KABANATA 19

123 10 0
                                    

Matapos ang aming kwentuhan ay napagpasiyahan na naming maligo.  Muli akong ibinida ni Hermano sa kakayahan ko kunong umikot sa ere.  Kaya naman nag request itong si Dictoria na kung maaari daw ay gusto niya rin itong makita.  

Kaya naman pumunta ako sa itaas ng talon,  malapit sa kinaroroonan ni Kenjie. Naagaw ko naman ang tingin nito,  nginitian pa ako nguni't hindi ko naman ito pinansin. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa dulo ng lupa.  Tumalikod ako sa gawi nila,  at inihanda ang aking sarili sa pagtalon.  Nguni't ganon na lamang ang takot ko ng bigla ay gumuho ang kinatatayuan kong lupa.  Kaya naman bigla akong nahulog.

Narinig ko pa ang sigaw nilang lahat, habang nasa ere ay ibinalanse ko ang aking sarili upang hindi mapasama ang pagbagsak ko sa tubig. Narinig ko naman ang magkasabay na pagtalon ni Nathaniel at ni Kenjie.

Maayos kong naibalanse ang aking katawan kaya naman maayos akong nahulog sa tubig.  Nguni't ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang mga mata ni Kenjie sa ilalim ng tubig.  Hinawakan nito amg aking braso at hinila papunta sa tabi niya.  Nguni't agad din akong napatigil ng may humigit naman sa kabila kong braso.  Pinakagtitigan ko ang kamay ni Nathaniel habang nakahawak sa aking braso.  Patuloy na naghigitan ang dalawa at nasasaktan na ako.  Kaya naman ay pwersahan kong hinigit ang aking braso mula sa pagkakahawak ng dalawa. 

"Ayos ka lang ba? "  sabay na tanong ng dalawa matapos makahigop ng preskong hangin.   Pero imbis na sumagot ay galit kong tinignan ang dalawa. 

"Ayos lang ako,  pero muntikan na akong mamatay dahil sa ginawa niyong paghigit higit sa braso ko.  Hindi iyan lubid para hilahilain nyo.  Mga pashnea kayo!"  singhal ko sa dalawa.  Napatungo naman si Nathaniel habang si Kenjie naman ay kakamot kamot sa kaniyang ulo.  Mabilis akong lumangoy paahon at muling umakyat sa tuktok ng talon. 

"Ano magpapakamatay kana ba? "  bigla ay pigil saakin ni Kenjie.  Hindi ko alam kung paano niyang nagawang makaakyat ng ganon kabilis at nagawa niyang maabutan ako.

"At bakit ko naman gagawin iyon? "  inis na tanong ko sa kaniya. Umigting naman ang panga nito at iiling iling na umupo sa malaking bato. 

Agad akong nakaisip ng ibang trick.  Lumayo ako sa talon at nagtungo sa patag na lupa.  At doon ay nagtatalon talon.  Hinahanda ang aking sarili sa pagtabling

Mabilis akong tumakbo at swabeng tumalon sa dulo ng talon,  swabe ang aking pag-ikot maging ang aking paglapag sa tubig.  Narinig ko ang hiyaw at palakpak ni Hermano at Dictoria. Kitang kita ko ang pagkamangha nito.  Nguni't naagaw ng atensyon ko ang pagtayo ni Nathaniel sa itaas ng talon.  Nakatingin ito saakin at biglang kumindat. 

Tumakbo siya sa kaninang pinanggalingan ko,  nagtatalon talon at maya maya lang ay,  tumalon at umikot sa ere.  Bigla akong napanganga sa ginawa niyang iyon.

Hindi ko alam na marunong pala siya non.  Muling naghiyawan sina Dictoria at Hermano dahil sa pagkamangha.   Nang makaahon na si Nathaniel ay mabilis akong lumangoy sa gawi niya.  Namamangha ako sa ginawa niyang iyon. 

"P-Paano mo natutunan iyon? "  namamanghang tanong ko sa kaniya,  agad namang bumalatay ang ngisi sa kaniyang labi. 

"Lahat ng bagay kayang pag-aralan."  nakangising sagot nito,  malayo sa tanong ko.

"Paano mo nga natutunan? "  nakangusong tanong ko.  Natawa naman ito at saka ginulo ang buhok ko.

"Nakita kitang ginawa iyon,  sa aking natatandaan,  iyon ang kaunaunahang pagkikita nating dalawa. At iyon din ang araw na nakita kitang ginawa iyon.  Namangha ako sa ginawa mo kaya naman pinag-aralan ko iyon."  kwento naman nito,  muli akong natulala sa sinabi niya. Napaka talented ng lalaking ito.  Totoong
bagay na bagay sa kaniya ang pangalan nya.  Bukod sa mukha siyang anghel,  pinagkalooban naman ito ng kakaibang talento.  Nakakamangha ang lalaking ito. 

"Si Kenjie tatalon din! "  bigla akong napatingin sa itaas ng talon.  Hindi ko nakita si Kenjie nguni't nagulat ako sa ginawa nito.  Tumakbo siya at saka tumalon at umikot din sa ere.  Kahit isang ikot lang ang ginawa niya ay napaka swabeng tignan non.  Nakakamangha,  bigla ay gusto ko siyang lapitan at tanungin kung saan niya ito natutunan.  Ang kaso,  hindi parin pala ako handang kausapin siya sa ngayon. 

Hinanap ng aking mata si Kenjie,  ang tagal nitong umahon kaya naman umikot ikot pa ako para hanapin ito.  Nguni't ganon na lamang ang gulat ko nang marinig ko ang boses nito sa likuran ko.

"Maayos ba?"  nakangising tanong nito.  Humarap ako sa kanya at ayon na naman ang nagagandahang mga ngipin niya.  Hinanap ng paningin ko si Nathaniel at ayon na siya nakaahon na sa batis. 

"Bakit hindi mo rin ako purihin gaya ng pagpuri mo sa lalaking iyon."  dagdag pa nito,  nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito. 

"At bakit naman kita pupurihin?" 

"Dahil magaling ako.  Ngayon ko lamang iyon nasaksihan nguni't nagawa ko kaagad.  Hindi ba magaling iyon? "  pagmamayabang nito, hindi ako makapaniwala na mayroon pa palang ganitong katangian si Kenjie.  Tuloy ay napaisip ako,  hindi ko pa ata lubos na kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Ayos lang sakin na hindi mo ako purihin,  ayos lang din saakin na huwag mo nang sabihin.  Dahil mas naniniwala ako sa nakikita ko saiyong mga mata."  Dagdag pa nito at saka ako iniwanan.  Lumangoy soya papalayo at saka umahon. 

Sa sobrang pagkalito ko ay inilubog ko ang aking sarili sa tubig.  Nakapikit kong hinayaan ang aking sarili na pumaibaba sa ilalim ng tubig. Hindi ako nagpapakamatay o nagpapakalunod,  gawain ko na ito dati pa.  Ganito ako minsan kapag gulong gulo ang aking isipan.  O di kaya ay may gusto akong kalimutan.

Napatigil ako sa pagrerelax ng biglang may dalawang kamay ang humawak sa magkabila kong pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang nag-aalalang mukha ni Kenjie.  Bigla ay idinampi niya ang kaniyang labi saakin at sinalinan ako ng hangin.  Nakapikit na ito ngayon, damang dama ko ang lambot ng kaniyang labi.  Ang labi niyang iyon ay tila inaakit ang ako,  kahit dampi lang iyon ay malakas na ang tama para saakin.  Bigla akong nakaramdam ng mas higit pa roon.  Kaya naman hindi ko akalain na magagawa kong gantihan ang halik niyang iyon.

Nagulat pa ako ng gayahin niya ang ginawa ko.  Iminulat ko ang aking mga mata,  agad na nagsalubong ang aming tingin.  Mababasa mo sa mga mta nito ang pagkapusok.  Kaya bago pa man mayroong mangyari sa pagitan namin ni Kenjie ay umahon na ako at saka uubo ubong lumanghap ng hangin.  Matapos non ay inilibot ko ang aking paningin,  natatakot na baka ay may makakita saamin.  Agad akong nakahinga ng maluwag ng makitang walang tao sa paligid.  Nakita ko ang pag-ahon ni Kenjie sa tubig.  Agad na nagtama ang aming paningin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan,  nakaramdam ako ng init sa aking katawan.  Kakaiba ang dulot ng pagkakahalik na iyon ni Kenjie.  Nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. 

Bago pa man ako mawalan ng ulirat ay ako na ang kusang umiwas ng tingin.  Nagpatuloy na ako sa paglangoy at agad sing umahon. 

"Ano ang nangyari,  bakit tila hinahapo ka ginoo? "  biglang tanong ni Dictoria ng mapansin nitong naghahabol ako ng hininga.

"W-Wala ito,  sumisid lamang ako sa ilalim ng tubig."  sagot ko naman sa kaniya,  agad kong iniwas ang aking tingin ng muling magsalubong ang tingin namin ni Kenjie. 

"Sa sobrang galing niyang sumisid,  pati ang hindi dapat sinisisid,  ay nasisid niya.  Hindi ba Neil?"  makahulugang sabi ni Kenjie,  lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya,  hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Ano ang ibig mong sabihin ginoong Kenjie? "  tanong ni Dictoria,  nguni't ngisi lamang ang isinagot nito.  Bigla ay gusto ko na lamang magpalamon sa kinasasadakan ko ngayon.  Nahihiya ako sa sarili maging kay Kenjie.  Naiinis din ako dahil bakit kailangang gumanti ako sa pagkakahalik niya.  Masyado akong nababaliw sa kakaisip sa kung ano ano.  Gusto ko na lamang muling tumalon sa batis at muling sumisid.  Gusto kong kalimutan ang nangyaring iyon.  Nguni't bigla akong napaisip.  Kung gagawin ko iyon ay lalo ko lamang itong maaalala. 

'Gulo ito! ' 

Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa tabi ni Hermano.  Hinayaan ang sarili na kalimutan ang nangyari kahit imposible.

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now