Kabanata 1

222 39 152
                                    

Confession

"Mahal kita." Pag-amin ko kay Van sa gitna ng canteen. He choked on his food as he scanned me from head to toe.

Nagkatinginan ang mga kaibigan nila, I heard them clearing their throats and hesitant on going back to eat.

"Kate, kumakain kami," He groaned and glared at me.

Parang tumalon ang puso ko sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Kinagat ko ang ilalim ng aking labi para hindi niya makita ang nararamdaman ko but his friends, eyed me so much that it was awkward for me to stay. Itinago ko ang kamay sa likuran bago naglakad pabalik sa lamesa ng mga kaibigan ko.

"A brave one, huh." Narinig kong bulong ni Rom bago ako tuluyang makalayo sakanila.

This is our final year in high school and my sixth year of confessing to Esteban Villanueva. My friend told me to stop doing so kasi alam ng lahat dito kung sino ang gusto niya. Kung sino ang hinihintay niya. I even heard him declaring his admiration to Chantria. They had an on and off relationship. Anim na buwan simula noong unang araw ng pasukan namin sa Grade 7, narinig kong naging sila. Nakita ko pa nga ang paghahanda ni Van para sa pagtatapat niya kay Chantria, napuno ng bulaklak ang gym sa dami ng mga ito. I even saw how they fought in the beginning of eight grade, then how Van ask her to be his prom date during Grade 9. How they had a cold distance during tenth grade. How they started again in 11th Grade and now, I've watched Van stealing glances to his first love who is also his childhood friend.

"Ano ba 'yan. Ipinapahiya mo ang angkan mo, Kate. Ang ganda-ganda mo tapos ikaw ang nauunang umamin sa taong 'yan? Eh hindi ba unang taon palang niligawan mo na iyon? You randomly tell Van that you love him. Tapos lagi ka naman niyang tinatanggihan. Anim na taon na ba? Aba, let your feelings graduate already! Dinaig ang pagkuha ng diploma sa kolehiyo!" Shanti exaggeratedly explained.

Umirap ako sakanya. "Malapit ng bumigay 'yon. Sabi mo nga maganda ako, baka this year na maging kami. 'Tsaka 'wag nga ako, ikaw nga gustong-gusto iyong lalaking iyon!" Liningon ko ang lamesa nina Van kung nasaan ang crush ng lokang ito. "'Di mo sinasabi, kakaloka ka. Maikli lang ang buhay, halina at gawin ang lahat para sa kasiyahan!"

Nanghihinayang na umiling siya saakin. "Ewan ko sa'yo. 'Pag nasaktan ka, kakalbuhin ko talaga 'yang si Esteban para matauhan. Bakit ba naman kasi gustong-gusto niya iyong si Chantria, ganon ba 'yong type ng mga lalaki talaga? Iyong mahinhin, parang aparisyon nalang? Hindi naman lahat ng babae mukhang mabait, some girls do not look like heaven but taste like it." She rolled her eyes.

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Napakabulgar talaga ng isang 'to. But still, she is still kind to stay with me. Madaming may ayaw saakin pero ano bang pake nila, hindi ko rin naman sila gusto?

They look at me like a pest. Isang nakadidisgusto na bagay. I am the daughter of the mayor in here, spending life as lavishly as I can using the money of the citizens. Maraming ayaw saakin dahil doon. Their accusation is right though so tinanggap ko nalang na hindi nila ako gusto kahit anong mangyari. Pakiramdam ko nga inggit ang iba saakin dahil sa buhay ko but sometimes, I wish I am not me. Minsan, naiisip ko na sana hindi nalang ako isinilang sa pamilyang ito. Maybe, it will be easier for me to feel that I am not far from enough.

Everyone knew me as the daughter of the mayor—Esperanza Catalina Flores, anak sa labas. Still, living a luxurious but not a happy life.

Papasok palang ako sa classroom nakita ko na ang sabay-sabay na paglingon nila saakin. Mabilis silang nagbulungan at narinig ko pa ang tawa nila.

I mentally noted their names in my mind kahit hindi sila worth it tandaan. After I graduate college, I will make sure that we will never meet eye-to-eye pero dahil hindi pa naman ganoon ang sitwasyon, sige, bahala sila sa mga buhay nila. Pag chismisan nila ako, 'di naman ako mamatay sa mga salita nila.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now