Kabanata 20

83 18 3
                                    

Reciprocate

"It's okay. It's still a good grade. " I comforted Van when I learned his grade from one of his major subjects. "How about appealing to your Prof? Hindi pa naman tapos ang araw para sa grade consultation."

Mula sa pagkakadukdok sa lamesa ay umahon siya roon at tinignan ako. Umangat ang gilid ng mga labi niya at tumayo matapos buhatin ang bag na dala-dala niya. Hindi nawala ang paningin ko nang umikot siya para lang mapuntahan ang pwesto kong nasa kabilang side ng kinauupan niya.

"Forget it... ayos naman na saakin ang binigay niyang grade. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sakanya kung saan siya nagkamali. Basta ang alam ko binigay ko naman ang lahat." He said as he offered his hand to me so I can immediately stand up. 

Tumayo na kami at lumabas ng library. Unti-unti na kasing dumadami ang mga tao roon at baka makaistorbo lang kami dahil sa mga pag-uusap namin.

"Is that the subject Shanti failed?" I asked.

Shanti called me last night while crying after seeing the grades that was released so I think... for her to fail that subject, it must be really difficult.

"She failed a subject?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin. "That's new..."

I shrugged and crossed my arms. "Maybe it's because she doesn't like the degree she is pursuing right now? I wish she chose what makes her happy..."

Hindi man sinabi saakin ng kaibigan ko pero alam kong napilitan lang siyang kuhanin ang kursong iyon para sa negosyo ng pamilya niya.

"Kung gusto mo, yayain natin siyang kumain sa labas?"

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. Gusto ko rin sana ang ideya niya kaso alam kong may iba ng plano si Shanti ngayong araw na ito.

Ang sabi niya kagabi, she'll try to appeal to her Prof even if it means begging in front of everyone and putting her name on line. Kahit na anong grade na raw ang ibigay basta pasado lang siya... wala na raw siyang pakialam.

"She'll be with her boyfriend so we don't need to worry."

Tumango siya sa sinabi ko at habang malalim pa ang iniisip niya, isinukbit ko ang braso ko sakanya.

Napatingin siya roon pero hindi naman umalma kaya pinagpatuloy ko lang iyon at pinagmasdan ang reaksyon niya. Nakita ko ang pamumula ng mga tenga niya.

He's still embarrassed, huh.

"Pumunta nalang tayo sa cafe nina Shanti." Pagyaya ko sakanya. "Ayos lang ba?" Sinulyapan ko siya at nakitang kanina pa pala siya nakatitig saakin. "Bakit?" Nagtataka kong tanong sakanya.

Matagal niyang tinitigan ang mga mata ko bago tuluyang nagsalita. "I was just thinking..."

"Of what?" Kunot-noo kong tanong habang tinitignan kung may available na bang tricycle rito.

Luminga-linga ako hanggang sa nakakita ng tricycle na walang laman. Mabilis kong tinaas ang kamay ko at pumara doon. Agad na lumapit ang driver at huminto sa harap namin.

"Pasok na tayo. Kung lalakarin natin 'yon, baka namanhid na ang mga paa natin."

Nauna akong pumasok sa loob. Sumunod naman siya at naupo sa tabi ko. Bago pa man magsimulang gumalaw ang tricycle, sinabi ko na agad kung saan kami ihahatid. Nang marinig ng driver ang lugar na dapat naming marating,  tahimik lang siyang tumango.

WE WEREN'T SAYINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon