KABANATA 20.

140 10 2
                                    

"Eto kainin mo iyan.  Masarap yan." napalingon ako sa dalawa ng bigla nilang iabot saakin ang magkaibang prutas.  Taka ko naman itong tinignan, si Kenjie ay mayroong hawak na dragon fruit. Habang si Nathaniel naman ay mayroong hawak na ponkan. 

Hindi ko alam kung paano kainin ang dragon fruit ni Kenjie kaya naman kinuha ko na lamang ang ponkan na hawak ni Nathaniel. Agad namang lumawak ang pagkakangiti nito saakin,  nguni't nang dumako ang kaniyang tingin kay Kenjie ay ngumisi ito.  Nasaksihan ko naman kung paano nagpalit ang emosyon ni Kenjie.  Ang kaninang nakangiti, ngayon ay inis na nakaititig kay Nathaniel. 

Hindi ko na lamang siya pinansin pa,  dahil baka maunggkat na naman ng aking ala-ala ang nangyari kanina.  Mahirap na.

"Ginoong Neil!  Hindi mo pa nagagawa ang aking hinihiling.  Ipinagmalaki mo pa naman saamin na nanalo ka sa paglisahan sa pag-awit."  biglang sabi ni Dictoria,  hindi ko alam kung gagawin ko pa ba o hindi.  Nako conscious kasi ako kay Nathaniel at Kenjie dahil sa mga titigan nito.  Tila nagpapaligsahan ang dalawa.  Ayoko mang bigyan ng meaning pero nagkukusa ang isip ko.  Kaya naman napagdisisyunan ko na lamang na huwag nang kumanta. 

"Sa susunod na araw na lang Dictoria."  tanggi ko at nalungkot naman ang mukha nito. 

"Hindi ko alam kung mauulit pa itong pagsasama sama natin,  dahil nakapag-usap na kami ni Hermano,  dahil gaya ng sinabi mo,  kailangan din muna naming dumistansya sa isa't-isa."  sa sinabing iyon ni Dictoria ay napangiti ako.  Hindi ko akalaing mapapasunod ko ang dalawang ito. 

"Nagagalak ako na kaya niyong gawin ang pinapagawa ko,  kaya naman dahil sa ginawa nyong iyon,  kakantahan ko kayo." nakangiting sabi ko,  agad namang napalitan ng saya ang lungkot na kanina ay aking nakikita.  Nag-isip ako ng maaaring kantahin,  hanggang sa sumagi sa isip ko ang kantang 'Kahit na anong sabihin ng iba.'  nakangiti akong tumayo sa malaking bato na kinauupuan ko.  Umayos naman ng upo sina Dictoria at Hermano.  Maging sina Nathaniel at Kenjie ay nagtatakang pinagmasdan ako.  Gamit ang isang patpat, ay ito ang nahing microphone ko. 

🎶 🎶 Ang dami nilang sinasabi,  malapit na nga akong mabingi,  sa mga napupuna nila... At nakakasawa din pala. 🎶 🎶

Panimulang kanta ko, agad ko namang narinig ang pagkahang ng dalawang bata saaking boses. 

🎶 🎶 Sabi sabi nila na hindi tayo magtatagal,  kesyo ganto,  kesyo ganyan,  sa una lang daw tayo masayaa.... 🎶 🎶 aking ipinikit ang aking mga mata. Ninamnam ang lyrics ng kanta. 

🎶 🎶  Ahaaa...  Ahaa...  Ahaa...  Wala tayong magagawa.  Aha...  Ahaa...  Aha.. Tawanan na lang natin~ kahit na anong sabihin ng iba~~ pangako ko sa'yo na walang mag-iiba~~ walaa..  Walang magdidikta, sa nadarama~~ kahit na anong sabihin ng iba.~~mahal kita.~~ 🎶 🎶   pagtatapos ko sa kantang iyon.  Dahan dahan kong imunulat ang aking mga mata.  Nguni't nabigla ako ng si Kenjie ang una kong nakita.  Malamlam ang kaniyang mata. Tila nagsasabi na nalulungkot siya. 

Umalis ako sa batong kinatatayuan ko kanina at pumalakpak naman ang dalawang bata.  Natawa pa ako dahil amaze na amaze talaga ang itsura nito.

"Hindi ko akalain na tunay  na maganda ang iyong tinig ginoong Neil.  Nararapat lang na ikaw ang nanalo sa patimpalak na iyong sinalihan. Napaka husay mo! " papuri ni Dictoria,  bigla ay nahiya ako at na-conscious nang maramdaman ang titig nila Nathaniel at Kenjie saakin.  Hindi man nila sabihing humanga sila sa boses ko,  ay siya namang sinasabi ng mga mata nito.

Masaya kaming nagkwentuhan,  nguni't ang mas ikinatataka ko ang balikan ng masasamang tingin nila Kenjie at Nathaniel.  Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa kung bakit ganoon na lamang sila kung magbalikan ng masasamang tingin.

Memories Of Pain (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu