KABANATA 14.

124 10 1
                                    

"Sandale! " napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Kenjie,  sobrang sama na ng tingin nito saakin.  Bigla ay nakaramdam ako ng takot mula sa kaniya.  Kakaiba talaga ang awra nito,  galit ang makikita mo sa kaniyang mga mata. 

"Mayroon kapa bang sasabihin? " malamig na tanong ko,  pero mukhang hindi niya naman iyon napansin. Umigting lamang ang panga nito at saka biglang sumeryoso ang mukha.

"Saan ka nanggaling kanina?  Bakit nawala kana lang bigla? " hindi ko alam kung galit ba ang tono ng kaniyang pananalita,  hindi ko mawari kung ano ang nangyari sa kaniya kaya naging ganito ang kaniyang awra.  Naguguluhan ako sa kaniyang pinapakita. 

"Sa parke,  iyon lang naman ang naki~" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

"Wala ka roon sa parke kanina,  nagtungo ako roon nguni't wala akong nakitang anino mo." sa pagkakataong ito,  ramdam ko na ang galit niya.  Pero hindi ako nagpadala doon. Ayokong mag-away kami, ayokong patulan ang galit niya ngayon dahil baka lalo lamang kaming magpangbuno na dalawa.

"Hinanap mo ba talaga ako?"  bigla ay sumeryoso ako.  Muling nanumbalik sa aking ala-ala ang mukha niya habang kaharap ang babae niya.  Agad na umakyat ang kirot sa dibdib ko,  bigla ay naalala ko,  wala akong karapatang pantayan ang galit niya.  Wala akong karapatang pagalitan siya. Naalala ko na,  AKO LANG PALA ANG MAY NARARAMDAMAN SAMING DALAWA. Masakit isipin pero iyon ang katotohanan.

Tumitig ako sa mga mata niya,  hindi parin humuhupa ang galit mula rito.  Hindi ko kayang tagalan ang mga matang iyon.   Huminga ako ng malalim at saka muling tumingin sa kaniya.

"Kasi kung totoong hinanap mo ako,  mahahanap mo ako dahil nasa iisang lugar lang tayo Kenjie! " dagdag ko,  natigilan naman ito.  "Kasi kung sa tutuosin,  ako ang naghahanap saiyo,  kahit saang lugar ako magpunta ikaw ang hinahanap ko.  Kasi ikaw ang nagdala saakin doon."  sa sinabi kong iyon ay huminahon ang aking pakiramdam,  pinakatitigan ko ang kaniyang mukha,  nasaksihan kong muli ang pagkabigla nito. Totoo rin ang sinabi kong iyon,  sa bawat lugar na pinuntahan namin ni Nathaniel ay ginagala ko ang aking paningin, nagbabakasakaling baka makita ko siya roon.

"Hindi mo ako hinanap Kenjie,  paano mo nga naman hahanapin ang isang bagay kung tutok ka naman sa isang bagay?"  makahulugang dagdag ko pa.  Hindi na muli siya nakapagsalita pa.  "Paumanhin,  kailangan ko nang magpahinga,  napagod din kasi ako kakahanap saiyo.  Salamat na lamang kung nag-alala ka saakin.  Salamat na rin kung hinanap mo ako.  Kung totoo man iyon.  Paalam muna sa ngayon.  Matutulog na ako,  magandang gabi saiyo."  matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya.  Ang luha kong kanina ko pa pinipigilan ay pinakawalan ko na.  Pumasok ako sa kwarto ko at doon ko binuhos ang lahat ng emosyon ko.  Sinarado ko na ang pinto at doon ay nakaramdam na naman ako ng sakit. 

Hindi ko alam kung mayroon akong karapatang makaramdam nito,  dahil kung iisipin ay ako lamang ang apektado. 

Binuksan ko ang bintana,  bumungad saakin ang maaliwalas na kalangitan.  Hindi ko namalayan na gabi na pala.  Malungkot kong   tinignan ang kalangitan.  Kahit anong aliwalas nito, para saakin ay kulang parin.  Hindi parin humuhupa ang sakit na nararamdaman ko.  Bigla ay gusto ko ng bumalik sa panahon ko,  gusto kong uminom ng alak sa pagkakataong ito.  Iyon lamang ang may kakayahang pakalmahin ang nararamdaman ko.  Iyon lamang ang maykakayahang pahupain ang sakit na nararamdaman ko kahit sa maikling oras  lamang. 

Napaupo ako sa ilalim ng bintana,  yinakap ang sarili at doon muling umiyak.  Masakit sa pakiramdam.  Masakit sa puso ang makaramdam ka nito sa taong walang pagpapahalaga sa nararamdaman mo.  Masakit makaramdam nito sa taong walang kaalam alam na maynararamdaman ka para rito.  At ang mas masakit pa rito, ang makaramdam ka nito sa taong iba ang gusto.

Memories Of Pain (COMPLETED) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz