KABANATA 8.

134 9 0
                                    

"Wowwwww!!!!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Sobrang ganda! Tinalo ang Boracay maging ang Palawan sa sobrang ganda nito. Napakalinaw ng tubig, at naglalakihang bato at ang mas nagpaganda pa dito ay ang talon. Sobrang ganda, siguro kung maydala lang akong camera ay kanina ko pa ito kinukuhaan ng litrato.

Hindi ako makapaniwalang mayroon ganitong kagandang lugar dito. Nakakamangha.

"Sabi ko saiyo eh, magugustuhan mo ang tanawin dito." pagmamalaki ni Hermano nguni't hindi parin napapawi ang atensyon ko sa aking nakikita.

"Napakaganda! Sobrang ganda ng mga view dito." di parin makapaniwalang sabi ko.

"biyu? " takang tanong naman ni Hermano nguni't di parin napapawi ang atensyon ko sa batis na ito. Tango lamang ang aking naisagot sa kaniya.

Bigla akong nagulat ng mula sa itaas ng talon ay mayroong lalaking tumalon. Ang angas non sa paningin ko. Kahit sa ilalim ng tubig ay makikita mo siya dahil sa sobrang linaw ng tubig. Sinamahan pa ng sikat ng araw kaya lalong lumiwanag ang ilalim. Muli na naman akong namangha, sinundan ng aking mata ang lalaking tumalon mula sa itaas ng talon. Maging ang pag-ahon nito ay aking pinagmasdan. Nguni't ganon na lamang ang aking pagkagulat ng makita ang itsura nito.

Di ko pa man nakikita ang mukha nito dahil sa natatakpan ito ng kaniyang kamay at ng kaniyang buhok, nguni't mahahalata mo dito na isa itong napakagandang lalaki.

Mula sa ulo bumaba ang aking tingin. Agad akong naglaway ng makita ang kagandahan ng katawan nito. Mula sa kanyang Adam's apple pababa ay napaka sexy'ng tignan. Ang malapad din nitong dibdib, ang pausbong na mga abs. Bigla tuloy akong nagutom kailangan ko ng ULAM!!

Lalo pa akong napatulala ng masilayan ko na ang mukha nito. Napaka gwapo nito. Mukha na siyang anghel sa sobrang gwapo. Bigla ko tuloy naisip ang pagtalon niya sa itaas ng talon ay siyang pagkahulog niya sa kalangitan, bumagsak sa batis na ito upang iligtas ako sakaling ako ay malunod.

Mahaba ang kaniyang buhok na lalong ikinadagdag sa kaniyang kagwapuhan. Ang mala anghel niyang mukha ay siyang lalong nagpabagay sa kaniyang buhok.

Siya'y hulog ng langit, mukha siyang anak ni Adan sa sobrang tikas ng katawan at magandang mukha.

'Dis is it pansit! I need ulamm!! ' tili ko sa isip ko. Parang gusto ko atang tumalon na lang bigla sa batis at magkunwaring nalulunod upang ako'y kaniyang sagipin, at magkukunwaring nawalan ng hangin upang bigyan niya ako ng hangin na nagmumula sa kaniyang bibig.

'Waaaaaahhhjj I Like thatttt!!! Muling tili ko sa aking isipan.

Napatigil ako sa pag-imagine ng marinig ko ang matinis na sigaw ni Hermano.

"Kaibigan!! Halika rito!! " kumakaway siya habang sumisigaw. Naroon na siya sa itaas ng talon. Napakabilis niya.

Muli akong napatitig sa anghel na nasa harapan ko. Nakaahon na siya sa batis, matangkad din ito. Magkasing tangkad sila ni Kenjie. Kung titignan mo ang kabuohan nito, isa lang ang masasabi mo. 'MASARAP!! '

Mula ulo hanggang dibdib ulam na. Ibaba mo pa ang tingin mo sa kaniyang tiyan, mauuhaw kana. At ang pinakamasarap tignan sa lahat. Ang V line nito.

'Sheeettt!!! Kukunin naba ako ng langit? Eto na ba ang sundo ko? Lord! Sasama na ako!!!' napapikit pa ako sa kilig ng isigaw ko iyan sa saking isip.

Nguni't ang kilig na naramdaman ko ay napalitan ng hiya ng biglang magsalubong ang kilay nito. Ang pares ng kaniyang mata ay nakatitig saakin. Pinag-mamasdan ang aking kabuohan. Tulo'y ay hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya. Sobrang hiya ang nararamdaman ko. Bigla ay na conscious ako dahil sa tagal ng pagkakatitig nito.

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now