KABANATA 6.

133 10 1
                                    

Agad kong pinunasan ang aking mga luha ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwartong ito.

"Neil! Ayos ka lang ba riyan? Maari bang pumasok? " hindi pa naman ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang pagbukas ng pinto maging ang pagpasok niya. "Ano ang nangyari bakit ganiyan ang posisyon mo ng higa? " takang tanong nito, nagtataka siya marahil sa pusisyon ng aking pagkakahiga. Ang mga binti ko ay nakasukbit parin sa bukana ng bintana. Tumitig naman ako sa kaniya agad ko ring iniwas ang aking paningin ng magtama ang aming mga mata. Bigla ay naupo siya sa tabi ko at saka tumitig din sa kalangitan.

"Hindi ko alam kung bakit ka malungkot. Gusto kong tanungin kung ano ang rason nito, nguni't natatakot ako na baka masamain mo ang pagtatanong ko at sabihan mo pa akong nag-uusisa sa iyong pagkatao. " panimula niya. "Maari bang humiga sa iyong tabi? " imbis na sumagot ay umurong ako upang bigyan siya ng espasyo. Kung ano ang pusisyon ko ay ganon don ang ginawa niya. Itinaas niya ang kaniyang mga binti at saka isinukbit sa bukana ng bintana. Ang parehong braso ay siyang ginawa niyang unan. Ngayon ay nakatitig na rin siya sa kalawakan.

"Kung nalulungkot ka, maaari mo akong sabihan, narito ako makikinig saiyo." muli akong napatitig sa kaniya, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman kung gaano katangos ang ilong niya. Masyadong perpekto ang kaniyang mukha na kahit sa side view ay napakagwapo.

"Huwag mong sanaying pagkatitigan ang aking mukha, baka hanap hanapin mo iyan. Mahirap na." bigla ay nahiya ako sa sinabi niyang iyon. Para sa kaniya ay biro iyon, nguni't para saakin ay napakalakas ng impact non. 'Grabi naman makaramdam ang isang to.'

"H-Hindi naman noh!" pagtanggi ko nguni't natawa lamang siya.

"Gawain mo ba ito?" tanong niya.

"Ang alin? "

"Ang mahiga sa ilalim ng bintana at titigan ang mga bituin?"

"Ahh oo, natutuwa ako kapag may nakikita akong maliliwanag na bituin. Mas lalo akong natutuwa kapag may nakikita rin akong buwan. " sagot ko naman, naramdaman ko ang pagtitig niya saakin, kaya naman tinignan ko rin siya, nagtama ang aming mga mata, ilang minuto din ang itinagal non at siya na ang kusang bumitaw sa pagkakatitig saakin.

"Alam mo ba na ang ingles sa bituin ay star. "

"Star? "

"Oo star, kapag madaming bituin naman ay Stars ang tawag. Dinagdagan lamang ng letrang 'S' sa dulo." nakangiting sagot ko sa tanong nya. Napatitig ako muli sa kaniyang mukha, tutok siya sa pagtitig sa mga bituin.

"Star... Stars kapag marami." nakangiting aniya. Napangiti naman ako dahil sa kainusentihan niya sa English.

"Ang ingles naman sa buwan ay MOON. " pagpapatuloy ko

"Moon, star, stars. Kaygagandang salita."

"Siyang tunay."

"Tignan mo may bumagsak na bulalakaw!" sigaw niya, itinuro ang mabilis na paglaho ng bulalakaw. Muli akong napangiti sa reaksyon niya. Muli na naman siyang namangha.

"Humiling ka! " masiglang aniya natawa naman ako.

"Eh wala na ang bulalakaw eh. Paano pa ako hihiling niyan? " napabuntong hininga siya sa sinabi kong iyon. Muli siyang tumitig sa maliwanag na kalangitan.

"Alam mo bang ang ingles sa bulalakaw ay shooting stars." muling sabi ko, tumitig naman siya saakin ng nakangiti.

"Napakarami mo talagang nalalaman sa salitang ingles. Maaari mo ba akong turuan ng ibang salita? " nasa tono nito ang kagustuhang magkaroon ng kaalaman sa salitang ingles.

Memories Of Pain (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin