Kabanata 26

73 11 0
                                    

Pagtalikod, Paglayo, at Pagkatakbo

Masakit na masakit ang ulo ko nang magising ako ng madaling araw. Pinunasan ko ang mga butil ng pawis ko nang maramdaman ko ang pagtulo nito mula saaking noo.

I sighed and picked up the glass of water beside my bed.

Hindi rin ako makatulog sa oras na ito. Mamayang tanghali na ang araw na pinakahinihintay ng lahat at ang araw ng dahilan ng pagpasa ng mga kinakailangan sa unibersidad pero narito ako ngayon at iniisip si Van na hindi ko na nakita simula noong umalis siya rito.

I forced myself to shut my eyes. Kailangan kong makatulog dahil ilang araw ng ganito ako at alam kong magtataka na si Shanti saakin na paulit-ulit na tinanong ako kung may problema ba raw ako.

Hindi ko na sinabi dahil paniguradong aawayin niya si Van kung marinig niya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. I haven't told her that we broke up that's why whenever she freely talks about Van tuwing nagkikita kami, I feel so uncomfortable but then... I know that if I only told her the truth, hinding-hindi niya ito ilalagay sa usapan.

Siguro, tatapusin ko lang ang araw na ito... at sasabihin ko sakanya. I don't want her to feel that I am having secrets when I think she deserves to know the truth because she's the one I have always run to whenever I want to talk about my insecurities regarding my relationship with Van.

Nang magising ako, mabilis akong nag-ayos ng sarili ko. Napakunot nga ang noo ko nang makitang hindi na sakto ang mga bra ko sa aking dibdib. I should really start working as soon as possible. Kailangan ko ng makabili ng mga undergarments sa mas lalong madaling panahon. Before, I never realized how it is costly to live alone... kung hindi siguro sa condo na binigay ni Papa, baka kung saan na ako napunta.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing a white dress and I made sure that I already have the indigenous garment I'll put on my shoulders later inside my bag.

Nang makarating naman ako sa campus, agad akong binati ng mga Prof at mga naging kaklase ko sa iba't ibang subjects. When I saw Sam, malakas siyang tumili habang palapit saakin. "Ang ganda mo! Blooming 'yan?" Hinampas niya ang likuran ko at saka muling tumili. "Congrats, girl!" Mahigpit niya akong niyakap na ginawa ko rin pabalik sakanya.

"Congratulations din, Sam!"

Napabitaw kami nang may narinig kaming umubo sa gilid namin. Nakita namin si Shanti na nakapamewang at nakataas ang kilay saamin na mabilis kaming dinamba ng yakap.

"Oh my gosh! Congratulations saating tatlo!" She excitedly said.

Sam pinched Shanti's arms. "Congrats, boba! Akalain mo 'yon, kahit taon-taon kang nagmamakaawa na ipasa ka ng mga Prof, kasabay ka naming grumaduate!" Pang-aasar niya sa kaibigan namin.

Umirap si Shanti at siniko ang tiyan ni Sam kaya naman ay umakto itong sobrang nasaktan at kunwaring lumuluha pa.

"Effective naman! Para kasi talaga ako sa theater arts, imbyerna!" She exclaimed and then, turned her whole attention to me. "I saw your father, brothers, and... your Tita Ava outside. Alam mo bang narito sila ngayon?"

Tumango ako. "Yes, I know."

"Alam mo? It's okay for you?" Tumaas ang kilay niya saakin. Nakita ko rin ang nangiintrigang mukha ni Sam.

"Oo naman. I mean, Father still helped me regarding my condo unit so... I guess, it's okay."

Nakita ko ang pagtango-tango nilang dalawa nang marinig ang sagot ko.

"Nakita ko rin ang mga La Oreas sa labas." Banggit ni Shanti. Sabay naming tinignan si Sam na agad namang napangiwi.

"Seryoso? Damn it! Ang sabi nila noong first year palang ako, hinding-hindi sila pupunta sa graduation ko! Bakit narito sila?" Nagpupuyos na litanya niya na akala ko'y mag-uusok na ang ilong niya sa sobrang inis.

WE WEREN'T SAYINGWhere stories live. Discover now