WAKAS

262 15 7
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata, agad itong tumama sa kulay puting kisame. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag ng paligid.

Mayroon akong naririnig na nagsasalita, mayroon din akong nararamdamang humawak sa aking kamay tila sinusuri ang aking kalagayan.

Muli kong iminulat ang aking mga mata, unti-unti ay nasasanay na ako sa liwanag. Inilibot ko ang aking paningin, mula sa gilid ko sa parteng kanan, nahagip ng aking paningin ang nakangiting mukha ni Hermano. Nanguno't ang aking noo ng makita ang kasuotan nito.

'Bakit tila kakaiba ang kaniyang pananamit?' tanong ko sa aking isip, nguni't maging ito ay hindi rin alam ang sagot.

Muli kong iginala ang aking paningin, dumako naman ito sa kaliwang bahagi ng aking kamay. Ganon na lamang ang gulat ko ng makita si Nathaniel lumuluha ang kaniyang mga mata habang hawak hawak ang aking kaliwang kamay.

Napangiti ako ng makita ko siya, sobra akong nagpapasalamat dahil buhay siya. Muli kong inilibot ang aking paningin. Agad na kumirot ang aking dibdib ng hindi makita si Kenjie. Agad na nangilid ang luha sa aking mga mata.

'Huwag ka ng umasa pa na dadating siya, kasal na siya kay Gavriela.' pangungumbinsi ko sa aking sarili.

'Gusto kong itanong sa kanila, baka sakaling dumalaw ito kanina hindi niya lamang ako naabutan. ' agad na lumiwanag ang aking mukha dahil sa aking naisip. Kahit nahihirapan ay sinubukan kong umupo, agad namang umalalay saakin si Nathaniel. Kakaibang saya ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.

"Thank God! You're awake!" aniya habang lumuluha ang parehong mga mata. Napangiti ako.

"D-Duma... D-Dumalaw ba d-dito si K-Kenjie? " paos na sambit ko. Agad namang nangunot ang kaniyang noo, hindi naunawaan ang aking sinabi.

"Kenjie? Sino si Kenjie? " takang tanong ni Nathaniel, nangunot din ang aking noo.
"Si K-Kenjie, anak ni T-tiya Rosario. " muling nangunot ang kaniyang noo, bigla ay ngumiti siya.

"I don't know who he is, and I don't know Who's Tiya Rosario is. But the most important to me is, you're awake." sambit niya na lalong ikinakunot ng aking noo.

"Ako ba'y pinagloloko mo Nathaniel? " inis na sabi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya. Agad niyang hinawakan ang aking kamay at marahan itong hinaplos.

"Babe! I am not Nathaniel, I am Khalil, your boyfriend. So please stop mentioning that names ok? Baka panaginip mo lang iyan." ako naman ang nanlaki ang mga mata. Hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Maging kay Hermano na ngayon ay nakakunot na rin ang noo, hindi rin nauubawaan ang aking sinasabi.

"Hermano! Hindi mo kilala si Kenjie?" baling ko dito, umiling naman ito. "My god!! Bakit kayo ganyan? " naguguluhang sambit ko, muli kong pinakatitigan si Nathaniel, at ganon na lamang ang aking pagkagulat,

'H-Hindi maaari! ' sigaw ko sa isip ko ng mapagtanto kong narito na ako sa totoong panahon ko.

"K-Khalil?" turo ko kay Khalil, nakangiti naman itong tumango saakin.
"H-Herman? " baling ko naman kay Herman, inirapan lang ako nito.

Biglang tumulo ang luha ko, hindi dahil sa masaya akong nakabalik na ako sa totoong panahon ko. Kundi dahil sa ala-alang iniwan at naiwan ko sa taong iyon bigla kong naalala ang huling sinabi ni Nathaniel saakin. Hindi ko akalain na tutuparin niya iyon.

Lumipas ang lang linggo, na discharge na rin ako sa hospital, ang nakabangga saakin ang siyang nagbayad sa lahat ng bills. Humingi naman ito ng sorry at tinanggap ko rin naman ito.

Ilang linggo ang lumipas, patuloy akong naninibago. Parang bago ang lahat saakin dito sa panahong ito, parang gusto ko na lang ulit bumalik doon, nguni't ang kagustuhang iyon ay hindi na muling mauulit pa.

Memories Of Pain (COMPLETED) Where stories live. Discover now