KABANATA 16

113 8 0
                                    

"Hindi ko alam kung paano pahuhupain ang sakit na nararamdaman mo, nguni't asahan mong lagi akong narito sa tabi mo kailangan mo man o hindi. Darating ako." muling bumuhos ang aking luha sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging papel ng lalaking ito sa buhay ko. Pero masaya ako sa narinig ko. Sinsero ang pagkakasabi niya nito. Sa loob loob ko ay napangiti ako. Pero kahit ganon hindi parin gumiginhawa ang sakit na nararamdaman ko.

Kasabay ng pagtila ng ulan, ang siyang pagtila ng aking mga luha. Nararamdaman ko na ang kati ng aking balat, maging ang hapdi ng aking mga sugat.

Dahil sa nangyaring iyon, panandaliang nagsara ang Kainan. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan, nguni't sa nakikita ng kasamahan ko, tila ako ang kanilang sinisisi.

Muli kong pinahiran ang aking mga mata, bigla ay napatitig ako kay Nathaniel, nakasuot ito ng apron gaya ko. Bagay iyon sa kaniya, nagmukha parin siyang anghel kahit ganoon ang itsura. Napangiti ako, siya pala ang bagong nagtatrabaho dito sa kainan. Malapit ko na sanang isipin na baka sinusundan niya ako kaya siya naparito.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo, inalok naman ako ng Nathaniel nguni't hindi ko iyon tinanggap. Ayokong humingi ng tulong sa iba ngayon. Gusto kong kalimutan ang nangyari nang ako lang.

Naglakad lakad ako kung saan saan. Hindi alintana ang putik sa aking paahan. Para akong isang palaboy, na walang tirahan, walang masisilungan, walang malalapitan. Natawa pa ako ng sumagi sa isip ko ang kanta ng Aegis.

Muling bumagsak ang napakalakas na ulan, hindi ako tumigil sa paglalakad, hinayaan ko lang na muli akong mabasa ng ulan. Ang ulan na rin ang naglinis sa madumi kong katawan, tanging ang paa ko na lamang ang madumi dahil sa putik na aking nilalakaran.

Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon, at doon ko lang napagtanto na narito na ako sa bayan ng Serbaño. Muli kong nakita ang parke na siyang pinuntahan ko kahapon matapos akong dedmahin ni Kenjie. Muli akong umupo sa duyan, nakatulala habang dinuduyan ang sarili.

Biglang pumasok sa isip ko si Kenjie, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa babaeng iyon. Napaka plastik, daig pa ang mga mean girls sa school maging sa mga storyang aking nababasa.

Muling nanumbalik sa ala-ala ko ang masamang titig ni Kenjie. Maging ang paghawak nito sa braso ko, pinakatitigan ko ang braso kong iyon. Bakat ang kamay niyang bumaon sa braso ko. May mga gasgas din ako sa katawan dahil sa pagtulak niya saakin. Hindi ko akalain na kayang gawin ng isang Kenjie iyon. Akala ko ang Kenjie na iyon ay maginoo, hindi ko akalain na kaya siyang bulagin sa maling katotohanan na kanyang nakikita.

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko, muling nanumbalik sa pagtulo ang aking nga luha, nguni't sa pagkakataong ito may kasama nang hikbi.

Biglang nanlabo ang aking mga mata,
Nanginig ang aking katawan, hindi ko maigalaw. Saka ko lang napagtanto, bawal nga pala akong maulanan. Muling umagos ang aking luha kasabay ng sakit na nararamdaman ko, bigla akong nahulog sa duyan at hindi makagalaw. Inaatake na ako ng sakit ko.

Ramdam ko na rin ang init sa buong katawan ko. Pakiramdam ko ay kukumbulsyunin na ako. Sobrang awa ang naramdaman ko para sa sarili ko. Mamamatay na akong mag-isa sa parkeng ito. Mamamatay akong mag-isa at walang makakakita. Napapikit na lamang ako ng aking mga mata, hinayaang lamunin ng sakit ang aking katawan.

Bigla ay napangiti ako ng mapait. Di ko akalain na sa ganitong uri na ako mamatay. May narinig akong boses sa di kalayuan, bigla ay naramdaman ko ang paglutang ng aking katawan. Tinatawag nito ang aking pangalan. Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinasabi ng bigla akong mawalan ng malay.

'Napakabait parin ng panginoon saakin.'

Iminulat ko ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin. Kahit nanlalabo ang paningin ay pinag-aaralan ko ang nasa paligid ko. Napatingin ako sa kanang side ng kinahihigaan ko. Nakita ko si Hermano na nakatungong natutulog doon.

Memories Of Pain (COMPLETED) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें