Kabanata 9

65 21 0
                                    

Drunk

"Sandali, sandali." Tinapik ko ang likuran niya nang makita kong papalapit na kami sa bahay ng mga Flores.

Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo pero hindi ko iyon pinansin at mas nilakasan ang hampas sa kanyang likuran para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko. Baka akalain niyang lasing ako. Hindi naman masyado. Medyo umiikot lang ang paningin ko pero ayos lang naman. Kaya pa naman.

He almost kneeled to the ground as I mounted off from his back. I stumbled as I struggled to stand properly by myself that must be the reason why I felt his hand holding my both of my arms.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

I grinned at him while squinting my eyes. I raised my hand and give him a thumbs up, giggling afterwards. "Yup, yup. Ayos naman ako!"

Narinig ko ang malakas niyang pag-ngiwi bago ko nakita ang napipilitang pagtango niya.

"Maglakad na tayo?" He asked while still holding me into place.

Ngumuso ako at umiling. "Nope, dito muna tayo." Nilibot ko ang tingin ko sa iba't ibang lupain at palayan ng mga prominenteng pamilya rito.

Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malakas at malamig na hanging marahas na umihip sa gitna ng gabi at sa ilalim ng kalangitang puno ng mga bituin.

Nakangiti ko siyang nilingon muli. "'Wag muna tayong umuwi."

I felt his hand gripping my arms tightly. Tinagilid niya ang ulo niya at nakita ko ang kuryosidad sa mga mata niya. "Bakit ayaw mo pang umuwi?"

Halos matawa ko nang makita ang pagkakakunot ng noo niya dahil ang cute niyang tignan kapag ginagawa niya iyon.

"Hm, gusto mo na bang umuwi? Kung gusto mo, mauna ka na. Dito lang ako." I suggested, half serious and half joking.

He groaned before letting go of my arms, making me stand on my own, "You think I will leave you alone here?"

"Malay mo? You left us for Chantria earlier..." I snorted, hindi nalilimutan ang nangyari noong nakaraang araw. "Parang kung nandito si Chantria kaya mong talikuran ang lahat." Umirap ako nang maramdaman ang pait na pilit kong binabalewala.

Umupo ako sa gitna ng nilalakaran namin, the gray asphalt felt so rough against my thighs but I didn't mind. Narinig ko ang pagtawag ni Van sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin at tiningala lang siya nang nakangiti. Kunot na kunot na naman ang noo niya na parang pasan-pasan ang lahat ng problema sa mundo.

"I won't leave you here drunk and alone. Hindi ka ba hahanapin sainyo?" Nilingon at tinanaw niya ang malaking bahay ng mga Flores bago binalik ang tingin saakin. He sighed and offered his hand to me, asking me to stand up. I shook my head as a sign of rejecting his idea.

Oh, akala mo ha? Ikaw lang ang may kayang tumanggi? Ako rin! Kaya ko rin!

"'Wag ka ngang mag-aalala. Ang lapit na kaya natin. Isa pa, baka nandiyan ang grandparents ng mga Flores! Sinabihan pa naman ako ni Javier na 'wag umuwi ng maaga dahil nga sakanila? Alam mo, wala naman talaga akong pakialam sakanila pero bakit ba nila ako palaging pinapansin?" I rolled my eyes as I told him the words I will never tell anyone if I wasn't drunk and crazy. "Alam mo, hindi ko talaga naiintindihan 'yang mga Flores na 'yan. Tsk. Bakit nila sinisisi si Mama sa nangyari sa reputasyon ng pamilya nila? Hindi naman nagkaroon ng anak si Mama ng siya lang. Bakit parang walang kasalanan si Ymanuel Flores?" Naiiritang dagdag ko.

Nang hinarap ko muli siya, tahimik lang siyang nakikinig bago tuluyang lumapit saakin at umupo sa tabi ko.

Napangiti ako nang maamoy ko ulit siya. He really smells like a baby powder.

WE WEREN'T SAYINGUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum