KABANATA 17.

120 9 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ay nanatili parin ako sa bahay nila Hermano.  Nahihiya na rin ako sa kanila,  kahit na sabihin nilang ayos lang sa kanila na dito muna ako tumuloy, wala rin silang nagawa pa kundi ang hayaan na lang ako. Naghabilin pa ito na kung sakaling magbago ang isip ko ay huwag akong mahihiyang pumunta sa kanila,  bukas ang kanilang tahanan para saakin.  Hindi ko na alam kung paano sila papasalamatan sa sobrang kabaitang ipinapakita nila saakin.

Hindi na rin nagbusisi si Hermano kung ano ang nangyari saakin nung araw na iyon,  ang mahalaga na lang daw sa kaniya ay ligtas at magaling na ako. 

Ngayon ay kasama ko si Hermano papunta sa Kainan, gusto kong magpasalamat at magpaalam ng personal kay Tiya Rosario. 

Mula dito sa kinatatayuan ko,  nakikita ko na agad ang kainan.  Nagtaka naman ako dahil hindi ako sanay sa nakikita ko rito.  Kakaunti ang kumakain,  hindi gaya noong panahong nandoon ako.

Muling bumilis ang tibok ng puso ko,  bigla ay umurong ang lakas ng loob ko. 

'Bakit ka naman mawawalan ng lakas ng loob?  Si Tiya Rosario ang pinunta mo dito hindi ang ibang tao."

Nakayukong nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ng tiya.  Pero agad din akong napatigil ng mapansin ako ni Melinda. Agad itong lumapit saakin at hinawakan ang aking kamay,  ganoon din si Ago.  Naging masigla ang mga mukha nito ng nakita ako,  bigla akong napangisi sa kaplastikan ng dalawang ito.

"Mabuti ay nagbalik kana,  simula noong nawala ka umonti ang mga kumakain,  iniisip ko pa nga na baka ikaw talaga ang swerte sa Kainan."  sabi ni Melinda tinignan ko lamang ito at mabilis ding binawi at itinuon naman kay Ago.

"Siya'ng tunay,  mahina ang kita ng kainan matapos mong mawala ng ilang araw.  Babalik kana ba?  Tiyak na dadami ang kita ng Kainan kapag bumalik ka ulit."  biglang nag-init ang ulo ko sa pakikitungo ng dalawang ito.  Napaplastikan ako sa pinapakita nila.  Hinawi ko ang pagkakawak ni Melinda sa aking kamay,  gulat naman itong tumingin saakin.

"Ayokong maging makasarili,  pero kung kayo lang din naman ang taong makakasalamuha ko araw-araw.  Mas gugustuhin ko pang maghanap ng ibang trabaho kaysa makipagplastikan sa inyong dalawa."  inis na sabi ko sa dalawang ito.  Naiinis ako sa kanila dahil ang plastik nila,  bakit noong araw  na may nangyari saakin nasaan sila?  Nandoon sila malapit sa kahera nakatayo,  masama  ang tingin saakin.  Tapos ngayon lalapit sila saakin,  maganda na ang pakikitungo?  'kingina ba nila? '

Hinayaan ko na lang sila,  ayoko ng magbitaw pa ng salita baka kung anong masasakit pa ang masabi ko mahirap na.

Napansin naman ng Tiya ang presenya ko,  malungkot itong tumitig saakin,  ibang lungkot ang nakikita ko rito.  Kaya naman lumapit ako sa kaniya at yumakap. Tumulo ang luha ko ng maramdaman ang init ng yakap nito. 

"Tahan na,  lalo lamang akong nalulungkot kapag nakikita kitang tumatangis.  Tahan na."  pag-alo ng tiya saakin habang hinahagod ang aking likuran.  Inakay naman niya ako palayo sa Kainan. Umupo kami sa ugat ng malaking puno,  maganda ang panahon ngayon maaliwalas masarap ang ihip ng hangin.

"Tumahan kana."  muling alo pa nito pinahid ko naman ang aking mga mata. 

"Naparito po ako para magpaalam sainyo."  malungkot na sabi ko at natigilan naman siya nguni't agad din naman siyang ngumiti,  pero ang mga mata ay malulungkot

"Babalik kana ba sa iyong panahon iho? " bigla ay natigilan ako sa sinabing iyon ng tiya,  napatitig ako sa kaniya,  hindi nakapagsalita hindi makapaniwala. 

"A-Ano pong sinasabi niyo tiya?  Hehe."  utal na tanggi ko,  hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon din. 

"Huwag mo nang ipagkaila pa, sa una palang ay alam ko na,  at alam na din iyon ni Rosalia." muli akong napatitig kay tiya, 

"P-Paano niyo po n-nalaman? "  utal muling tanong ko.  Bumuntong hininga naman ang tiya bago muling nagsalita

"May taglay kami na makaramdam."  iyon pa lamang ang sinabi ng Tiya ay alam kong nagsasabi ito ng totoo.  "Kaya kong makaramdam ng paligid,  nakikita ko sa aking isip ang mga pinagmulan ng mga bagay at isa naron ang dahilan kung bakit nalaman kong hindi ka taga rito.  Ang Tiya Rosalia mo naman ay may kakahayang magbasa ng isip ng tao."  hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,  kaya pala ganon na lamang ang pagtataka ko noong unang beses kong pumunta sa bahay nila Hermano,  kaya pala parang nabasa ng tiya ang nasa isip ko,  dahil ka niya pala talaga iyon.  Naghalo ang mangha at gulat sa loob loob ko.

"At nasabi rin saakin ni Rosalia na mayroon kang pagtingin sa aking anak na si Kenjie.  Hindi ako tutol dito,  nguni't gusto lamang kitang balaan iho.  Manganganib ang buhay mo,  kaya maaaring bumalik kana sa aming tahanan.  Doon ay ligtas ka sa kapahamakan." hindi ko na alam ang gagawin ko sa pagkakataong ito. Naguguluhan ako. Maraming tanong ang sumasagi sa isip ko,  nguni't ang mga tanong ding iyon ay kaya ko ring sagutin. "Kaya iho,  ako na ang nagsasabi saiyo,  bumalik kana sa bahay. "  dagdag pa nito,  napakurap ako. 

"P-Paano po si Kenjie? "  nahihiyang tanong ko.  Kahit alam na ng tiya ang nararamdaman ko,  hindi ko parin maiwasang hindi mahiya dito.   Ngumiti naman ito ng malawak.  Kaya nagtaka ako.

"Si Kenjie ba kamo?  Wala iyong kaso sa kaniya,  nakita ko ang ginawa niya saiyo,  nguni't ako na ang nagsasabi saiyo.  Hindi niya iyon sinasadya.  At alam mo bang,  simula noong umalis ka at hindi ka niya nakikita.  Buong araw itong walang imik.  Ayoko mang isipin na may nararamdaman din ang aking anak saiyo.  Pero ang nararamdaman niyong dalawa ay mali.  Alam kong alam mo iyon iho."  Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabing iyon ng tiya,  pero Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko,  may parte sa puso ko ang kiniliti,  nguni't may parte rin sa puso ko ang nalulungkot.

Matapos ang napag-usapan naming iyon ng tiya ay napagdisisyonan ko na lamang na bumalik sa kanila ayon din sa kaniyang kagustuhan.  Hindi ko alam kung anong panganib ang mangyayari saakin kaya mas maganda sigurong manatili ako sa tahanan nila Tiya Rosario.  Buong magdamag kong inisip ang lahat ng pinag-usapan namin ng tiya. Kasalukuyan ako ngayong nakahiga sa ilalim ng bintana. Narito na ako sa dati kong silid.  Namiss ko ang lahat ng alalang meron ako dito kaya naman halos halikan ko ang buong kwartong ito maging ang sofa na hinihigaan ko.  Nag suhestyon pa ngang papalitan ng tiya ang sofa ko ngunit tumanggi naman ako.  Kontento na ako sa sofang ito. At isa pa,  hindi naman ako madalas matulog doon dahil dito ako natutulog sa ilalim ng bintana. 

At gaya ng ginagawa ko noon, nakatulugan ko na naman ang pagtingin sa kalangitan.

KINABUKASAN...

"Nais mo bang sumama saakin sa batis? " 
Naitigil ko ang aking pag-iisip ng biglang nagsalita si Hermano. 

"Tara sa batis! " masiglang tugon ko.  Lumawak naman ang pagkakangiti nito. 

"Tara na, naghihintay na roon ang aking sinisinta."  nagmamadaling sabi pa nito habang nag eenjoy sa paghila sa aking braso. Nguni't  agad din kaming napatigil ng biglang magsalita si Kenjie.

"Sandali!  Maaari ba akong sumama? "  tanong nito, nasa akin ang paningin.  Agad ko ring iniwas ang mata ko sa kaniya.  Ayokong mahulog muli sa mga mata niyang iyon. 

"Siya! Dalian mo na!  Ayokong pinaghihintay ang aking binibini."  sigaw ni Hermano nguni't agad din nangunot ang noo nito ng pisilin ko ng mahigpit ang kaniyang ilong.

"Ayaw mong pinaghihintay ang jowa mo doon,  tapos siya ang laging pinapauna mo sa tuwing magtatagpo kayo.  Wag nga ako Hermano! "  singhal ko rito at sumimangot naman ang mukha nito.

"Ano naman ang salitang Jowa? " takang tanong pa nito, natawa naman ako. 

"Jowa isang salitang kalye na kung saan ang ibig sabihin ay syota  o sinisinta sa malalim na tagalog."  nangunot naman ang noo nito nguni't natawa din.  Biglang umusbong ang nakakalokong ngisi sa labi nito.

"Ahh sa ating dalawa ikaw lang naman ang walang Jowa." pang-aasar nito,  bigla ay uminit ang ulo ko sa sinabi niyang iyon.  Kita ko naman ang pagtawa niya kaya naman mabilis akong kumilos upang habulin siya.  Takbo kami ng takbo hanggang sa marating namin ang batis nang hindi namamalayan. 

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now