Kabanata 10

78 20 3
                                    

Enveloped

"Hi?" Alanganing bati ko sakanya nang mahinto siya at mabilis na tumalikod. "Hindi mo ako tutulungan dito?" I asked when I felt that he will turn his back at me and leave immediately.

Natigilan siya at hinarap muli ako. Nakangiti kong tinuro ang mga pagkain na nilabas ni Shanti at tinapik ang marbled sink para sabihing lumapit na siya saakin.

I heard him sighing loudly that's why I almost laugh my ass off. He looks awkward as if that's his first kiss! Ayaw ko man isipin, hindi na ako magpapanggap na kahit kailan sa relasyon nila ni Chantria, hindi pa nila nahahalikan ang isa't isa!

I am slightly bitter but I do not want to dwell in the past. First times were good memories but those don't mean that it would be the last and that the next ones are not as important as the firsts. Being someone's first is great but being the further and more so the last is beyond perfect.

Pinagmasdan ko siyang hatiin ang mga rekados na inilabas ni Shanti. Nagpapagawa ng fried rice... hindi ko alam kung bakit ayaw nalang niya no'ng ordinaryong kanin. Minsan, hindi ko talaga siya maintindihan.

"Ako nalang magpiprito at ikaw sa sinangag?" Tanong niya. Umangat ang ulo niya at tinignan ako.

His eyes were dark but they look so soft right now... so calm. He was never like this. Madalas, palagi lang blanko ang mga mata niya. Kung hindi, galit or iritasyon ang makikita.

Napaawang ang labi ko sa nakita sa mga mata niya. Napansin ko ang pagkakatitig niya saakin kaya mabilis akong tumango para sumangayon at saka para hindi na rin humaba ang katahimikan na walang ibang ginawa saamin kungdi ang bigyan kami ng mahabang ilangan.

Tumungo ako sa countertop para doon na maghati ng mga kakailanganin ko para sa fried rice na gusto ni Shanti.

Tahimik naman siyang sumunod at umupo sa harap ko para ipagpatuloy ang paghahanda sa iluluto niya.

Pinagpatuloy ko ang paghahati habang pasulyap-sulyap sakanya. Natigil lang nang magtama ang mga mata namin. Nag-iwas ako ng tingin para hindi lalong maphiya dahil nahuli niya ako sa ginagawa ko! Pero hindi naman ito ang unang beses na nahuli niya ako. Ilang taon ko na ring ginagawa pero ito ang unang pagkakataon na tinitigan niya ako pabalik nang matagal!

"'Wag mo akong tignan nang tignan. Baka masugatan ka." Tinuro niya ang kamay kong may hawak na kutsilyo kaya napatingin ako roon.
I cleared my throat as I turned my head at him again.

"A-ah, thank you..." I said as I try to concentrate on my work.

On the other hand, he stood up and went to the induction stove to finally cook.

Nagulat pa nga ako nang inabot niya ang isa sa mga apron na nakasabit sa gilid ng refrigerator. Napangiti ako na isinuot niya iyon at tinatali ang likuran no'n.

Tumayo ako at tumungo sa sink para maghugas ng kamay at nakangising pinagmasdan siya habang nahihirapan na itali iyon. Nakatakas ang maliit na pagtawa ko nang matapos ang ilang minuto, hindi niya pa rin iyon nabubuhol.

With red ears, he turned at me so I tried to supress my smile and laughter. I did the latter successfully but not the former.

He glared at me kaya mas lalo akong napangiti.

WE WEREN'T SAYINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon