Kabanata 7

73 27 10
                                    

Six Years

"Bakit hindi niyo ako sinama? E 'di sana, hindi ako tinawag ni Ma'am kanina." Iyon agad ang naging bungad saakin ni Fil nang makarating ako sa upuan ko sa tabi niya.

Bahagya akong natawa sa narinig mula sakanya. "Sana hindi ka nalang pumasok."

"Iyon naman talaga ang plano ko. Nasabi ko naman kina Mama at Papa na may event na magaganap dito kaya walang pasok kaso nakita nila si Rom na nakabihis na ng uniporme kaya bago ko pa sila mapaniwala, napagalitan na ako." He narrated sarcastically and turned to Rom who is sitting in front of us, giving him a glare knowing that his cousin is not even paying attention to us.

He was about to say something when he got interrupted by his friend who just got here, a little later than I did.

Fil stood up and tapped his arm pero bago pa makabati, his eyes locked onto mine.

I did the same... for a few seconds before we both looked away at the same time.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Fil sa nakita kaya naman minabuti kong ituon nalang ang buong atensyon sa pagkaing baon ko ngayong araw na dapat kong kainin sa oras na ito.

I was about to bite my ham sandwich when I almost jump on my seat because I heard my fucking old name.

"Esperanza Catalina!"

Lahat ng nasa loob ng classroom at hindi pa bumababa para bumili ng pagkain sa canteen ay napatingin sakanya.

There, my friend was frowning and still... gracefully, shooting her eyebrows up.

Nakabusangot akong tumayo at dinala ang maliit kong bag na may lamang sandwich at tubig.

As I walked towards her, she was glaring at me all along pero nang tuluyang makalapit, naging malambot ang ekspresyon ng mukha niya.

"Alam mo namang ayaw kong tinatawag mo ako sa buo kong pangalan diba?" Naiirita kong sabi sakanya nang tuluyan akong makalapit at maharap siya.

She snorted before looking on my back and started throwing glares and daggers.

"Tss... tara, kumain muna tayo sa baba."

Hinila niya ako palabas ng classroom na parang walang nangyari kahit na naagaw namin ang buong atensyon ng mga tao roon.

Tahimik kaming naglakad sa hallway kung saan nalagpasan namin ang ilang bakanteng classroom at ang computer lab.

Naramdaman ko ang ilang beses na pagsulyap niya saakin at bubuka ang bibig para sana may sabihin pero hindi natutuloy.

Then, she suddenly clung to my arm and looked up to me so we can see each other's eyes. Natatawa akong tumingin sakanya na ikinatawa rin naman niya.

"You made a scene. Eskandalosa!" Tinulak-tulak ko siya habang gumaganti naman siya ng hampas sa braso ko.

"Anong ako? Nakita raw kayo ni Sam na parang tangang tumatawid ng kabilang side ng corridor!"

Natatawa ko siyang nilingon. "Tumatawid?" I stopped myself from roaring a laughter lalo na at nasa first floor na kami kung nasaan ang faculty ng mga teachers.

"Oh, e' anong tawag sa ginawa niyo?" Iritado niyang sabi bago ako tuluyang hinila sa pila ng mango shake na paboritong-paborito niya.

"Half-day?" Hindi ko siguradong sabi. She scoffed before turning to the vendor who was so busy accomodating all the students who have the same break as we are.

"Half-day? Wala pa ngang kalahati ng araw? Umagang tapat, girl, walang pakundangang love life ang inatupag?"

I pouted as I followed her inside the canteen where she brought two burgers and 1 order of fried siomai.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now