko.  Sana sayo na lang natuon ang atensyon ko.'  sambit ko sa aking isipan.  Gusto ko mang sambitin iyon nguni't hindi ko magawa.  Natatakot ako na baka umasa si Nathaniel.

*BANGG! *

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang malakas na putok ng baril. Napatingin ako sa likuran ni Nathaniel,  agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking siyang nagpaandar ng kalesa kagabi. May hawak itong baril at nakatutok saamin. Bigla akong kinabahan sa putok ng baril na iyon. 

"H-Hindi... H-Hindi maaari...  H-Hindi! "  sigaw ko ng may maramdamang dugo na umagos sa aking kamay. 

"Nathaniel!!"  sigaw ko ng mapagtantong tinamaan ng baril sa likod si Nathaniel. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon