KABANATA 18.

124 10 0
                                    

Muli na naman akong namangha ng masilayan ang ganda ng batis na ito.  Maging ang talon ay walang pinagbago.  Mabilis na hinanap ng aking mata si Hermano na bigla na lamang nawala. 

Nguni't agad din akong napangiti ng makita na naman itong kumakaway sa ilalim ng puno ng mangga.   Kaya naman dali dali akong nagtungo doon, nguni't biglang nanlaki ang mga mata ko ng matapilok ako sa malaking ugat ng puno. 

Napapikit ako sa gulat at hinayaan na lamang ang sariling madapa.  Nguni't ganon na lamang ang aking pagtataka ng maramdamang hindi lumapat ang katawan ko sa lupa.  Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagtatakang napatingin sa taong nagligtas saakin mula sa pagkakadapa.  Nasilaw ako sa liwanag liwanag  kaya naman kinakailangan ko pang takpan ang aking noo para lamang mabawasan ang liwanag na nagmumula sa kalangitan.

"Ayos ka lang ba? "  tanong nito saakin,  agad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.  Hindi ko inaasahan na makikita kong muli siya rito. Tumango naman ako bilang pagtugon, busy ako sa katititig sa kaniyang mga mata.  Napakaganda nito.  Dahan dahan niya naman akong itinayo at muling tinanong kung ayos lang ba ako. 

"A-Ayos lang ako.  Salamat. " utal na sabi ko,  hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin,  ganoon din siya. 

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito sa batis? "  tanong naman nito.

"Maliligo, kasama ko si Hermano." tugon ko sa tanong niya.  "Ikaw?  Ano ang iyong ginagawa dito?  Mayroon ka bang kasama? " balik na tanong ko rito. Nakangiti naman siyang sumagot.

"Kasama ko ang aking nakababatang kapatid."

"Ahh...  Ma~"  hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Kenjie sa likod.  Hindi ko napansin na sumunod pala ito. 

"Naistorbo ko ba ang inyong pag-uusap?"  tanong nito,  muli ay nasa akin ang paningin.   'Hinde!  Magsasalita pa nga lang ako sumabat kana.'

"Hindi naman.  Masyado. " tugon ko,  kumunot naman ang noo nito.  Hindi ko na lang siya pinansin at muli na lamang humarap kay Nathaniel.

"Nasaan na nga ba tayo? "  tanong ko kay Nathaniel,  nguni't si Kenjie naman ang sumagot sa tanong ko. 

"Narito tayo sa Batis,  kaya maaari bang makiraan?  Kung gusto niyong mag-usap,  libre ang gilid ng daan."  sarkastikong sabat pa nito.  Hindi ko na naman alam kung anong uri ang sumapi sa lalaking ito, kung bakit nagkakaganito na naman. 

Hindi ko akalain na sa mabait na Kenjie ako nag-umpisa.  Kaya naman parang naninibago pa ako sa mga iniaasta nito.  Wala na akong nagawa pa kundi ang tumabi kay Nathaniel at titigan siyang dumaan. Pinagmasdan ko  na lamang ang kaniyang likuran.  Natatawang nilingon ko si Nathaniel na ngayon ay nakatingin na saakin. 

"Anong nangyari don? "  takang tanong ko at nag kibit balikat lamang siya.  Hindi na namin naituloy pa ang naudlot naming pag-uusap nang mag-umpisa na kaming maglakad papunta sa kinaroroonan nila Hermano. 

"Dictoria! Ano ang ginagawa mo rito? "  bigla akong nagulat natapos sumigaw ni Nathaniel,  napatingin naman ako doon sa babaeng kasama ni Hermano.  Hindi na makatingin ng diretso ang dalawa,  natakot bigla kay Nathaniel. 

"Tumakas ka na naman!  At sino itong lalaking ito? "  bigla ay sinugod niya si Hermano at hinawakan ito sa damit.

"K-Kuya!  Pakiusap,  huwag mong sasaktan si Hermano."  muli kong pinakatitigan ang babaeng tumawag na kuya kay Nathaniel.  Tila namumukhaan ko ito,  parang nagkita na kami dati. 

Inisip ko iyon ng inisip hanggang sa maalala ko na kung saan kami huling nagkita. 

"Ikaw! Oo ikaw! Diba ikaw ung kasama nung babaeng bruhilda? "  turo ko sa babaeng iyon,  nagtataka naman itong tumingin saakin. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now